Chapter 19

86 5 0
                                        

- Chika -

Maaga akong nagising, 4:00 am, para magprepare. I will be taking part in a medical mission held by Dr. Mary Elija, my mommy's sister which is ngayon, Saturday.

I believe it was in Baguio. Medyo may kalayuan nga din e. Sa tingin ko, around 10:00 na ng umaga kami makakarating doon. 4 hours din ang biyahe.

Nang matapos ako magbreakfast around 4:20 am, nagligpit ako agad ng pinagkainan ko at saka tinakpan iyong itinabi kong breakfast for Yuwen.

Ako naman ang nagluto ngayon na ako ang naunang nagising.

Nakita ko nga siya kanina e. Sa living room na naman nakatulog. Natulugan niya ang pagbabasa ng script.

Pabalik ako sa kwarto nang makita kong ganoon pa din kakalat sa sala. Nairita ako.

Wala naman mawawala kung ililigpit ko saglit kalat ng bisugong unggoy.

Kaya naman, imbes na papasok na sana ako sa kwarto para maligo ay nagtungo ako sa living room.

Nilapitan ko siya.

Kinuha ko ang script na hawak niya. Parang wala na nga atang balak bitawan e. Dahan dahan ko itong kinuha sa kamay niya.

Tinanggal ko din ang reading glasses niya.

Inilapag ko ang mga gamit niya sa center table. Inayos ko na din ang kalat niya which is yong mug niya, kutsara, at kalahating tub ng letche flat, nakalagay sa isang clear tupperware. Nakakalat lang ito kaya naman nilalanggam na.

Kumuha ako ng basahan sa kusina para punasan ang coffee stains na naiwan sa center table saan niya mismo inilapag ang coffee mug niya.

After kong hugasan ang dapat hugasan at maligpit ang lahat, nagtungo ako sa kwarto niya para kumuha ng unan niya. Kinuha ko din ang comforter niya at saka binitbit 'yon papunta sa living room para ikumot sa kaniya.

Dahan dahan kong iniangat ang ulo niya para mailagay ang unan sa ilalim nito.

And I successfully did everything nang hindi siya nagigising.

I took a warm bath by then.

It was already 5:30 am by the time I was done taking a bath.

Lumabas ako ng bathroom, wearing my pink bathrobe. That's when I heard someone knocking on my door.

Nagmadali akong pumunta sa door para pagbuksan ng pinto si Yuwen.

Shit, mukha akong basang sisiw. Baka uyawin niya ako.

"Bakit?" I asked.

He's rubbing his eyes like a kid. Halatang kagigising lang niya.

"Good morining." Bati niya sa akin.

"Good morning?" As soon as I greeted him back, agad niya akong tinalikuran at saka umalis.

The hell was that?

Sinara ko ang pinto at saka ako nagbihis.

I wore my white Ralph Lauren polo shirt na naka-tucked in sa may wide leg pants ko, with my pair of white chunky shoes.

Hello, Ms. StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon