Capitulo 27

1 0 0
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw. Assignments, quizzes, projects, all submitted in a flash. Naging abala na naman kasi ang lahat para sa nalalapit na BACSMEET.

Kaliwa't kanan din ang meeting ng SSG kasama ang athletes at faculty para sa pagfa-finalize ng jersey, transpo, food, at iba pang kailangan para sa BACSMEET.

"It's final. Let's go with maroon total iyon naman ang color ng school natin." si Pres.

Nakalatag sa isang whiteboard lahat ng design ng jersey na nagawa namin base sa suhestiyon ng mga athletes. Sila ang kinunan namin ng opinyon dahil sila naman ang magsusuot ng jersey.

"Pair it with white, Pres. Para naman hindi masyadong mainit sa mata," suhestiyon pa ni Vice.

"Alright,"

And we're fixed with the color. Palipat-lipat ang tingin ko sa white board at sa budget breakdown na ginagawa ko. Mostly transportation tapos mga pagkain at inumin. Kasali na rin ang snacks para sa athletes ng iba't ibang sports.

"What about the transportation?"

"Ang sabi ng athletes ay preferred nila ang mag bus kaysa van. Nakausap ko na ang ilang konduktor kahapon at ang average rate raw back and forth ay seven hundred-fifty pesos."

"Sa iisang venue lang ba gaganapin lahat ng laro?"

"Mukhang may ibang sports na kailangan ng transpo, Pres. Swimming yata?"

"That's fine. Sasama naman tayo at dadalhin ko ang van namin. If the athletes need a ride to the venue, puwede ko silang maihatid."

"Eh 'yong bus?"

"Well, since iisang venue lang naman gaganapin halos lahat, then huwag na lang tayong magpahintay. Halos isang linggo din iyon. Magpahatid nalang tayo the day before the event at magpasundo the day the event ends."

"Advance tayong pupunta doon?"

"Hmm. Para naman may oras makapagpahinga ang athletes doon. I already talked with the faculty at sila na ang kakausap sa head ng BACSMEET tungkol sa ating plano."

"Anything else?"

"Food and beverages."

Ramdam ko ang unti-unting paglapit sa akin ni Pres. Nag-angat ako ng tingin at ibinigay sakanya iyong listahan ng pagkain at inumin para sa event.

"Thanks babe,"

"The pleasure is mine," tapos bumalik ako sa pagco-compute.

Bumalik si Pres sa white board at pinaskil doon ang listahan.

"For the three important meals, we made an arrangement with a catering service. Sila din 'yong nag cater sa atin sa BACSMEET last year. As for the snacks, mostly bread, water, Gatorade, and juice for the athletes."

Nagtaas ng kamay si Sec.

"Yes, Sec?"

"What if magdala tayo ng ice bucket o cooler para malamig ang mga inumin?"

"Oo nga naman,"

"Oo nga, Pres?"

"Kung athlete ako masarap sana kung malamig ang inumin."

"Then we'll bring ice buckets and coolers. Kausapin niyo ang faculty at iba niyo pang kakilala na maaaring may cooler para madala natin sa Loboc."

"Okay!"

Nagpatuloy ang aming meetings hanggang sa natapos. Nag-inat ako at lumabas muna ng classroom para magpahangin. Kalapit lang ng school namin ay ang catholic church at sa tabi naman ng simbahan ay may malawak na field. Ang field na ito ay nasa mismong tapat din ng school namin.

The Sun Sets with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon