Capitulo 7

7 1 0
                                    

Lutang ako. The roses and love letter really occupied my mind. Tuloy, kahit anong kausap ni Javier sa akin, hindi ko napapansin.

"Kanino 'yan galing?" gulat at medyo nakakunot ang noo na tanong niya nang makabalik mula sa canteen. May dala siyang plato na may dalawang rice tapos isa pang plato para sa chicken curry.

"Hindi ko alam," sagot ko na wala sa kanya ang tingin.

Tinitigan ko ng mabuti ang red roses. Sampu ito at may halong ibang bulaklak at dahon tapos maganda ang pagkaka-wrap sa isang bouquet. I tried to search for a card kaso ay wala so I went to read the letter.

"Paanong hindi mo alam?" nakaupo na si Javier sa aking tabi at hindi masimulan ang pagkain dahil naiintriga sa mga regalo.

"Hindi... lang," binuklat ko ang malinis na pagkakatupi ng papel at bumaling sa ibang direksyon upang basahin ito. Narinig ko ang malalim at malakas na buntong-hininga ni Javier.

"Mamaya na 'yan kumain muna tayo,"

"Mauna ka na..." kahit sa sincerely yours na parte wala pa ring pangalan. 'Secret admirer lang ang nakalagay'.

"Mau, masamang malipasan ng gutom," medyo nangungulit nang aniya.

"Kumain ka na..."

"No. Let's eat together. Ano ba 'yang binabasa mo? Mas importante ba 'yan kaysa kalusugan? Sino ba 'yan? Anong sabi? Mamaya na 'yan kumain muna-"

"Shh..." I cut him off with my index finger on my lips however my eyes are still fixated on the paper.

"Tss!" nagmamaktol na aniya at narinig ko ang maingay na pagbabangga ng mga kubyertos sa plastic na plato.

Dear Maureen,

I can't believe I'm writing you a love letter but I thought that I should lalo na at nasa last year na tayo ng high school. Ayaw kong sayangin ang pagkakataon so I want to confess to you how I feel ever since second year high school.

Second year? Tapos ngayon fourth year lang siya nag confess? Kung ganoon, almost two years na siyang may gusto sa akin?

"Maureen,"

"Kumain ka na lang diyan," natatawa kong sabi.

Nakangiti akong bumalik sa pagbabasa ng sulat, walang pakielam sa nagdadabog kong katabi.

Una kitang nakita nung assembly. Your hair was still short and lazily resting on your shoulders. Para kang pusa dahil sa mga mata mo and I thought you were a complete snob but you weren't. I was fine being your acquaintance in first year, kaso hindi ko napigilang gustuhin ka pag second year.

You always catch my eyes kahit nasa malayo ka. Talagang nagagandahan ako sa'yo Mau pero hindi lang iyon ang dahilan kung bakit nagustuhan kita. Ayaw ko na rin i-enumerate dahil nakakahiya.

Ito na muna for now. I hope you look forward to my next letter though it's too much to hope for. I'm not expecting anything, Mau. I just thought I needed to tell you.

Sincerely yours,

Your Secret Admirer

Malaki ang ngiti sa aking labi pagkatapos magbasa ng letter. This is my first love letter in my whole life! Sinong hindi matutuwa?

"Saya mo ah?" matabang na tanong ni Javier sa aking tabi.

"Bawal ba?" nagtaas ako ng isang kilay habang kumakain.

Compared to you Javier, who probably receives love letters everyday, ito ang unang love letter na natanggap ko!

"Tss," 'yon lang ang sinabi niya tapos walang pasabi na umalis.

The Sun Sets with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon