Chapter 2

123 10 0
                                    

- Misunderstanding -

Ewan ko kung bakit hindi ako mapakali ngayon kaya naman napagdesisyonan kong mag-set ng meet up with the girls ngayon since feel ko kaya ako nagkakaganito kasi hindi ko pa nasasabi sa kanila ang sikreto ko.

The fake relationship with Yuwen.

Its been 3 days since I became his girlfriend or should I say fake girlfriend? Anyway, bahala na talaga. Kung ano man ang magiging reaction nila, ayos lang.

alisalvador: mga bitch!

sabrinayumi: what?

madiesonly: Yes?

alisalvador: usap tayo?

sabrinayumi: nag-uusap na tayo?

alisalvador: i mean beh, personal hehe...

sabrinayumi: right now?

alisalvador: yep

madiesonly: Why? What happened? You okay?

alisalvador: okay lang ako beh, may sasabihin lang sana ako sa inyo. importante.

sabrinayumi: then say it!

alisalvador: mas maganda if personal.

sabrinayumi: saan ba?

alisalvador: dito sa bahay.

sabrinayumi: i won't show up so don't expect me na.

madiesonly: I'm on my way na, Ali. ^^

Sabri told us na she won't show up but look, mas nauna pa siyang dumating kaysa kay Madie.

"Pakisabi na 'yang sasabihin mo. I have lakad pa, ugh..."

"Halatang uhaw ka naman masyado sa chika. Hintayin naman natin si Madie."

"Hoy, hindi naman ha. It's just that I have lakad pa."

"Oo na, madam. Ikaw na busy sa life."

Not that long when Madie arrived. Just like me, she looked also surprised to see Sabri here.

Nakupo si Sabri sa left side ng couch samantalang si Madie naman sa right side. At ako? Nakaupo ako sa mahabang couch kapat ng sa kanila. Para kaming timang dito sa living room, magkakalayo kasi kami at para bang allergic sa isa't isa kung makadistansya.

I inhaled a large amount of air and slowly exhaling it, trying to gather all of my strength before facing them.

"Boyfriend ko si Yuwen." I bravely said.

"Delulu moments." Komento ni Sabring. Natatawa pa.

"I'm dead serious. I signed this fake relationship contract with Yuwen."

Inilagay ko ang kontrata sa may center table para makita nilang dalawa. Kinuha naman ito ni Sabrina and she browsed it.

"Kailan pa 'to?"

"3 days ago." Sagot ko.

Sabrina' forehead creased. "Please tell me you're joking and you made all of this..." Hinagis niya ang contract.

Madie looked surprised at the same time sabog, hindi pa niya maproseso sa isip what I just said and about Sabri's... here we go again. Dealing with the volcano.

"Mukha bang nagbibiro ako, Sabring?" May tono ang pagkakasabi ko.

"What the fuck?!" Napatayo siya. "Are you aware how big the mess you entered, Ali?! Nasisiraan ka na ba?!" 

Hello, Ms. StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon