Capitulo 29

2 0 0
                                    

Morning. Ang mga athletes na wala ng laro ay nagsimula nang mag-empake ng kanilang mga gamit habang ang iba naman ay agad naghanda after mag-agahan.

Today is the last day of events for the BACSMEET at bukas ng umaga naman ang awarding ceremony.

Just like what Pres said, dumating nga ang ilang relatives ng kanyang ina na taga Sevilla and they brought breakfast for us all.

Maliban doon, nagdala din sila ng snacks at umuwi pagkatapos. Gusto sana nilang manood sa pageant kaso hindi rin sigurado kung makakabalik sila mamayang gabi.

"Ano Pres? Na-contact mo na?" si Vice na nagbubunot ng damo.

Nameywang naman si Pres at umiling. "Hindi pa eh. Busy ang line."

"Sayang naman kung hindi sila makakapunta. Ang lapit lang eh," si Sec na nagtitirintas ng kanyang sapatos.

"Sayang talaga," nakangusong sabi ni Pres at muling nagdial sa telepono niya.

Nasa labas kami ng hideout at naghihintay ng instruction mula sa teachers. May laro si Sec for third place sa Takraw, si Aud naman ay battle for second sa tennis, at si PIO ay battle for third din sa chess.

The call that they're pertaining to is Javier's parents. Kanina pa tumatawag si Pres sa kanilang linya, mostly to Javier's dad para itanong kung makakapunta ba sila mamaya kaso ni isang tawag ni Pres ay hindi nasagot o naibalik.

"Just let it go, Jamilla. Whether they watch or not does not change anything." si Javier na kakatapos lang makipag-usap sa teacher-in-charge for the pageant.

"Eh sayang kasi! Ang lapit-lapit ng Garcia Hernandez no?" nakangusong sabi ni Pres pero itinago na rin ang cellphone.

Inabala ko naman aking sarili sa pagbabasa ng schedule para sa araw na ito habang nakikinig sa kanila. But then I noticed this person dragging a chair towards mine at naupo doon.

Tumaas ang isang kilay ko habang nagbabasa ng program. His scent immediately infiltrated my nose like a nuke. Strong but eventually becomes a powdery musk.

"Yeah but we can't really force them. Si Dad siguro makakanood pa but I doubt Lola will let my Mom watch my event."

What a grandma.

"Hindi ko maintindihan ang Lola mo sa mother's side, Javy. Siya 'yong tipong kontrabida sa mga telerseye alam mo' yon?"

May tama ka, Pres.

Tumawa ang officers at tinukso si Pres.

"Huy Pres huwag ka namang ganyan! Basin magabaan ka wuy!" si Vice.

"Hahahahaha! Oo nga?!" si Aud.

"Teka, ganoon ba talaga kalala ang Lola mo, Javier?" si Sec na natitigilan pa.

"I wonder about that too," si PIO na napahimas pa sa kanyang chin.

Humalakhak si Javier. Magaan iyon at tila masaya but after everything I've heard last night, I don't think I'll be able to picture his grandma in a better light yet.

"No comment." ang nakangisi niyang sabi.

Magsasalita pa sana 'yong apat kaso tinawag na sina Sec, Aud, at PIO dahil malapit na magsimula ang kanilang mga laro. Si Pres naman ay kinausap ng dean kasama si Vice kaya naiwan ako kasama si Ricaforte.

"Anong tinitingnan mo, Miss?" mapaglaro ang tonong tanong niya.

Ngumiti naman ako at ipinakita sakanya ang schedule.

"Today's schedule. Seven pa pala magsisimula ang pageant? Tantya ko mga alas diez o alas onse ng gabi pa matatapos ang event."

Nakitingin din siya sa schedule at bahagyang ngumuso. Napangisi ako.

The Sun Sets with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon