Capitulo 13

1 0 0
                                    

Ilan sa napagkasunduan ng SSG na i-perform ay ang I Will Survive, Beat It, at Another One Bites The Dust. Hindi pa kami makakapagpractice agad dahil aayusin pa ng boys ang areglo ng instruments. Maybe this weekend, makapagsimula na kami. Pinag-usapan din namin ang susuotin para well-coordinated.

Lunch break at kami na lang ni Javier ang naiwan sa klase. Maayos naman siya kanina pero biglang naging bugnutin pagkatapos nila mag-usap nina Vice kanina nung nag snack break. Ano na namang pinuputok ng butsi nito?

"Ayos ka lang?" tanong ko nang hindi na makayanan ang kanyang pananahimik.

"Hmm," mahina niyang sagot sabay labas ng kanyang baong kanin at lumpia.

Under normal circumstances, inirapan ko na ang isang 'to at hindi papansinin but I do recognize the friendship we've built over the past few weeks. And for some reason, hindi ko rin makayanan na hindi kami magka-ayos?

Like c'mon, Ricaforte. If I did something to upset you then at least tell me para makabawi ako!

Anak pa naman ng Mayor 'to. Baka ipatumba ako dahil nagtatampo siya sa' kin?

Siraulo ka, Maureen!

"Sigurado ka?" I don't usually go this far pero tss. Ito na ba ang sinasabi ni Mavielle na niluluwagan ko ang sarili ko?

"Yeah," he said in a monotone at ngumiti ng pilit pagkatapos.

Sarkastiko akong ngumisi at hinayaan na lang siya. Siguro naman kakausapin na niya ako mamaya? Isa pa, may reporting kami. I hope ayos na kami by that time.

Pero lumipas ang ilang subject at hindi pa rin ako kinakausap ni Javier. Now is the time for the reporting and as much as I want to review our answers together, parang wala pa rin sa kanyang plano ang kausapin ako.

Sana maitawid namin ito nang maayos.

"Javier," muli kong subok na kausapin siya.

Tinanggal niya ang kamay na nakatakip sakanyang bibig at tumingin sa akin.

"Hmm?" ayaw niya pa rin akong kausapin?

"Good luck sa atin," 'yon lang at umayos ako ng upo. Can't force him to talk if he doesn't want to talk. Bigyan na lang ng space.

While waiting for the Lec, hinanda ko ang project naming dalawa. Walang imik kong inabot sakanya ang poster at isang kopya ng mga sagot namin sa process questions. Batid kong sinusundan niya ako ng tingin pero hinayaan ko lang.

Nang tapos ko nang iabot sakanya ang project, tinalikuran ko siya at humarap ako sa bintana para i-review ang mga sagot. Maingay na din kasi ang klase kaya hindi ako masyadong makapag focus.

Sinuyod ko ng tingin ang buong collage at inalala ang explanation ko para rito. Inisip ko rin ang mga posibleng mapuna ni Ma'am sa collage at naghanda ng mga kasagutan. Pagkatapos non, binasa ko naman ang mga sagot namin sa process questions. Saulo ko na naman ang mga sagot pero gusto ko lang makasigurado.

"Why the heart?" I softly whispered in the air.

"Logically, the mind would be the best option. As it not only focuses on one's passion, a bias in decision-making could be avoided. However, thinking of the large image most of the time can be exhausting not just for the mind, but also for the soul. Hence, I want my heart to consume me. I want my love and passion to consume me so much that it will erase any afterthought of guilt and regret for choosing myself."

And if all else fails... I will accept every regret and consequence brought by my actions.

Humarap lang ako sa board nang pumasok na ang Lec. Sa gilid ng aking mga mata, ramdam kong nakatingin si Javier sa akin pero dahil hindi naman siya nagsasalita ay hindi ko na lang din pinansin.

The Sun Sets with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon