Capitulo 9

1 0 0
                                    

Saturday came. Hindi na ako nagulat nang sinundo ako ni Javier sa bahay, but this time, he's using a platinum SUV.

"Parang masyado naman tayong maaga?" pinagtaasan ko siya ng kilay habang inaayos aking seatbelt.

"Jamilla said you'll have a meeting this afternoon, tungkol daw sa acquaintance. Baka..."

"Baka ano?" pang-uusisa ko.

Peke siyang umubo at bumulong pero rinig ko pa din. "Baka wala ka ng oras para sa..." he paused then smiled slyly "Para sa project natin,"

What? Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano so I chose to stay silent. Bahala ka sa buhay mo Javier Ricaforte. Iba-iba na lang yata ang trip mo kada araw.

Wala sina Tito sa bahay dahil may lakad sa Bogtongbod ang buong pamilya. Si Kuya naman ay iniwan muna namin kina Lolo Aboy, ang father-in-law ni Tito Richie.

Sinulyupan ko ang mga gamit sa backseat ng SUV. Sa tabi ng mga illustration board ay may isang overnight bag na kulay itim. I wonder if he's going somewhere?

"May lakad ka after?" wala sa sarili kong tanong. Kita ko kung paano siya nagulat sa tanong ko. Pasulyap-sulyap pa siya sa akin kaya pinagsabihan kong mag concentrate sa pagda drive!

"Uh, wala. Bukas pa, nagyaya ang parents ni Jamilla sa Tagbilaran at may utos din si Papa. Bakit?"

"Wala naman," sabi ko at humalukipkip.

Bukas din ang pagdating nina Mavelle rito sa Sagbayan. Sayang lang at hindi sila magtatagal. Paniguradong bandang alas tres o kuwatro ng hapon ay uuwi rin sila ng Balilihan.

Ngayong maaga aming biyahe, saka ko lang din na-appreciate ang tanawin sa labas 'di gaya nung pumunta kami kina Pres for dinner. Pamilyar naman sa akin ang daan lalo na at nakapunta na ako ng Danao dahil kay Tito, but I still can't help appreciate the beauty of nature.

Lumiko si Javier at alam ko na kaagad na nasa bahay na kami nina Pres. He parked the SUV on the garage at pansin ko na wala doon ang puting van na madalas gamit ni Pres papuntang school.

"Wala ba si Pres?" tanong ko habang nagtatanggal ng seatbelt.

Nilingon ako ni Javier at napako ang tingin niya sa mahikal na seatbelt na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatanggal. Paano ba 'to? Is it broken or something?

"She went to Tubigon for an errand. Then pag-uwi non susunduin niya raw ang ibang SSG," aniya sa malalim na boses at tinulungan akong magtanggal ng seatbelt. Halos sumsiksik ako paatras sa aking upuan dahil sa nangyari.

Too close, Ricaforte. Way too close.

"All done," he said with his eyes fixed on mine. Hilaw akong tumawa at agad binuksan ang pinto para makababa na.

Bad trip ah? Parang ilang minuto akong hindi nakahinga!

Bumaling ako sa ibang direksyon at pilit na huminga nang malalim. Pinapakalma ko pa ang puso ko nang narinig ang pagsara ng pinto ng driver's seat. Kasunod nito ay ang pagtunog ng sasakyan and before I knew it, Javier's right beside me.

"Let's go?" he smiled and put his palm on the back of my waist. Ang isang kamay niya naman ay may hawak ng mga pinamiling materyales.

Halos mahigit ko aking hininga dahil doon ngunit wala ring nagawa kundi magpatianod. The feeling is too foreign to me.

Tahimik ang mansion pagpasok namin. Ni wala akong namataang katulong kahit na nung nagtungo kami sa kusina.

"Coffee?" si Javier habang nasa harap ng isang coffee maker.

"With creamer and sugar please," sabi ko sa maliit na boses.

Kita kong nag-angat siya ng tingin sa akin. Pinagtaasan ko siya ng kilay nang sumilay ang isang ngiti sa kanyang mga labi. Mukhang ang ganda ng gising ah? Parang hindi pinapak ng lamok nung natutulog pa.

The Sun Sets with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon