Capitulo 26

4 0 0
                                    

"Given that the value of x is 4, you substitute this number in the equation and perform the following operations."

Calculus ang subject at pilit kong iniiwasan tignan ang orasan para hindi bumagal ang oras. I tried to concentrate on the lesson and took notes of everything on the board.

Sa tuwing may hindi naman ako naiintindihan ay nagtataas ako ng kamay o 'di kaya'y bigla-biglang tinuturuan ni Javier.

"Eh pa'no 'to?" kunot-noot kong tanong habang tinuturo ang isang problem sa libro gamit aking ballpen.

Sumulyap muna si Javier sa harap bago bumaling sa akin at bahagyang yumuko. Kumuha siya ng papel at ballpen tapos ini-step by step ang pagsolve sa problem doon.

"To make it easier, list down all of the given first. After that, try to identify what the problem requires. Dito, ano bang required dito?" malumanay na aniya habang nakaturo rin ang dulo ng ballpen sa math problem.

"Hmm... value ng sin?" tama ba 'yong sinabi ko?

Ngumiti si Javier at tumango ng konti. "To get the value of sin, which formula should we use? Based on the givens in the problem,"

Tinignan ko ang problem at mga given na isinulat niya. Pagkatapos non, sunod kong tinignan ang listahan ng formula at sinuri kung alin sa mga ito ang pinaka-akmang gamitin.

"This one?" I pointed at one of the formulas. Muling tumango si Javier at isinulat iyon sa papel.

"This could get tricky, especially with quadrants involved," tapos dinahan-dahan niya ang pagpapaliwanag. Hindi siya nagmo-move sa next step hanggat hindi ko naiintindihan 'yong unang nakasulat.

Nang natapos siyang ipaliwanag sa akin ang problem na iyon ay saka naman nagbigay ang teacher ng isang seatwork. Pares na naman kami ni Ricaforte and as much as I want to let him do Calculus alone, nakitingin ako kung paano niya sinolve ang problem at walang sawa siyang pinaliwanag sa akin ang lahat, dahan-dahan at sa simpleng paraan.

"Don't forget the theta," malumanay niya pang paalala habang nakaturo sa papel naming dalawa. Tumango ako at idinagdag ang theta sa tabi ng aming sagot.

Ni-review namin ang sagot sa aming seatwork bago ito ipinasa then the next class followed. Dahil forte ko ang subject, ako naman ang nagtuturo kay Javier sa mga parteng hindi niya naiintindihan. Tulad niya ay dinahan-dahan ko rin ang pagpapaliwanag at ginawang simple.

"Ganoon lang pala 'to?" nakakunot ang noong aniya habang nakaturo sa sulat sa libro. 'Di ko napigilang humalakhak dahil sa reaksyon niya.

"Hmm, ganyan lang 'yan," tumatangong sabi ko pa at binigyan siya ng ibang example.

Break time at nagyaya si Javier sa kanyang sasakyan. Total dahil nasa malapit lang naman ng school entrance naka-park ang kanyang sasakyan, pinayagan kami ng guard na lumabas..

"Bakit? Anong mayroon sa sasakyan mo?" nakataas ang isang kilay kong tanong pero ngumisi lang siya at pinagbuksan ako ng pinto.

"Basta,"

"Eh baka isipin ng guard na aalis tayo? Break time nga but we still have classes, Javier." nag-aalala kong sabi, hindi pa rin sumasakay sa sasakyan.

"Trust me, hindi naman tayo aalis," humahalakhak na aniya at inalalayan pa talaga akong makasakay.

Bumuntong-hininga ako at sumakay na rin. Pagkapasok ko ay agad niyang sinara ang pinto at umikot upang makasakay sa driver's seat. Nang nakapasok siya ay sinara niya ang pinto at may inabot mula sa backseat.

Nakitingin ako doon at nakita ang isang paperbag na may transparent na tupperware ng muffins. May hinugot siyang isa pang paperbag at may laman naman iyong mga bottled na juice.

The Sun Sets with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon