Capitulo 14

1 0 0
                                    

Pagkatapos maghapunan, naghugas ako ng pinggan at naghalf bath. Sunod kong inasikaso si Kuya Dong at siniguradong komportable na siya sa kanyang silid. Nasa sala pa sina Tito at nanonood ng TV pero dahil kailangan kong asikasuhin ang budget breakdown ay pumasok na ako sa aking silid.

Let's see... mainly decors ang cargo ng SSG. Ang school na kasi ang bahala sa equipments like mic, speaker, lights, at kung ano pang kailangan ng venue. Ang SSG ay mostly in-charge sa takbo ng program at presentations.

Kung matutuloy nga ang pinaplanong transpo ng school, I think the SSG can contribute to the budget pero kailangan ko pang konsultahin din sina Pres tungkol dito. Afterall, marami pang events ang school at gusto rin ni Pres na paghandaan ng todo ang BACSMEET.

I worked myself to sleep and woke up around five-thirty in the morning. Just like my usual routine, bumangon ako para magsaing, magluto ng ulam, kumain, tsaka maligo. Around six nang magising sina Tito at nag-agahan kasama si Kuya Dong.

Inaayos ko aking mga gamit sa skwela nang makatanggap ng isang text. I shivered as I saw the sender's name.

From: Javy

Good morning :)

Ang laman ng kanyang text. There goes my heart again with its erratic beating. Naisip kong mag-reply pero natakot din ako. I feel like I know the answer to what I'm feeling but I don't wanna admit it yet. Some inner voice snickered at me,

Crush nga di ba???

Para kasing masyado pang maaga? Mabilis? Kahit humigit isang buwan na rin naman simula nung klase. Tss.

"Tito mauna na po ako,"

"Baon mo?"

"Mayroon pa naman po ako, Tito. Salamat."

"Sige, mag-iingat ka!"

"Opo,"

The gentle yet freezing morning breeze greeted me as soon as I left the house. Preskong-presko sa pakiramdam at kinokontra ang init ng araw. Masarap sa pakiramdam at binibigyan ako ng gana na pumasok sa skwela.

Papaliko pa lang ako sa simbahan nang mamataan ang pamilyar na itim na SUV sa 'di kalayuan. Aware of the owner, pasimple ngunit nagmamadali akong lumiko at pumasok sa school. Maraming bumati sa akin pero wala akong ibang naging tugon kundi isang ngiti at tango.

What is happening to me? I need to take a hold of myself or I'll really be busted.

"Hi Mau!" bati nina Karl sa akin.

"Hello," nakangiti kong bati pabalik at inilagay aking bag sa usual nitong puwesto.

"Ang aga niyo ngayon ah?" I tried to strike a conversation. Usually kasi mas maaga ako sa kanila.

"Practice lang. Siyempre, pagkatapos ng acquaintance eh intrams naman tapos BACSMEET. Paniguradong puspusan ang training lalo na't balita ko eh naghahanap talaga ng sponsors ang SSG para masuportahan ang sports teams ng school."

"Hmm, ganyan nga ang napag-usapan namin nina Pres. Last year na rin kasi natin kaya gusto ni Pres na all-out talaga. Last year naka place tayo sa takraw at basketball di ba?"

"Hehehe, oo nga!" medyo nahihiya na sabi ni Jay, ang team captain ng basketball team namin ngayon.

"Tsaka Mau,"

"Hmm?"

Teka ang budget breakdown nga pala. Kailangan kong ibigay kay Pres dahil irereview niya pa bago ipasa sa office.

"May presentation ba ang SSG?"

"Oo,"

Nasaan ba 'yong breakdown na ginawa ko?

The Sun Sets with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon