- Behind That Door -
Ilang linggo nang hindi ko nakakausap o nakikita man lang si Yuwen kahit na sa iisang bahay lang kami nakatira.
When he got home, tulog ako. Paggising ko, wala din siya. Memo na lang na galing sa kaniya ang natatanggap ko ever since that day... Hindi din niya ako tinetextback whenever na minemessage ko siya. Hindi niya rin sinasagot tawag ko.
'The breakfast is on the table. I cooked for you bago ako umalis. No worries, hindi naman kita lalasunin. Also, stop waiting for me to get home from now on kasi hindi muna ako uuwi. Matulog ka sa kwarto mo, huwag sa living room. Wala nang magbubuhat sa'yo para ilipat ka sa kwarto mo.'
Found a new memo sa may fridge. Of course, another day, another memo.
"Oh, see? Bwisit talaga. Aalis na ang nang ganoon? Hindi man lang ako hinintay magising. Katibay. For sure malamig na naman 'tong pagkaing niluto niya. Ipapainit ko na naman. Ako na lang sana nagluto!" Sunod sunod kong reklamo.
Tumahol-tahol naman si Mayo na nasa paanana ko pala. Binuhat ko siya.
"Ano ba kasing meron sa bwisit na 'yon ha? Konti nalang tumira na sa labas. Ba't 'di nalang siya lumayas tutal konti nalang hindi na umuwi. Bwisit amo mo." Inis na sabi ko kay Mayo.
Nakakamiss makipagbangayan sa kaniya. Boring ng walang kadebate.
Tumahol-tahol lang naman ito. Of course, walang naiintindihan.
"Malas mo aneh? May gago kang amo. Ginagawa pa akong babysitter mo. Konti na lang sabihin niya sa akin ampunin na kita." Kumukulo dugo ko kay Yuwen.
I already tried talking to Chester about Yuwen pero he's also too busy to talk to me. Madami daw kasing photoshoots na na-missed si Yuwen but I know Yuwen, he won't do that. He won't cancel photoshoot just like how he frequently change his clothes. I've read articles that he's having a 3 big projects niyan sabay-sabay but that's a rumor only, and was not confirmed.
Ba't ba kasi hindi nangi-inform dalawang bugok na 'yon? Parang hindi ako kakampi sa kalokohang ginagawa.
Anyway, I won't believe anything else hangga't hindi ko nacoconfirm sa kaniya ito.
He haven't told me about anything on his schedule or kung saan ang photoshoot niya kaya wala din naman akong magawa, hindi ko siya mapuntahan.
"Hoy, bruha! Lamig na ng kape mo, kanina ka pa diyan tulala." She snapped her finger in front of my face. It was Sabring.
Tulala ako? Ay, weh?
Today's Saturday. Weekend, of course, tambay day din ng dalawa dito sa condo namin ni Yuwen.
Nasa living area kami. We're eating snacks bought by Madie. Treat niya daw sa amin she was informed na siya daw ang may pinakamataas na GWA this semester.
Kinuha ni Sabring ang remote and turned on the TV to watch something sa Netflix.
"Bwisit si Yuwen. Gago 'yon." Sunod sunod kong pangmumura sa taong wala dito sa bahay, randomly.
Almost 1 month, ganito routine namin. Wala man lang bang pagbabago ang economiya?
"Calm down, Ali."
"Oh ba't ka naiyak ay?" Nangaasar pa tono ni Sabring. Kaunti nalang pagtawanan niya ako.
Binuhat ko si Mayo at ginawang panyo, pinampunas ko sa mga luha ko habang winiwiggle lang niya tail niya.
"Hindi ako umiiyak?!" Buyaw ko. "Napuwing lang ako. May dumi lang sa mata ko. That's it!"
"Ay, talaga ba? Grabe naman ngarod. Ang hangin pala dito sa LOOB NG PENTHOUSE niyo." Sarkastiko ang pagkakasabi niya.

BINABASA MO ANG
Hello, Ms. Stalker
RomanceAli Cathalina Salvador is a college med student, the heiress of Salvador Group, who can't stop idolizing the icon who was well known for his superb talent in dancing, acting, even in modeling, Giovanni Yuwen Yniguez. Ali even created multiple dump a...