Chapter 23

91 3 0
                                        

- Duty -

"Yuwen babes!" Sigaw ko sabay katok sa kwarto niya.

Its 5:30 am, ginigising ko siya. Bakit? Kasi magpapahatid ako, ehe. Tsaka para naman may silbi siya hindi 'yong kachikahan ko lang.

Finally, he opened the door.

"Why? Ang aga aga naman, Ali... what's wrong ba?" He scrunched his nose saka inayos ang buhok niyang magulo, bagong gising. Nakasuot pa ng pantulog, pajamas and a simple white shirt.

"Peram ng damit."

"Why? Don't you have damit?"

Binatukan ko siya. "Shunga, as if naman may gamit ako dito sa bahay mo. E dinala mo nga ako dito, wala akong kaalam alam."

Napakamot siya sa ulo saka pumasok ulit ng kwarto niya. He left his door wide open kaya sinundan ko siya sa loob.

Kita ko ang kama niyang magulo, nakakalat ang kumot and unan niya. Halatang pabaliktad siya matulog.

Umagaw ng atensyon ko ang picture frame sa may bed side table niya, katabi ng lamp. Picture naming dalawa ang nandoon. It was the one that he didn't posted on his instagram. We took that photo sa dressing room, katatapos lang niya ako ayusin niyan. He was genuinely smiling while I have that resting bitch face on.

Surprisingly, may animal stuff stoys din siya. Lima kung hindi ako nagkakamali. Dumiretso ako sa pintong pinasukan niya kanina and I believe papunta iyon sa walk-in closet niya.

Hagdan paakyat ang bumungad sa akin and pagkarating sa taas, kita ko agad ang mga collection niya ng mga shoes. I thought I was in a shoe store or what. Sinundan ko siya and he pulled open one of the cabinets exposing his clothes.

"Shirt?" Tanong niya, hawak ang tatlong white t-shirt. Plain and may mga print.

"Ayoko. Button-down polo nalang." Demand ko.

"Choosey." He shook his head.

Duh... syempre hihiram nalang din naman ako, ayoko ng basta basta lang. Dapat may style pa din 'no!

"Tapos pahiram na din ng belt." Dagdag ko pa.

"Opo, madam."

Inabot niya na sa akin 'yong hinihiram kong damit sa kaniya. "Thank you!"

Isinara niya 'yong closet. Nilapitan niya ako pagkatapos and leaned para pantayan ako.

"Kiss ko?"

Gamit ang palad, tinulak ko palayo ang mukha niya sa akin. "Kiss mo, pwet mo!"

Nilayasan ko siya.

I went in my room. Hinagis ko ang damit at belt na hiniram ko kay Yuwen. Huli na nang marealize kong wala akong undies! Ang dugyot naman kung uulitin ko 'to. Kadiri!

I barged into Yuwen's room only to find him sleeping again.

"What now?" Iritable siya.

"Bilhan moko ng panty at bra." Utos ko sa kaniya. I was too straightforward about it that his ears turned red.

Was he not expecting that?

"What?!" Napabangon siya sa pagkakahiga, yakap pa rin ang dog stuffed toy niya, iyong mukhang golden retriever.

"Wala akong panty and bra!"

"Ulitin mo nalang..."

"Ayoko nga umulit ng undies, so dugyot!" I made a disgusted face. "Ang unhygienic!"

Hello, Ms. StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon