Capitulo 35

3 0 0
                                    

The consecutive school events on the 'Ber' months ignited the students' spirits. Nagkaroon uli ng pageant sa ibang subject at pinalad na naman aming section na manalo.

But despite the festivities, may low moments din gaya na lamang ng exams, quizzes, and performance tasks.

At gaya ng nakasanayan, automatic na grupo kami ni Javier kung by pair lang at humahalo kami kina Jay kung malalaking groupings naman.

Kapag maths, si Javier ang mostly sumasagot at kapag lit naman o science ay ako.

"You done?" Javier asked with a handkerchief covering his nose and mouth. He's slightly leaning onto me to oversee my work.

"Teka," I uttered as I write my name, section, and the date.

Muli ko pang chineck lahat ng sinulat kong sagot bago binigay kay Javier ang papel na agad tumayo at nagpasa.

Nang naglunch break, sabay kaming nagtungo sa bakanteng classroom at doon hinintay ang officers para sabay kaming kumain.

Maya-maya lang ay dumating sina Aud, Sec, Pres, Vice, at PIO na puro mukhang stressed dahil daw sa magkakasunod na quizzes sa klase. Sunugan na talaga ng kilay kapag senior ka.

"Parang ayaw ko ng ngumuya," naiiyak na sabi ni Pres saka sumubo ng isang kutsara ng kanin na may sarsa ng adobo.

"May quiz pa tayo ngayong hapon, Pres." mapait na paalaala ni PIO.

Nasapo ni Pres ang kanyang noo at halos ingudngod na ang noo sa armchair ng kanyang upuan.

"Ugh! Nasa skwelahan ako para matuto, hindi para mabaliw!"

"Kain na kain, para may ilang minuto pa tayong magpahinga bago magsimula ang next period."

"Ayaw ko na!"

"Hahahaha!"

I received another gift from my secret admirer and Javier wasn't salty about it this time. I think it's because I already confessed to him and the way we are to each other is enough assurance to him.

Whoever this secret admirer is, I appreciate how that person appreciates me but I can't give that person anything beyond that.

"Mau, i-lock na ang purtahan."

"Opo."

November 1 and our whole family got together to visit Lola Leonora in her resting place in a cemetery in Clarin, Bohol.

Nasa green canter na lahat ng mga pinsan ko maging si Lolo Cresencio.

Tito Erwin, his wife Tita Marille, and their children Vienna and Vanessa are all aboard already.

Nandoon din sina Tita Samara na asawa ni Tito Esequiel, at ang kanilang mga anak na sina Saiorse, Sloane, at Silvanna.

Hindi rin pahuhuli ang pamilya ni Tita Melva na umuwi pa rito galing Balilihan para lang mabisita si Lola ngayong kalag-kalag. Kompleto ang magkakapatid na sina Lemuel, Mavielle, Aprielle, Clive, at Darwin.

Nandoon na rin si Kuya Dong, ang kapatid ko, at nakaupo sa tabi ni Lolo.

Ni-lock ko ang pinto ng bahay at mabilis na sumampa sa likod ng truck tapos naupo sa tabi ni Kuya.

May dala-dala kaming kaonting baon para pagsaluhan sa sementeryo tapos mga bulaklak at kandila na iiwan doon.

"Okay na tanan?" tanong ni Tito bago sumakay sa driver's seat.

"Oo, okay na!" sagot naman ni Tita Melva at pinaayos ng upo ang mga anak.

Nagtagpo ang mga mata namin ni Mavielle at binigyan niya ako ng nanunuksong tingin. Pinagkunutan ko siya ng noo but she mouthed 'mag-uusap tayo Maureng, mag-uusap tayo!'

The Sun Sets with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon