Chapter 28

96 4 0
                                        

- Mommy Diane -

I can't focus studying. Walang pumapasok sa utak ko kahit ilang beses ko na binabasa notes ko. Ni-reprint ko na din ng ilang beses, nagbabakasakali akong baka pumasok na sa utak ko pinag-aaralan ko kung uulitin ko ang pagha-highlight pero, wala talaga. 

Napasabunot nalang ako sa sarili, nakayuko. 

Ginawa ko naman na lahat. Kumakain pa nga ako ng chocolate, brain snack ba. Pero wala pa rin talaga. Kahit anong gawin ko, nag-play ako ng music, lahat lahat, hindi talaga ako makapagmemorize. 

Ending, iniyakan ko ang inaaral ko. I hit my head every mistake na nasasabi ko. 

After an hour, I decided na magbreak muna. Lumabas ako ng kwarto, magang maga ang mata ko. Bumaba ako at dumiretso sa kitchen para kumuha ng tubig sa fridge. 

"What happened, Ali? You cried..." Nagulat ako. 

Kelan pa naging tambayan ni Yuwen ang kusina?

"Wala. Hindi ako makapagmemorize." Nagsalin ako ng tubig sa isang baso. I drank it. 

"If you need help, I can be your tutor. We can study together."

"No." 

"Why?"

"Baka mamaya imbes na gamot ang ibigay ko sa pasiyente ko, pritong isda ang mabigay ko." 

"Sure kang pritong isda mabibigay mo? Hindi uling?" 

"Umalis ka na nga! Sa'yo ko papakain uling e." Inambahan ko siya ng suntok. 

Lakas mambwisit. 

After kong mag-stress eating sa kusina ng ice cream and iba't ibang sweets na nakita ko sa fridge, pinapak ko. Nagtungo ako sa sala kung nasaan si Yuwen. Naupo ako sa tabi niya. Inagaw ko sa kamay niya iyong remote ng TV. Pinalitan ko ang pinapanood niyang documentary. Gusto ko kasi manood ng Barbie, ba't ba?

"You okay now? Or should I buy you ice cream pa?" 

"Busog na ako." I replied. 

"I'm always here, Ali. If you need help sa studies mo, feel free to ask me anytime. I know its not my forte but I'm willing to learn anatomy, pharma and everything para sa'yo, Ali." He wrapped his arms around me. I leaned my head on his shoulder. "Stop being harsh to yourself. Take a break if hindi ka makapagfocus or makapagmemorize. You don't have to rush things."

"Thank you..." 

I feel warm on his arms and comfort that I couldn't explain. I want us to stay like this for awhile. 

"Free ka pala mamaya?" Tanong sa akin ni Yuwen habang pinaglalaruan niya ang buhok ko. 

"Bakit, date tayo niyan?" 

"Gusto mo ba?" 

"Oo." Mabilis kong sagot, eyes on the TV.

I heard him giggled. "Okay, pero I want to have a talk with Tita Diane and your Dad. Kaya let's pay them a visit muna sa mansion then let's go out. I wanna see Howard na din e."

"Huh? Ano naman paguusapan niyo ng parents ko?" Tanong ko. "Feeling family member naman 'to." Pranka ko sa kaniya sabay kitos sa ulo.

Nang matapos namin iyong pinapanood namin na Barbie movie, nagbihis na agad ako. I took a quick shower and wear a simple shirt partnered with my maong shorts. Nagbelt din ako. 

Hello, Ms. StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon