- Nursing Him -
"Will you please explain it to me again at bakit ako nandito nag-aalaga ng namamatay na Yuwen?" Iritang tanong ko kay Sabri. I'm in a phone call with her.
[Because you are his girlfriend.]
"Girlfriend my ass..." Napairap ako.
"You really love talking behind my back, don't you?" He already gained consciousness?
"Kelan ka pa gising?" Kinakabahan na tanong ko.
Please tell me you just gained your consciousness just now...
"Kanina pa." He fearlessly said. Ang taray pa ng tingin niya sa akin. Palaban na palaban.
[Mukhang gising na ang alaga mo. Bye, bitch!] Sabri hung up.
Ibinaba ko ang phone ko. Sinamaan ko ng tingin ang bwisit na Yuwen.
"Naiihi ako." He's so random.
Yuwen was anticipating my next move and when he noticed na hindi ako tumayo man lang sa kinauupuan ko ay nagsalita siyang muli.
"Hindi mo man lang ba ako aalalayan?" He scoffed in disbelief. "Anong klaseng girlfriend ka? Wala ka man lang awa sa pogi mong boyfriend na nakahilata ngayon dito sa hospital bed?"
Pogi daw?
"Wala." Diretso kong sagot. "And correction. Mukha kang bisugong unggoy."
He scoffed again. "I'm hurt. Sobra!"
I stand up. "What's with you? Ang daldal mo ngayon."
Dati kasi konti nalang 'di kami mag-usap ng isang linggo kahit nasa iisang bahay lang kami nakatira.
I walked towards him. Tinulungan ko siyang tumayo. Kinuha ko ang IV bag na nakasabit at hinawakan ko 'yon pataas.
Tinaas niya ang kanang braso niya. "Hindi mo ako aalalayan?"
Tanginang kaarte talaga oh!
"Ba't kita aakayin papuntang bathroom ha? Hindi ka naman inopera at wala ka naman tahi. Arte mo! Nakakapaglakad ka naman ng straight e." Inis kong puna sa sinabi niya. "Daig mo pa paralyzed."
Nang ibaling ko ang tingin sa kaniya ay nakataas pa din ang kanang braso niya. Hinihintay talaga akong kunin iyon para alalayan siya. Pinandilatan pa ako ng tingin.
Inis ko siyang inakay papunta sa sa bathroom. Hawak ko naman sa kaliwang kamay ang IV bag niya. Nakataas iyon.
"Hindi ka tatalikod? Mahiyain si junior ko." Natatawang sabi niya. "Hindi pa siya prepared na mameet ka."
Lord... please, bigyan niyo po ako ng kaunti pang kabutihan at pasensya para hindi siya isubsob sa toilet bowl ngayon. Maraming salamat po!
Pilit ko siyang nginitian at saka tumalikod to give him his privacy.
"Tanginang ihi naman 'yan, isang timba ba 'yan? Tagal ha!" Reklamo ko. Nangangawit na kasi itong kamay kong itinataas ang IV bag niya.
"Tara." He said. I heard him flushed the toilet.
Nauna siyang naglakad at lumabas ng bathroom. At dahil hawak ko ang IV bag niya, agad ko siyang sinundan. Baka ihagis pa ako ng doctor niya kung matanggal 'yong pagkakakabit nito sa kamay niya.
BINABASA MO ANG
Hello, Ms. Stalker
RomanceAli Cathalina Salvador is a college med student, the heiress of Salvador Group, who can't stop idolizing the icon who was well known for his superb talent in dancing, acting, even in modeling, Giovanni Yuwen Yniguez. Ali even created multiple dump a...