Capitulo 5

7 1 0
                                    

Hinayaan ko si Javier na bitbitin ang bag. Total pinsan niya naman si Pres, siya na lang din magdala non mamaya pauwi sa kanila.

"Gwapo mo Jay bad trip!"

"Pamisik sad og ka gwapo diha bai!"

"HAHAHAHAHAHAHA!"

Hindi pa rin tinitigilan ng boys ang mukhang sukong-suko na na si Jay. Pasalampak itong naupo sa upuan at pinunasan ang pawis sa noo.

"Tigilan niyo 'ko kundi hindi tayo mag co comp mamaya!" gigil nitong sabi.

Humalakhak ang mga kasama at, "Tigilan na kasi at siya pa naman bumubuhat sa atin!"

"Hahahaha sige na nga!"

"O siya upo na!"

Nagkanya-kanya rin silang usapan pagkatapos non. Si Jay ay humihinga nang malalim habang ang katabi na si Karl ay pilit siyang kinakausap.

Wala sa sarili akong napangiti dahil sa kanila. At dahil ilang minuto na lang din bago magsimula ang afternoon period, inayos ko aking mga gamit bilang paghahanda para dito. Kaso pagtungtong ng ala una, nalaman namin na hindi pala papasok ang aming Lec at nag-iwan lang ng gawain. Kailangan daw namin mag elect ng officers para sa kanyang subject.

"Ano ba 'yan election na naman!" reklamo ng boys.

"Para namang hindi ka pa nasanay! Lahat ng subject kaya may officer!"

"O sha simulan na agad nang matapos at mabakante tayo!"

Nagsimula agad ang elections. Ang temporary na President at Secretary ay iyong class officers namin mismo at nagkasundo ang lahat na bawal muna paulit-ulit ang officers para mabigyan ng pagkakataon ang lahat.

"The table is now open for the nomination of President," deklara ng class pres namin.

Agad nagtaas ng kamay si Karl at tinuro ang katabi. "I nominate Jay Estabilo for President!"

Nanlaki ang mga mata ni Jay at halos kutongan ang katabi. Naghagalpakan naman ang boys at sinabing automatic na president na dapat si Jay dahil wala ng papalag.

"No!" pigil ni Joan. "I nominate Aila!" maarteng aniya sabay turo sa kaibigan.

Nagkunwari namang gulat si Aila at umaktong parang ayaw niya ma-nominate. Pero kahit na i-nominate siya ay hindi pa rin naman puwede dahil muse na siya sa class officers namin.

"Eh bawal na 'yan eh! Muse na siya sa classroom officers!" angal ng isa sa mga boys.

"T-Then, I nominate myself!" si Joan ulit. Inilista ang kanyang pangalan sa board ngunit parang malabo ang panalo.

"Woy all boys boto kay Jay ah?" bulungan ng mga lalaki sa harap.

"Dre boto mo si Jay ah? Type mo di ba?" hindi nakalimutan ni Karl na mangampanya sa katabi ko.

Humagalpak sa tawa ang mga nakarinig, maging ako, ngunit natutop ko aking mga labi nang makitang lumingon si Jay. Agad akong nag-iwas ng tingin at nagpigil ng tawa.

"Siyempre, dapat siyang manalo." rinig kong sagot ni Javier.

"Nice!" Karl said with a native Boholano accent.

Nagwala ang boys at pinagkalat na may suporta ni Javier si Jay. At dahil mas marami ang populasyon ng boys kaysa girls sa aming klase, nanalo sa majority si Jay habang si Joan naman ay automatic na ginawang Vice.

"Naks naman President si boss!"

"Gwapo eh!"

"Type pa ni Javier!"

The Sun Sets with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon