Capitulo 22

1 0 0
                                    

Hinatid nga ako ni Javier pauwi kahit pagod siya dahil sa blocking.

I took a peek of his car outside our window. Nag-inat pa si Ricaforte bago pumasok sa kanyang sasakyan. Siguradong pagod 'yon. Sinabi ko namang hindi niya ako kailangang ihatid pero nagpumilit pa talaga. Nadagdagan tuloy ang pagod niya.

"Anong sinisilip mo diyan, Maureen?" mabilis akong lumayo sa bintana nung narinig ang boses ni Tito Erwin.

Dahan-dahan ko siyang nilingon at binati ako ng nakangiti niyang mukha. May hawak siyang tasa ng nag-uusok na kape habang ang isa niya namang kamay ay nakapasok sa kanyang bulsa.

Umayos ako ng tayo at mabilis na lumapit kay Tito para magmano.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko," nakangiti pa ring aniya, tila nang-aasar. Hindi ko napigilang ngumuso.

"Kaklase ko po, Tito." simple kong sagot kaso ay mukhang hindi kontento si Tito Erwin sa sagot kong iyon.

"Kaklase? Sino? Sa pagkakaalam ko ay wala namang sasakyan iyong sina Jay at Karl." pinagtaasan niya ako ng isang kilay. Ngumuso ako lalo.

"Transferee po, mula Garcia Hernandez." sagot ko sa maliit na boses.

Pinanood kong magbago ang exkpresyon sa mukha ni Tito. Ang kanyang magaang ngiti ay saglit na nahalinhinan ng isang mapait na ekspresyon ngunit agad ding nabalik sa dati.

"Oh? Hindi mo nasabing may transferee sa klase niyo?" tapos sumimsim siya sa kanyang kape.

"Hindi lang po nakatiyempo. Tsaka pinsan po ni Jamilla 'yon." 'di ko napigilang gamitin bilang keyword ang pangalan ni Pres. Kilala kasi siya ni Tito at pinagkakatiwalaan.

"Talaga? Ano ang pangalan ng batang iyon?"

"Javier Ricaforte, Tito." napatungo ako at pikit.

Naghintay ako ng ilan pang segundo kaso ay wala akong narinig mula kay Tito. Nang nag-angat naman ako ng tingin, nakangiti siya sa'kin. Nabawasan ang kaba ko dahil sa simpleng ngiti na 'yon.

"Ricaforte? Tanyag ang apilyedong 'yan sa Garcia Hernandez at kalapit pang lalawigan."

"'Yon nga po. Anak siya ng Mayor ng Garcia Hernandez." sa sinabi kong iyon ay natahimik si Tito. Gusto ko tuloy siyang tawanan dahil bumalatay talaga sa kanyang mukha ang gulat. Mukha siyang cartoon character.

"'Y-Yong anak ng mayor ang naghahatid sa'yo?" hindi makapaniwalang aniya, halos hindi na makasimsim nang maayos sa tinimplang kape.

"Tito ah? Huwag ka ngang issue," tumawa ako. "Oo siya 'yong naghatid sa'kin pero walang namamagitan sa'ming dalawa." tumango-tango ako at yinabangan si Tito ng konti.

Nagtagpo naman ang mga kilay niya, mukhang hindi naimpress sa pagpapayabang ko.

"Showbiz sumagot ah," bulong-bulong niya pa bago sumimsim ng kape.

"Ano ho 'yon?" hindi ko gaanong naintindihan eh.

"Wala," umiling si Tito at kumumpas ang isa niyang kamay sa ere. "Wala naman akong problema kung may crush ka." bigla niyang usal.

Napatigalgal ako sakanya at tila nag-ugat aking mga paa sa sahig.

"Talaga lang, Tito ah?"

"Oo naman! Pero kung may balak kang mag-boyfriend, ang Mama mo na ang kausapin mo diyan. At kung magbo-boyfriend ka man, siguraduhin lang na hindi mapapabayaan ang pag-aaral, okay?"

Nangiti ako ng todo. "Yes po, Tito!"

"Oh siya, magbihis ka na at nang makapagpahinga."

"Yes po, Tito."

The Sun Sets with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon