- Meet Mayo -
"Morning..." Bati ko kay Yuwen nang madatnan ko siyang nagkakape sa living area. He really love the living area of this penthouse, doesn't he?
Dahil sa pagbati ko sa kaniya ay napatingin siya sa akin. I can feel his eyes scanning me from head to toe yet I don't feel uncomfortable about it because I don't fucking care—
"So, you really like pink, huh?" I tilted my head a bit to the right, confused.
Yuwen showed me a teasing smile. "Love the print of your undies... strawberry." He winked.
How the fuck did he... know?
Nang tumingin ako sa pang-ibaba ko ay halos maubusan ako ng dugo. Nakatuck-in lang naman ang pink kong dress na pantulog sa undies ko?!
Dahil doon ay nagising ang diwa ko at pumasok ako agad muli sa kwarto ko para ayusin ang sarili. Rinig ko naman ang malakas na pagtawa ni Yuwen mula sa labas.
Sana mabilaukan kang dimunyu ka?!
Hindi ko alam kung manlalambot ang buong katawan ko dahil sa kahihiyan na nangyari or I will stay unbothered. Ewan but I have this feeling na aasarin niya ako tungkol dito nang paulit-ulit.
I hate this day.
I made sure that everything' on me is totally okay. Nang maayos ang sarili ay nagpunta akong muli sa full body mirror ko para i-check ang sarili but in my surprise, a cute little white puppy appeared to be hidding behind my legs. I saw it from the mirror view.
Napatingin ako sa likod ko dahil dito at saka ito binuhat.
The puppy have a brown cute little print on his body making it look like a birthmark and his ears were also brown. His whole face is covered with brown except for its eyes and mouth making him look like a panda.
"Where did you came from?" I talked to the puppy as if like it will talk balk to me.
The puppy keeps on staring at me while wagging its tail.
Such a cutie.
"Who is your owner, hmm?"
I continued playing with the puppy 'till I lost memory of what I should specifically do in this moment. Pumunta ako sa kama ko at saka doon naupo habang nilalaro pa rin ang aso.
"I wil steal you from your owner if you keep being this cute."
"You can't steal Mayo from me."
Bitter na sabi ng kung sino. Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses na iyon at nakita ko si Yuwen na nakasandal sa bukas na pinto ng kwarto ko.
Kailan pa 'yan bukas? Sinara ko naman 'yan kanina ha.
"Tsk. Ikaw? Mag-aalaga ng aso? Sa ugali mong 'yan?—"
Napatigil ako nang tumahol ang aso kay Yuwen at saka ito tumalon mula sa pagkakakandong ko sa kaniya. He landed on his feet in the ground. Tumakbo ito at saka pumunta sa paanan ni Yuwen habang ginagalaw-galaw niya ang buntot niya, waiting for him to pick him up. And Yuwen really did!
"Mayo is mine." Mariin niyang sabi saka padabog na isinara ang pinto ng kwarto ko, leaving me completely dumbfounded.
Agad akong tumayo at saka lumabas ng kwarto ko. Sinugod ko si Yuwen na nilalaro si Mayo sa living area. Nakaupo si Yuwen sa sahig. May hawak pa siyang laruan. Mukha siyang timang tumatawa mag-isa dahil lang sa napasubsob 'yong aso. Dimunyo talaga...
"Yuwen." Tawag ko sa kaniya and his aura literally changed into soft type to a serious one.
"What?" He turned to me.
"Pahiram si Mayo..." I pouted.
Binalot kami nang katahimikan mula no'n. Si Yuwen ay nakatimang na nakatingin sa pagmumukha ko.
"Yuwen?"
Nakabalik si Yuwen sa sarili dahil sa pagtawag ko sa kaniya. "Ha?" Lutang na sabi niya.
"Pahiram si Mayo." Pag-uulit ko saka ngumit nang sobra.
"Ok."
Tumayo siya mula sa pagkaka-upo sa sahig at saka binigay sa akin ang laruan ni Mayo. He went in his room, leaving Mayo with me at the living area.
"Anong meron do'n? Ba't ang dali kausap ng amo mo ngayon, ha?" Tanong ko kay Mayo na pagulong-gulong lang sa laglalaro no'ng manok na laruan.
Habang nilalaro si Mayo ay tumunog ang tiyan ko. Right! I haven't eaten my breakfast yet. Tumayo ako saka binuhat si Mayo papuntang kusina. Ipinaupo ko siya na parang bata sa counter bago ako nag-umpisang magluto.
"What's that?" parang batang tanong ni Yuwen sa akin.
Lumabas na pala siya ng kwarto?
"Pagkain, malamang." Pabalang kong sagot.
"Magluluto ka?" Pangungulit niya.
"Obvious ba?" Sarkastikong sagot ko, hawak ang frying pan.
"Dress up. We're going out."
Sinasabi nito? Makapag-utos wagas, akala mo kung sinong bwisit. At saka sunday na sunday ngayon, pagtatrabauhin niya ako? Joke ba 'to? Alam ba niya ang salitang 'rest'?
"Today's sunday." I was hoping that he will get a hint of what I'm trying to say.
"So? Do I look like I care?" Masungit niyang sabi. Baka pa ako makapagsalita ay tinalikuran na niya ako para bumalik muli sa kwarto niya.
Pumunta ako nang palihim sa tapat ng pinto ng kwarto niya. Akmang sisipain ko ng malakas ang pinto ng kwarto niya pero baka bigla siyang lumabas kaya naman kinuyom ko ang kamao ko para pigilan ang paa na malakas na sisipa na sana sa pinto.
"Bwisit..." bulong ko.
Padabog akong naglakad papunta sa kawarto ko, muntik ko pa matapakan si Mayo sa sobrang liit niya, hindi ko napansin. Binuhat ko na lamang siya bago dumiretso sa kwarto ko at padabog na sinara ang pinto. Mas maganda na 'yong kasama ko si Mayo kaysa naman iyong pakalat-kalat lang siya sa loob ng bahay kasi 'yang magaling niyang amo, pabaya.
Dahil sa galit, naihagis ko pa si Mayo pero buti nalang at nashoot siya straight sa laundry basket ko kaya hindi siya nasaktan kasi puno ng damit ko iyon. Malambot naman pinagbagsakan niya kaya buhay pa siguro siya.
Tumahol tahol naman si Mayo nang makaahon sa pinagbagsakan niya. Hindi siya makaalis sa loob kaya naman patuloy parin siya pagtahol. Tumalon talon din siya pero hindi niya nagawang makaalis. Ewan pero dahil sa kacute-an ni Mayo, unti-unting nawala ang galit ko sa magaling na amo niya.
Minutes later, I just found myself laughing while Mayo keep on rubbing himself on me.
"Maliligo pa ako, Mayo. Mamaya na tayo maglaro, baka magalit na naman si Daddy mo." I laughed.
Mukhang ayaw tumigil ni Mayo kakakulit sa akin kaya naman binuhat ko siya at hinagis ko ulit sa laundry basket.
"Diyan ka lang, maliligo lang ako."
Tumahol tahol naman siya na para bang naintindihan ang sinabi ko.
I took a cold shower. Lumabas ako ng shower room nang nakasuot ng bathrobe. Pumunta ako sa closet ko at saka namili ng damit.
"Wala akong madamit." I grabbed a handful of my hair and pulled it out of frustration.
Kinalkal ko lahat ng sulok ng closet ko pati mga drawers, wala talaga akong madamit. Naiiyak kong niligpit
Habang ginagawa 'yon ay naagaw ng atensyon ko ang A dress kong kulay pastel pink. Something was moving underneath it. Dahan dahan ko itong iniangat just to see Mayo.
Tinahol-taholan niya iyong dress na para bang gusto niyang sabibing subukan ko ito so I did tried it. It looked kinda good...
"I love you talaga, Mayo!" My heart jumped in happiness.
Bakit hindi? E nakahanap na ako ng susuotin ko. Gusto ko 'tong taste ni Mayo. Kahit papaano pala e may silbi pala itong alaga ni Yuwen kahit siya wala.
Binuhat ko si Mayo at saka ito niyakap. "Buti nalang talaga 'di ka nagmana do'n sa amo mong putangina!"
![](https://img.wattpad.com/cover/323536803-288-k133377.jpg)
BINABASA MO ANG
Hello, Ms. Stalker
RomantizmAli Cathalina Salvador is a college med student, the heiress of Salvador Group, who can't stop idolizing the icon who was well known for his superb talent in dancing, acting, even in modeling, Giovanni Yuwen Yniguez. Ali even created multiple dump a...