Chapter 8

122 10 0
                                        

- Everything In Pink, Pink Panther -

"No, sounds bullshit." Maattitude na sumbat ng Yuwen ko.

Ay oh panis! English yarn.

"Kensly, tama na..." Rinig kong awat no'ng isa sa kasama nila nang makita ang kaibigan na magdadada na naman sana.

Kahit hindi ko lingunin ay alam kong nagpapalitan ng sama ng tingin si Yuwen at 'yong lalaki. Ramdam ko din ang pagbigat ng atmosphere ng paligid.

"T-teka..., sabi na e kaya pamilyar si Kuyang Pogi?! Tignan mo oh!" Turo no'ng babae sa screen ng phone niya sa kaibigan niya. "Si Yuwen siya 'di ba? 'Yong artista."

"Shit..." Rinig kong bulong ni Yuwen sa tabi ko.

"Yuwen, right?" The girl tried to open up a conversation with him pero hindi siya sinagot ni Yuwen.

Parang nakahinga ako nang maluwag nang makita sa screen ang floor 54. Natanggalan ako ng tinik sa lalamunan nang makababa na sila ng elevator at makaalis.

"Takpan mo naman kasi 'yang pagmumukha mo?!" I acted like I was still angry. "Namumukhahan ka ng mga tao, puta."

"We're doomed." he uttered.

"Haaa?"

"Wala." Pagbabaliwala niya.

"Punyeta ka, 'wag mo'ko pinapakaba..." I pouted.

"You okay?"

"Haaa?"

"Earlier, when the idiotic monkey was hitting on you—"

"Ay, 'yon? He didn't hurt me kaya stop putting your acting skills on show. Stop acting like you're concern about me."

"Like I said before, stop getting your hopes too high. I was never concerned about you."

"Kaya nga, ano ba sabi ko?" Bulong ko.

Pagkarating namin sa taas, agad na binuksan ni Yuwen ang unit at itinuro sa akin ang magiging kwarto ko at itinabi sa pinto ang mga gamit ko.

"Don't wander around my house that much. Huwag na huwag ka din pupunta sa taas." Bilin niya sa akin.

Bakit? May tinatago ba siyang something? Baka good items.

Bago siya umalis ay binigay niya sa akin ang spare key at card ng unit namin.

May kalakihan din itong unit. 3 bedrooms ang nandito sa baba, ang akin ay iyong malapit sa living area ang pinto. Pwede akong tumakbo takbo na parang bata para libutin ang sala sa sobrang luwang nito.

May kalakihan din ang kitchen. Sa gitna ng U type counter ay may pa-island pa. Iba pa iyong bar area sa may gilid nito. Mayroon din hidden kitchen pantry na nadiscover ko lang nong maitulak ko ng kaunti 'yong malaking aparador kanina.

Akala ko paglagyan lang ng kung ano anong baso or what pero pinto pala ng kitchen pantry. Muntik nga ako nasubsob kanina e. Buti nalang talaga nabawi ko ang balanse ko.

Ewan ko nga lang anong itsura ng ikalawang palapag ng unit. Bawal daw ako doon e. Gusto ko sana sumilip kaso, there's a lot of surveillance camera everywhere.

The theme color of the unit ay umiikot lang sa gray, brown, white, gold and black which I find boring. Yuck.

Pumasok ako ng kwarto and not bad. Maganda naman siya pero mas maliit nga lang ng kaunti mula sa kwarto ko sa mansion.

Hinila ko ang maleta ko papasok at nag-umpisa na akong mag-ayos ng gamit ko. Mga around pass lunch na ako natapos mag-ayos. Pinagkasya ko nalang sa iisang closet ang mga gamit ko kaya medyo natagalan ako kasi diniskartehan ko pa ng kung ano-ano ang pagkaka-ayos ng gamit ko magkasya lang sa closet.

Inayos ko na din ang mga libro ko sa maliit na bookshelf sa taas ng study table ko. Hindi nga nagkasya e kaya iyong iba ay ipinatong at inayos ko muna sa gilid ng study table ko at maluwang naman.

Kinuha ko ang mga essentials ko sa isang bag at inayos iyon sa bathroom ko. Isinabit ko na din ang hello kitty body towel ko sa sabitan sa bathroom sabay tanggal sa puting body towel doon. Pinalitan ko din ng pink na bathrobe ang puti na nakalagay sa bathroom. Dinala ko ang mga pinalitan kong towel at bathrobe sa may trashcan at doon ibinasura.

Kinuha ko naman ang isa kong bag. Binuksan ko ito at doon bumalandra sa akin ang mga pink na pillowcases at mga comforter, sheets ng bed.

Pinalitan ko ang puti at itim na sheet na nakalagay sa bed maging ang comforter. Sinunod ko ang mga pillowcase na boring, pinalitan ko ito ng pink na kulay. Dinala ko ulit ang mga pinalitan kong pillowcases at mga sheets sa trashcan. Mukhang hindi ito kasya kaya naman napagdesisyunan kong ilabas nalang ito.

"What are you doing?" Nagulat ako nang makita si Yuwen na nakatambay sa living area. "You look like you're carrying a dead body that you just murdered."

Oo. Tapos ikaw isusunod ko.

"Akala ko ba may lakad ka?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Wala. Tinamad na ako. I'd rather stay home than tire myself on that shitty photoshoot."

Napairap nalang ako.

I don't have enough energy to have an argument with him. I'm already tired making my little pink room makeover.

Bahala siya sa buhay niya kung ayaw niya umattend ng photoshoot niya. Tignan nga natin kung hindi ma-puno sched niya dahil sa katamaran niya. Deserve niya so much.

Hinila-hila ko ang mabibigat na sheets at comforter kung saan nakapaibabaw ang mga pillowcases kasama ng body towel at bathrobe.

Nang makarating sa pinto ay iniwan ko muna doon ang mga hinibitbit ko saka pinuntahan si Yuwen na sarap na sarap sa pagkakaupo sa couch habang nanonood ng Netflix.

"Saan 'yong basurahan dito?" Tanong ko sa kaniya.

"Ilagay mo na lang sa labas ng unit, someone will pick up the trash every morning."

"Okay." Tipid kong sagot and did what he exactly said.

Pumasok ako ng unit. Bumalik ako sa kwarto ko para kunin naman ang isa kong bag kung saan nandoon ang mga pink na gamit ko. Lumabas ako ng kwarto bitbit ang bag ko at dumiretso ng kusina, nilabas ko ang mga pink na kitchen utensils na dala ko kasama na din ng plato at mga mug at saka inilagay iyon sa cabinet. Sunod kong pinuntahan ang living area kung saan nakatambay si Yuwen. Nilabas ko ang dalawang pink na couch pillow at saka inilagay iyon sa tabi ni Yuwen.

"Really? Turning everything in pink?" He scoffed at disbelief.

"Oo, wala naman masama. Tsaka amboring kasi ng kulay. Mas better if pink." I sweetly smiled at him saka ko dinukot ang pink na rug mula sa bag ko saka inilatag iyon sa sahig.

Yuwen shook his head and tried to ignore what I'm doing but he can't. 

"Will you stop redecorating the entire unit?"

"Ayaw." I rolled my eyes on him.

"By the way, order ka nga ng food ko." Utos ko sa kaniya pagkatapos palitan ng pink ang vase ng flower na nakalagay sa center table.

"I'm starving." Dagdag ko pa.

"Did she just... Inuutusan niya ako?"

Narinig kong bumubulong si Yuwen pero hindi ko maintindihan kung ano iyon kasi malakas speaker ng TV.

Hello, Ms. StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon