- Mr. Assumero is Taken?! -
"Good morning to you, Ali. Na umagang umaga ay pang-i-stalk agad kay Yuwen ang ginagawa. Kelan ka ba talaga magbabago ha?" Boses ni Sabri ang umalingawngaw sa loob ng mansion.
"Walang good sa morning." Maldita kong sumbat. "At hinding hindi ako magbabago. Bleh. Mamatay ka sa inis."
Inirapan naman niya ako habang pababa siya sa hagdan. May pa grand entrance pa talaga kapag siya e 'no? Akala mo kung sino.
She's walking like possessed by a ghost. Hindj maayos.
Sa aming tatlo, siya ang pinaka-late nagising. Of course, sino ba ang nagpaka-wasted last night ng super duper? Wala nang iba kung hindi siya. Pero infairness ha, wala akong halatang mali sa galaw niya na nakakaramdam siya ng hangover or what.
Nagawa pa niyang magtimpla ng kape... uh... wait, what time is it again?
Oh righ... 2:00 in the afternoon.
"Ang tanghali mo naman nagising, madam?"
"Malamang nagpakalasing ako 'di ba? Obvious naman."
Napairap nalang ako sa hangin nang marinig ang sumbat niya sa akin.
"Anyway, wala man lang akong masagap ni isang update mula sa baby loves ko..." I let a heavy sigh out and placed my elbow in the counter with my chin leaning on my palm, facing my laptop with multiple tabs opened on the browser.
Nakakawalang gana. Walang pogi.
"Nakaka-depress..." Dagdag ko pa.
Uhaw ako sa pogi.
"Girl, stop expecting na he will post a new pic today. Nag-clubbing din siya last night with his friend, remember? For sure he took a leave or what kaya wala siyang update. Malay mo may hangover 'yong tao." Sabi ni Madie na katabi kong nakaupo din sa stool, kaharap si Sabri na tanghaling tapat nagkakape.
Kapag siya talaga nagreklamo na mainit at want i-raise ang temperature ng AC, hahampasin ko talaga ang babaeng ito. Mahal kaya kuryente! Tipid-tipid din.
"She's right or kaya naman..."
"Ano?" I'm curious. Napalapit pa ako sa kaniya at inipit ang buhok kong nakasagabal sa mukha, sa likod ng tenga ko.
Lumapit siya sa akin at saka bumulong. "Blinock ka. Kaya wala ka masagap na notifs from him ngayon because he hates you, Ms. Stalker." She playfully smirked at me.
I glared at her.
How dare her?!
"Hindi ko nga siya inistalk!" I denied it.
Wala lang. Trip ko lang.
"Ay weh? Sa lagay na 'yan hindi?! OH MY GOD..." Sarkastikong saad niya.
"Nakikita mo 'yong pinto do'n?" I pointed at the backdoor located malapit dito sa kitchen.
"Yeah?"
"Bukas na bukas para sa'yo, pwede ka nang lumayas." I sweetly smiled at her.
"I'm just joking." She rolled her eyes.
Akmang magsasalita na ako nang biglang may nag-pop sa laptop ko na nakaagaw ng aking pansin.
1 new notification.
Shit. Ito na ba lord?
Agad na nabuhayan ang aking diwa nang makita ko iyon sa screen ng laptop ko. Hindi ko na pinansin pa ang dinadaldal ng malditang kaibigan ko sa akin at pinagpasyahan ko nang buksan ito.

BINABASA MO ANG
Hello, Ms. Stalker
RomanceAli Cathalina Salvador is a college med student, the heiress of Salvador Group, who can't stop idolizing the icon who was well known for his superb talent in dancing, acting, even in modeling, Giovanni Yuwen Yniguez. Ali even created multiple dump a...