Chapter 30

91 4 0
                                        

- Move Out -

"Good morning." Yuwen greeted me.

Siya ang bumungad sa akin pagkababa ko ng hagdan. As usual, he's lying on the couch with Mayo on his side.

"Morning..." I greeted back with my sleepy voice. Nag-inat pa ako baka pumunta ng kusina to have my breakfast.

"Pack your things pala."

"Bakit?" Naguguluhang tanong ko.

"Pinapaalis na kita dito." Diretso niyang sagot.

"WHAT?!" Padabog akong naglakad para lapitan siya. "HINDI BA'T 'YONG LIVING AGREEMENT—"

"I terminated the contract kahapon when I talked to your Dad, right?"

"Sabi ko nga, eto na po, ser... mag-iimpake na." Umakyat ako ng hagdan pababalik sa kwarto ko.

Hindi man lang ako hinintay makapag-breakfast. Pinag-impake talaga ako agad e 'no? Pero sakit, pinapalayas ako. 

Kinuha ko ang mga maleta ko and opened it. Inuna kong i-pack 'yong clothes ko. Eventually, hindi nagkasya. Mas lalong dumami mga gamit ko ngayon, nilibre ba naman ako ng shopping ni Yuwen before.

Nilagay ko nalang sa spare bag ko 'yong iba. Sinunod kong ayusin iyong mga shoes, sandals and heels ko. Nilagay ko iyon at inayos sa isa ko pang maleta.

Iyong mga bags ko naman, inayos ko sila. Iyong collection ko ng mini bags, inilagay ko ang mga ito sa isang backpack ko. Pinagkasya ko na din doon iyong iba ko pang bags na maliliit para minsanan kong mabitbit.

Kinuha ko ang The Tote Bag ko, ginagamit kong school bag, para dito ilagay iyong mga books ko. Inayos ko na din sa makeup pouch ko iyong mga kaartehan ko para sa mukha kong maganda.

Naayos ko na mga gamit ko pero may natitira pang mga shoes and bags na hindi ko alam saan ko ilalagay. Mga school supplies ko din, wala akong mapaglagyan. Paano pa iyong mini fridge ko?

"Yuwen?!" Tawag ko kay Yuwen na nasa baba.

I heard his footsteps coming upstairs.

"Bakit?" Tanong niya, panicking. "What happened?"

"Hindi kasya gamit ko. Wala ako mapaglagyan." Mangiyak-ngiyak kong sabi.

He sighed. "You can have my suitcase."

He went out of my room to get it. Bumalik din siya agad pero this time, he was carrying a suitcase with him.

"Thank you talaga!" Yuwen opened the suitcase for me.

Tinulungan na din niya akong mag-impake. Siya na ang nag-ayos ng iba kong gamit sa suitcase niya kasi iniwan ko siyang nag-iimpake sa sahig. Want ko lang kasi damahin muna ang kama ko kasi I will miss this for sure! I will miss this room, this place. 

3 months and mahigit din ako nagstay dito. For sure pagbalik ko sa mansion, maninibago ako.

"Ba't andami mo naman gamit?"

"Ay... wow! Sa'yo pa talaga nanggaling 'yang tanong na 'yan. Sino bang binilhan ako ng kung ano anong mga damit and shoes?"

"Ako." He answered, natatawa.

After niyang ayusin ang mga gamit ko, ibinaba niya na ito at inilagay sa may living area. He asked to eat breakfast with him so I agree. I can't decline such an offer lalo na at gutom na ako. Kanina pa. 

"Paano ba 'yan... bye bye na." Malungkot kong sabi. 

"Don't be like that. Its not like we won't see each other anymore." He patted my head. "Baka nakakalimutan mo, in love ako sa'yo at nililigawan kita."

Hello, Ms. StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon