Capitulo 36

2 0 0
                                    

Balik klase na naman. Kakatapos lang ng finals week and we're on the last month of the year. Tumayo aming class president at nagtungo sa harap dala-dala ang isang box na kanyang yinuyugyog.

"Magbubunutan tayo ngayon para sa christmas party. Gaya ng napag-usapan, 200 pesos dapat ang quantity ng gift. Bahala na kayo kung gusto niyong lumagpas pero huwag naman sanang kulangin. Let's start?"

Nanatili kaming lahat na nakaupo. Unang bumunot si Pres tapos nagsimula kina Aila sa harap. Wala pa man akong nabubunot ay nag-iisip na kaagad ako kung anong regalo ang maaaring mabili sa halagang 200 pesos.

"Ugh!" Aila grunted.

Wala sa sarili akong napatingin sa kanyang gawi, mukhang hindi niya nabunot ang taong nais niya mabunot. Sunod ko namang nilingon si Javier na nakasandal nang maayos sakanyang upuan at may nakatakip na namang panyo sa kanyang ilong pababa.

Nang napansin aking tingin ay mabilis siyang bumaling sa akin at ngumiti ang mga mata. Inirapan ko siya.

"Isang beses lang bubunot, bawal palitan!" paalala ni Pres dahil may ilang students na sumubok palitan ang nabunot nila.

Natapos din sa kabilang side at nagsimula na ang bunutan sa gawi namin. Una siyempre ang boys sa harap.

"Anak ng," rinig kong singhal ni Ivan. Natawa naman ang kanyang katabi sa kanyang nabunot pero agad ding napamura nang makita ang laman ng papel na hawak niya.

"Ano ba naman 'to!"

"Hahahahahaha!"

"Ako na! Ako na!" si Karl na excited na bumunot. Hinintay niya pang matapos si Jay bago maingat na tiningnan ang kanyang papel.

"Yes!" he punched the air in delight.

Now it's Javier's turn.

"Hmm,"

Pinasok niya ang kanyang kamay sa box. Naningkit ang mga mata ko nang nagmistulang maliit ang box dahil sa laki niya.

Sa wakas ay may hinugot din siyang papel kaya ako naman ngayon ang bubunot.

Kinapa ko ang loob ng box at isang papel nalang talaga ang natitira. Kinuha ko iyon at tinignan ang mahigpit na pagkaka-rolyo. May nakikita akong letrang 'a' sa nakasulat sa loob.

"Okay! Tapos nang bumunot ang lahat. Huwag kakalimutan guys na ang ating christmas party ay sa 14 na. 200 ang price ng gift saka wear something red. Sa 16 naman ay ang year-end party na plinano ng student government sa covered court. Wear something silver naman para doon."

"Okay Pres!"

"Okay po, Pres!"

"Noted po, Pres!"

"Oh sya, practice na ang mga may presentation sa christmas party natin!"

Mabilis na tinabi ang chairs upang makapagpractice iyong may mga intermission sa aming party. Kasali si Javier na tutugtog ng gitara pero sa bahay lang daw siya magpa practice.

At dahil wala akong intermission, nagtungo ako sa bakanteng classroom kasama si Javier. Andoon din pala sina Aud at Pres. Ang iba ay bumili raw ng snacks sa canteen.

"Hi guys," pagbati ni Aud. Ginantihan namin siya ng pagtango. Sunod na bumati si Pres pero sa akin lang.

"Hi, Babe!"

"Hello, babe!"

"Do you want something?" tanong agad ni Ricaforte nang maupo ako. 

Marahan akong umiling at tumango naman siya saka naupo sa katabing upuan ng akin. Halatang inaantok pa si Aud habang si Pres naman ay halos mangitim ang ilalim ng mga mata, mukhang kulang sa tulog. 

The Sun Sets with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon