Capitulo 31

2 0 0
                                    

Matagal-tagal na natulog ang lahat sa aming hideout. Laman ng usapan ang nangyari sa mga sports at ang pagkapanalo ni Javier. Everybody tried to comfort Aila as well but she bawled her eyes out.

Umaga at naghahanda na kami para sa aming pag-alis at closing ceremony. We've eaten our breakfast and are on our way to the field for the program.

Malayo paman ay tanaw na namin ang makeshift stage at ang ibang delegates. Mabilis kaming pumwesto sa aming designated area at nagkanya-kanyang bukas ng payong dahil sa init. Javier is holding my umbrella dahil mas matangkad siya.

"Move closer," mahina niyang sabi sa akin at sumunod naman ako. Our arms are now pressed against each other.

"Ayos na?" I raised a brow at him. Ngumisi naman siya at bumulong sa ere, hindi ko rinig.

"Kung puwede nga dito ka nalang sa harap ko pumwesto."

"Ha?"

"Wala."

Ano daw?

I gave him a side eye but Javier only chuckled and pulled me closer to him sabay ayos ng pagkakahawak niya sa payong.

I roamed my eyes around the venue and spotted what seemed like three media reporters near the stage.

I glanced at Javier who's busy scanning the field too through his black aviators. Hinawakan ko ang dulo ng payong at ginalaw ng konti ang ayos nito para matabunan kahit papano ang mukha ni Javier. Agad siyang napalingon sa akin at mukhang alam agad kung bakit ko iyon ginawa.

"Hold this for a sec," abot niya sa akin ng payong. Kinuha ko naman at pinanatili ang mataas na pagkakahawak dito.

Javier rummaged through his backpack and took out two black caps. Isinuot niya sa akin ang isa at ang isa naman ay sakanya. Pagkatapos non ay sabay kaming humarap sa stage at maya-maya lang ay nagsimula na ang program.

Binati kami ng mayor ng Loboc at kinong-gratulate para sa aming partisipasyon sa event. 'A job well done' raw, aniya.

In-announce rin ang tally ng mga panalo at nanguna sa overall champion ang Nazareth ng Tubigon. Nakapuwesto naman kami sa 6th place dahil bagaman maraming panalo, marami ring events na wala kaming pambato.

Everything's been smooth sailing so far till the event organizers decided to summon the newly crowned Mr. and Ms. BACSMEET 2008.

Agad pumwesto sa harap ng stage ang mga miyembro ng media upang makunan ng litrato at content ang mga nanalong kandidato.

"Good morning to our newly crowned Mr. and Ms. BACSMEET 2008! How are you guys feeling today?" kausap ng emcee sa kanila.

Umusad ako at lumapit kina Pres na tutok na tutok sa stage.

"Uhm, dreaming? Everything still feels like a dream to me." sagot ng nanalong Ms. BACS mula Nazareth.

"How about you, Mr. Ricaforte? Everybody was heartbroken last night upon your confession!" biro pa ng emcee. Humalakhak naman si Javier at napatili ang ilang delegates dito sa baba.

"Nervous. Titles come with responsibilities, after all."

"And what about your special someone? Have you confessed to her already?"

Kailangan ba talagang itanong 'yan?

Hayan tuloy sina Pres at parang na-activate na naman ang program nila para manukso sa akin.

"Not yet."

"Is she aware that you feel that way towards her?"

"I'll ask her sometime."

The Sun Sets with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon