Capitulo 4

6 1 0
                                    

Maaga ako sa school kinabukasan. At dahil wala pa ring luto na ulam sa bahay, sa school ako kumain ng agahan.

Bumili ako ng isang ensaymada, tsaka isang hot choco sa isang vending machine. Kokonti pa lang ang tao sa canteen at wala pa din sina Pres. Payapa akong kumakain at sumisimsim sa aking inumin ng biglang,

"You're here early,"

"Huk!"

Napahawak ako sa aking bibig upang hindi mabuga ang kinakain! Huminga ako ng malalim at nilunok ang nasa aking bibig.

"Anong ginagawa mo dito?" ang unang lumabas sa bibig ko. Dumampot ako ng tissue mula sa box na nasa lamesa at pinunasan ang konting kalat sa gilid at baba ng aking labi.

"I'm here to buy water," aniya sabay pakita ng water bottle na walang laman.

Tumango ako, "Okay" saka nagpatuloy sa pagkain.

Nilagpasan niya ako saka nagtungo sa dispenser para mag-refill ng tubig. Sa pagkakaalam ko ay may bayad iyon at base sa laki ng water bottle ni Javier, tantya ko ay nasa tres presos ang kanyang babayaran.

Tinapos ko aking pagkain at tinapon sa basurahan ang mga kalat. Kita kong napatingin si Javier sa akin. Tinanguan ko siya tsaka tinuro ang classroom, hindi man lang hinintay na matapos.

Eh bakit, hindi naman kailangang magsabay kami pabalik 'di ba?

As soon as I sat on my chair, I readied my stuff for the first period. Text book and pencil case. Ang sabi kasi ay nagsimula ng magdiscuss ang Lec na ito sa kabilang section kaya malamang ganoon din sa amin. Konti pa lang ang nandito sa room at kadalasan ay iyong matatahimik pa.

I watched the door and immediately smiled as I saw the rowdy boys sitting in front of me. Puno sila ng kantyawan dahil sa isang game na nilaro nila kahapon.

"Eh si Karl bobo! Sabi ko ibang hero ang gamitin, ayaw makinig!" pabirong singhal ni Jay habang nagsusuot ng ID.

"Grabe sa bobo ah! Eh kasi sabi nung nagco computer sa amin malakas daw ang hero na 'yon kaya sinubukan ko!"

"Eh ano bang rank nung nagco comp sa inyo?"

Nagkamot si Karl ng batok habang nag-iisip. Saglit pang tumagilid ang kanyang ulo nang sabihin ang sagot, "Guardian yata 'yon eh," ang inosente niyang sabi na siyang nagpahagalpak ng tawa nina Jay.

"Guardian?! Gago ang baba!"

"Bakit? Ano bang rank mo?!"

"Ancient na ako tol!"

"P-Pang-ilan ba 'yan?!"

"Pangatlo sa pinakamataas!"

"Anak ng! Seryoso ka?!"

"Oo!"

"E-Eh ang guardian ba?"

"Pangalawa sa pinakababa!"

"Ha! Loko 'yon ah! Ilang ranggo ba mayroon?"

"Walo,"

Nagpatuloy sila sa pag-uusap hanggang sa pag-upo. Malapad naman akong napangiti nang hindi nila nakaligtaang batiin ako.

"Hi Mau!"

"Good morning Mau!"

"Good morning!" nakangiti kong bati pabalik.

Bumalik sila sa kanilang pag-uusap at nagplano na naman ng laro mamaya. Mga dalawang game lang daw dahil kailangang umuwi ni Karl ng maaga. May lakad daw kasi mga magulang niya at walang magbabantay sa nakababatang kapatid.

"Mamaya ah?"

"Oo!"

"Dre laro tayo mamaya!" kausap ni Jay sa iba pang boys sa harap.

The Sun Sets with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon