Capitulo 18

1 0 0
                                    

"Let us all welcome, the first year section St. Francis of Assisi! A big round of applause, please!" tuluyan na ngang nagsimula ang presentation at nagpalakpakan ang lahat.

Nagtungo sa stage ang first years. Mayroong mga nahihiya, mayroong mga walang pakielam, at mayroong kumakaway sa mga seniors na nakilala nila dahil sa palaro nung first day of school. Pero bakit itong katabi ko ay umusog pa palapit sa akin at pasimpleng humilig sa aking upuan?

Dahil doon ay nagsimula na naman ang bulungan ng aming mga kaklase. Hati ang kanilang mga reaksyon. Mayroong nanunukso at hayon naman ang grupo nina Aila na halatang dismayado.

"Ay wala 'to, pa simple oh!"

"Hahahahaha!"

"Paano na si Jay?"

"Manahimik ka, pakyu!"

"Hahahahaha! Tigilan niyo na si master,"

"Ikaw nagsimula nito loko ka!"

"Oh my gosh! Aila tingnan mo! Nakaakbay si Javier kay Maureen!"

Anong nakaakbay? Nakahilig lang siya ano ba? Chichismis na lang nga mali pa.

"Oh my! Sila na ba?"

"For real?"

"This can't be!"

Total, malapit din naman si Javier sa akin. Kinuha ko ang pagkakataon para pa simple siyang tanungin.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko at sinubukan pa siyang itulak palayo ngunit nabigo ako.

"Hmm?" maang-maangan niya at halos kilabutan ako nang saglit niyang isinandal ang kanyang ulo sa aking braso!

"Javier!" naninita kong sabi.

Humalakhak siya tapos ay kagat-labi akong nilingon. Sinikap kong samaan siya ng tingin ngunit nginitian niya lang ako at tinuon ang tingin sa stage bagaman ang ulo ay nakapatong pa rin sa aking balikat.

"Pinaggagawa mo?" bulong-bulong ko. Hindi ko inaasahang maririnig niya pa iyon.

"Resting," aniya sa maliit na boses. Parang kay hirap na tuloy na samaan siya ng tingin.

Umiral ang katahimikan sa pagitan naming dalawa kasabay ng pagsisimula ng presentation ng first years. Laking pasasalamat ko doon dahil kung hindi, mas lalo lang magugulo ang nararamdaman ko. Ang nararamdaman ko na ayaw ko pang kilalanin pero nandiyan na.

Malakas ang tugtog at bibong sumayaw ang first years sa We Are Family ng Sister Sledge.

We are family

I got all my sisters with me

We are family

Get up everybody and sing

Everyone can see we're together

As we walk on by

(And) and we fly just like birds of a feather

I won't tell no lie

"Naalala ko na naman ang first day bad trip."

"Hahahahahaha!"

"Sayang ang prize pre!"

"Sayang nga pero 'di mo naman kailangan, tss. Varsity ka kaya petiks petiks lang sa'yo ang PE uy!"

"Kahit na!"

"Hahahahahaha!"

Living life is fun and we've just begun

To get our share of this world's delights

(High) high hopes we have for the future

And our goal's in sight

The Sun Sets with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon