Capitulo 25

4 0 0
                                    

Pagkababa namin ay todo na ang pagkanta ni Sec sa videoke. Naghanap ako ng maaaring upuan kaso ay siksikan na silang lahat.

Pres is seated beside PIO and looking through the songbook. Sina Vice at Aud naman ay todo ang pagse-second voice kay Sec na may halong sayaw pa ang pagkanta.

"Shawty had them apple bottom jeans (jeans)

Boots with the fur (with the fur)

The whole club was lookin' at her

She hit the floor (she hit the floor)

Next thing you know

Shawty got low, low, low, low, low, low, low, low"

"HEY! HEY!"

"LET'S GO MUND!"

I was about to just squeeze myself onto the sofa with Pres and PIO when a house-help approached Javier. Hindi naman talaga ako titigil at lilingon pero bigla niyang hinawakan aking palapulsuhan kaya nalingon ko siya nang wala sa oras.

"Sir nakahanda na po ang inyong snacks at inumin. Dadalhin na po ba sa family room?" ang magalang na tanong ng babaeng house-help na nasa mga kuwarenta na yata ang edad.

"Kami na po ang bahalang magdala non sa family room, Manang. Salamat." ang magalang din naman na tugon ni Javier.

Ngumiti si Manang pero ang ngiting iyon ay parang may iba pa siyang gusto na sabihin.

I swayed my hand a bit to get Javier's attention. Nakahawak pa rin kasi siya sa palapulsuhan ko.

"What is it?" magaan niyang tanong sa akin.

Hindi ako sumagot at pasimpleng nilipat aking tingin mula sakanya papunta kay Manang. Agad niya naman itong nakuha at muling nilingon ang kaagapay nila rito sa mansion.

Ayos na sana eh kaso hindi ko maintindihan kung bakit kinailangan niya pa akong hilahin nang marahan papunta sa kanyang tabi?

Hindi pa tumigil ang bruho. Binitiwan niya aking palapulsuhan at pinagpahinga ang kaliwang kamay sa aking likod. Nahugot ko aking hininga at walang mapaglagyan aking hiya dahil sa makahulugang ngiti ni Manang.

"May sasabihin pa po kayo?" tanong ni Javier sakanya.

Huminga nang malalim si Manang at bumaling sa senyorito ng pamamahay na ito.

"Nakatanggap po kasi ako ng tawag galing sa amin. Mataas daw ang lagnat ng anak ko at walang makakapag-alaga. Nasa Tubigon po aking asawa dahil sa trabaho at naiwan ang anak namin sa Lola niyang may kaedaran na rin. Gusto ko po sanang humingi ng permiso na umuwi sa amin ngayon."

"Does Jamilla already know about this?" usisa ni Javier. Magaan namang tumango si Manang.

"Opo. Nakapagpaalam ako kanina bago pa siya umakyat sa taas. Gusto ko lang din po magpaalam sa inyo kasi wala rin 'yong isa kong kasama ngayon eh. Mga isang linggo pa bago bumalik. Kung aalis ako, wala nang maiiwan sa inyo rito sa bahay."

Life is hard indeed. Imagine having to ask for permission to go and take care of your child. But it is also inevitable dahil ito ang nature ng trabaho ni Manang.

Saglit na nanahimik si Javier, mukhang nag-iisip habang si Manang naman ay halatang kabado sa maaaring sabihin nito.

A few seconds more and Javier looked at Manang like he's already made a decision.

"I understand. Wala pong problema sa akin kung uuwi kayo ngayon. We can take care of ourselves. Jamilla and I know how to cook and do some chores so you don't need to worry about coming in early tomorrow or coming at all. You can take the week off, Manang, so you can also nurse your child to recovery."

The Sun Sets with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon