- Boyfie Did My Make-up -
"Hard pass," Umirap ako. "Baka mamaya sirain mo pa ang maganda kong face at gawin mo 'kong clown."
"What do you think I am? An idiot?!" Singhal niya.
"Oo." Diretso kong sabi.
He scoffed at disbelief. Napahilamos siya sa mukha niya habang ako naka-crossarms pa din.
"Makinig ka na lang sa akin para matapos na tayo, okay?"
"Ayaw."
Tinitigan niya ako and of course hindi ako magpapatalo kayo hinarap ko siya at tinitigan ko din. Competetive ako.
Inirapan niya ako at saka tumalikod sa akin. Naglakad siya papunta sa vanity table at mukhang may kinakalikot and that's none of my business anymore so I grabbed my phone from my pocket and started scrolling on my socmed account news feed.
"Ali..." Tawag niya sa akin at ramdam ko ang presensya niya sa harap ko.
"Oh?" Maiksi kong sagot. Not taking my eyes off my phone.
"Look at me." Utos niya.
"Ayoko, pangit pangit mo. Nakakadugo ng mata." Pang-iinsulto ko sa kaniya.
"Ali." He called me with authority.
Dahil doon ay napataas pa ang balahibo ko.
What the hell's happening to me?!
Napatingin ako sa kaniya ng wala sa oras at una kong napansin ang eye shadow pallete na hawak niya.
"Hindi ba't sinabi kong huwag mo'ko-" I heard a staff bangging at the locked door of the dressing room where we are at.
"Yuwen! Cath! Matagal pa ba kayo diyan?"
Napatingin ako kay Yuwen, anticipating his answer.
"Yes. Ali's grumpy and she wants my lambing so please spare us an hour more!" Nakangisi niyang sabi, not taking his eyes off me.
"Asa! Lambing mo mukha mo?!" Hinampas ko siya. Nakakahiya siya kasama.
Lambing niya? Never. I would never...
He chuckled.
Hindi ko alam kung dapat pa ba akong kiligin o maiinis dahil sa nakakahiyang sinabi niya. But that's not even true!
"Liar..." Dismayadong sabi ko sa kaniya na ikinaiba ng ekspresyon niya sa mukha.
Napatitig siya sa akin and it felt so awkward. "A-ano?"
"Nothing." He cleared his throat bago siya tumayo at tinalikuran ako.
Hinila niya ang upuan sa vanity table at hinarap iyon sa akin. Naupo siya doon and our legs were almost touching! Ba't ba kasi kailangan malapit?
"Lumayo ka nga!" Bulyaw ko sa kaniya.
"No. I can't distance myself from you."
"Masikip nga oh-"
"Aayusin nga kita, 'di ba?"
"Ayoko nga, 'di ba?" Panggagaya ko sa tono niya.
He grabbed my chin and lifted it. "Gusto mo."
"Ayaw."
"Gusto mo." Pag-uulit niya.
"Hindi ka desisyunavility, okay?"
"I'm not... what?" Natatawa niyang tanong.
"Desisyunavility." Pag-uulit ko.
"What the hell is that word?"
BINABASA MO ANG
Hello, Ms. Stalker
RomanceAli Cathalina Salvador is a college med student, the heiress of Salvador Group, who can't stop idolizing the icon who was well known for his superb talent in dancing, acting, even in modeling, Giovanni Yuwen Yniguez. Ali even created multiple dump a...
