Capitulo 6

6 1 0
                                    

Weeks went by like flashes of memories right before my eyes. Kagat ko ang takip ng aking ballpen habang sinusubukan intindihin ang isang problema sa calculus.

Nakakainis naman 'to? Nakakaalog ng utak masyado. And to think that I'm planning to take accountancy in the future! There's math, math, and math! Gusto mo bang mamatay nang maaga, Maureen?

I heaved a deep sigh and just tried to solve it using the given formula. Hindi ako sigurado sa aking sagot pero kailangan ko ng ipasa ang papel dahil tapos na ang oras.

"You done?" tanong ni Javier sa aking tabi. Tahimik akong namangha nang makitang puno ng solution ang papel niya. Did he finish everything?

"Oo," simple kong sagot dahil wala ng enerhiya.

Tumango si Javier at kinuha aking papel. Ipinadala niya ito kina Karl na magpapasa na rin pala.

I crossed my arms across my chest and rested my head on the window's grill. Ayaw ko talaga ng subject na 'to. Kahit na nae-enjoy ko naman minsan ang pagso-solve, madalas talagang nakakairita lalo na't hindi ako sigurado sa sagot.

"Ayos ka lang?" usisa ni Javier.

"Ayos lang," pagtatapos ko agad sa usapan.

"Okay," tila nanghihinayang niyang sabi.

Hindi na ako umimik saka pumikit at pinahinga aking utak. We have another quiz for the next period at ayaw kong i-take iyon na i-stressed. Walang naidudulot na maganda ang stress at baka makalimutan ko pa ang mga dapat na sagot.

Kaso kahit na gusto kong magpahinga, lumikot naman aking utak sa mga nangyari nitong nagdaang mga araw. Ever since that talk with Javier in the Suarez's balcony, parang naging mas maingay ito at uh, close sa akin?

Baka naman ganoon siya sa'yo Mau kasi magkakilala kayo ng pinsan niya?

"Salamat sa paghatid," sabi ko sa maliit na boses. Hindi ko inaasahang siya rin ang maghahatid sa akin. Puwede naman akong sumabay sa iba doon sa van but... I don't know. He insisted.

"No problem," aniya at agad na tumalikod tapos sumakay sa sasakyan.

Tinanaw ko ang SUV niya hanggang sa naglaho ito. Umihip ang pang gabing hangin at tila binulong sa aking tainga ang mga napag-usapan kanina.

He was sent here because his grandparents are afraid that he'll affect his mother's candidacy? Ang sakit naman no'n. I don't think it's fair to do this to him just because of an election.

Tahimik akong pumasok sa bahay, nag-iingat na huwag masyadong lumikha ng ingay. Hindi na naman ako nagulat nang maabutan si Tito sa sala, nagkakape at nanonood ng TV. It's nine in the evening at hindi ito healthy na oras ng pag-uwi para sa akin.

"Mano po, Tito," lumapit ako sakanya para magmano.

Mukhang nagulat si Tito sa presensya ko. Did he not notice my arrival? Kung sabagay, malakas din ang volume ng TV at natatabunan ng malakas na hangin ang kung anumang ingay mula sa labas.

"Nasaan na ang mga kaklase mo? Bakit hindi mo muna pinapasok?" nakangiting aniya pagkatapos ko magmano.

"Gabi na ho kasi, mukhang nagmamadali ring umuwi," kaklase eh isang hindi nga kilalang mukha ang naghatid sa akin. Tapos lalaki pa! I wonder how Tito Erwin would react if he knew?

"Ganoon ba? Sayang naman at hindi ko man lang napasalamatan," tumayo si Tito at pinatay ang TV.

"Ngayong andito ka, papasok na ako, ah? Kung magtatagal ka pa rito sa sala ikaw na lang bahala mag-off sa mga ilaw,"

"Sige po, Tito,"

"Sige,"

Sa mga sumunod na araw, mukhang mas naging kumportable si Ricaforte sa akin.

The Sun Sets with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon