Capitulo 30

1 0 0
                                    

Cheers filled the entire gym. Nasa likod man kami ng backstage ni Pres ay rinig na rinig namin ang hiyawan sa labas.

"WOHHHHH!"

"Ayan na! Ayan na!"

"SAI! SAI! SAI!"

"Oh em gee babe sila Javy na!"

Sa sinabing iyon ay nagtungo si Pres malapit sa exit upang kunan ng video ang pinsan. Gustuhin ko mang manood, ayaw ko namang iwan ang table namin lalo na't ilang beses nang sinipat ng ibang team ang clothing bags ni Javier. They must be curious about his wardrobe.

"Good evening!" magkasabay na bati nina Javier at Aila sa crowd.

Nakangiti akong nakinig sa aking kinauupuan, silently imagining how majestic he looks in front of the huge crowd.

Kung matuloy man siya sa pagiging bassist, he'll have a bigger crowd to face. A wider range of people that he can reach with his music.

"Embody the spirit of sports through competency and sportsmanship. My name is Aila Jean Agnacio, your Miss SAI-BACS Meet, candidate number 8!"

Job well done, girl!

"Pursue each game with a blazing passion till you reach the top. Never fret, give every opportunity a shot! My name is Javier Ricaforte, your Mr. SAI-BACS Meet, candidate number 8!"

Dang.

Umugong ang malakas na hiyawan mula sa crowd at napangisi na lang ako nang mangibabaw ang boses nina Karl.

"WOOOHHH!!!"

"CLASSMATE NAMIN 'YAN!!!"

"NUMBER 8! NUMBER 8!"

"S-A-I, SAI! S-A-I, SAI!"

"S-A-I, SAI! S-A-I, SAI!"

"S-A-I, SAI! S-A-I, SAI!"

Then the next candidates followed till it was time for them to dance to the music again and return backstage.

Hindi mapirmi si Pres kakapakita sa akin ng kanyang camera at natawa na lang ako.

Bakit ako magfo-focus sa camera kung ang real deal ay nasa harap ko?

Bago pa ang talent portion ay rarampa pa pala ang candidates suot ang kanilang school jerseys. May changing area naman dito sa likod pero dahil maliit lang at nag-iisa ay ora-oradang naghubad ang ibang candidate dito sa likod.

Kanda talikod naman kami ni Pres habang hinihintay si Javier na makabalik. And when he did, Pres retouched his hair while I retouched his makeup. Pagkatapos ay nagbihis siya ng spiked shoes at kinuha ang dalang soccer ball mula sa bag.

Muli na namang tinawag ang candidates sa stage at gaya kanina, kinuhanan ni Pres ng video ang pinsan. Pinakita niya iyon sa akin at sa video, nagpakitang gilas si Javier gamit ang soccer ball.

He did some tricks like kicking the ball then balancing it on his foot, his nape, and on his head.

A couple minutes more and the candidates retreated back. Binigyan ko si Javier ng tissue para mapunasan niya ang kanyang pawis.

"Thanks." he said with a smile, I smiled back.

Pres prepared the clothing bag with his talent outfit while I prepared some light snacks for us to eat. Malamig ang beverage namin ni Pres pero kay Javier ay hindi dahil kakanta pa siya.

Habang nagbibihis at naghahanda ang candidates dito sa likod, nag-aanounce naman ang emcees ukol sa sponsors ng BACSMEET.

Inaayusan ni Pres si Javier while I slowly took his electric guitar out of its case. Napatingin agad ang ibang candidates but I couldn't care much. Mas focused ako sa pag-iingat na hindi ko masaktan ang gitara ni Javier.

The Sun Sets with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon