Capitulo 20

1 0 0
                                    

Panandaliang bumalik sa normal aming klase pagkatapos ng acquaintance. Nagkaroon kami ng exam and the weeks after that were occupied with class discussions.

Siyempre, hindi nawala ang assignments and projects kung saan lagi kaming magka grupo ni Javier. Kung more than two naman ang kailangan ay nasasali kami kina Jay.

I feel like everyone is in a rush and I think this has something to do with the acquaintance. I don't know but for some reason, parang na motivate ang lahat? The teachers are more enthusiastic than ever at ang students naman ay panay ang tanong tungkol sa upcoming school events.

Huminga ako nang malalim at isinandal aking ulo sa balikat ni Pres. Nakatambay kami sa kabilang dako ng school kung saan may malaking puno. Malapit ito sa isang kindergarten center ngunit nahihiwalay pa rin ng isang gate. Walang masyadong tao sa dakong ito kaya malaya naming nae-enjoy. May bitbit pang gitara sina Vice at nagja-jamming.

"Problem?" tanong ni Pres habang ngumunguya ng isang gummy candy. She offered me some at kumuha naman ako. Hinayaan niya lang aking ulo sa kanyang balikat habang pareho kaming nakatingin sa mga punuan.

"Wala naman. Parang ang bilis kasi ng lahat at parang alam mo 'yon? Napaka energetic?"

"Maybe it's because we're enjoying the moment? Kaya hindi natin namamalayan ang oras. Instead, we look forward to the memories we could still make each day."

"Hmm... may point ka, Pres."

"I know right?" maarte siyang humalakhak at inabutan na naman ako ng gummies. "Tsaka sayang at hindi tayo natuloy sa Danao, ano? Masaya pa naman sana 'yon kaso sumama ang panahon." ngumuso siya. "I insist that we reschedule!"

Ganoon nga ang nangyari. Nagplano si Pres na Sunday ay pupunta kami ng Danao at dahil walang klase by Monday and Tuesday ay nagbalak siya ng sleepover doon. Nakapagpaalam na kami nang mabuti sa aming mga magulang at guardian kaso ay biglang bumagyo. Hayon, naudlot ang plano.

"Tsaka ramdam ko excited ang lahat para sa intrams," muling nagsalita si Pres kahit abala rin ang kanyang bibig sa gummies.

"Oo nga, Pres. Sa classroom namin usap-usapan na ang intrams at BACSMEET. Excited talaga ang lahat lalo na't varsity ang karamihan ng boys sa klase namin."

"Oo nga Mau sa classroom namin ganoon din ang topic. Biruin mo, pati teachers excited din? Ang dinig ko pa ay pinapabilisan ng director ang pagli-liquidate ng budget para makapagpagawa na tayo ng jerseys."

"'Yon din ang dinig ko, Pres. Kahapon nga lang eh nilapitan ako ni Sir Jason eh."

"Talaga? Bakit?"

"Sila Jay naman talaga ang sadya kaso dahil andon din ako, sinali ako ni Sir sa usapan."

"Tapos?"

"Nagtanong-tanong siya tungkol sa presyo ng mga pagkain at inumin. Nagulat nga ako eh. Gusto ko sabihin na hindi naman ako price list kaso baka ma offend si Sir."

"Hahahahaha! Sana sinabi mo!"

"Eh basta iyon na nga ang nangyari. Medyo may alam din naman ako dahil madalas akong nauutusan mamalengke sa bahay. Ang rinig ko pa kay Sir ay tutulong din siya sa paghahanap ng solicitors at sponsors."

"Seryoso?" namilog ang mga mata at labi ni Pres.

"Hmm. Alam mo rin siguro na karamihan sa varsity natin ay fourth years na. Huling laro na nila 'to para sa SAI."

"Ang bilis talaga ng panahon, no?"

"Hmm..."

Natahimik kaming dalawa at pinagsaluhan ang gummies na dala niya. Nagja-jamming pa rin sina Vice at panay naman ang kuha ni Sec ng mga litrato. Awkward akong natawa nang bigla siyang tumigil sa harap namin ni Pres at kinuhanan kami.

The Sun Sets with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon