- Moving Out -
"After snatching my first kiss now he's avoiding my phone calls?!" Inis kong hinagis ang phone sa kama ko.
How can I move out of the mansion when he haven't told where's the address of the house? Joke ba 'to?
Natapos ko nga nang maayos ang prelims test ko pero ginagago naman ako ng bwisit na Yuwen na 'to.
Just what I have done in my past life to deserve this?!
"Nakapag-impake ka na ba, Ali?" Tanong sa akin ni Mommy pagkababa ko ng hagdan, nadatnan ko siyang nakatambay sa may living area.
"Yeah."
"What time ka susunduin ni Yuwen?" She asked.
Ni hindi ko nga ma-contact. hmp.
"After daw po ng photoshoot niya." I lied.
Pumunta ako sa kusina at saka nilapitan ang paraiso este ang fridge para kumuha of course ng pagkain. Wala naman na si Yuwen.
Kumuha din ako ng isang basong tubug para pakalmahin ang sarili.
"Hi po, Tita..." Muntik akong mabilaukan nang marinig ko ang pamilyar na boses.
Napalingon ako at nakita ko siya. My heart skipped a beat. Yuwen was wearing a gray button down longsleeves na nakatupi hangang siko niya paired with his black jeans. He was even wearing his specs which made him more handsome— ugly, I mean.
"How are you, hijo?"
"I'm doing good po, Tita. I'm here to pick up, Ali po. Where is she?" Tanong niya sabay hanap sa akin.
"Ali? Nandito na si Yuwen!" Tawag sa akin ni Mommy but I acted like I haven't heard anything.
Binitbit ko ang mga snacks na kinakain ko at tsaka dumiretso sa taas. Nagkulong ako sa kwarto ko. Wala akong paki kung nandiyan siya. He ignored my phone calls then he will show up just like that? And act as if like nothing happened? As if like he didn't snatched my first kiss? I was having nightmares since that day tapos makikita ko lang siya dito sa bahay bigla nakangiti tapos todo bati pa kay Mommy? Joke ba 'to?
"Ali, won't you greet Yuwen? You're waiting for him kanina pa tapos hindi mo siya papansinin?" Marahang kumatok sa kwarto ko si Mommy.
I inhaled a large amount of air before exhaling it slowly to calm myself. Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Mommy na mukhang nag-aalala.
"I will not move out na, Mommy. I decided that I should stay here. Marami po akong ginagawa besides moving out is just a waste of time." Pilit akong ngumiti sa kaniya.
"I'm sorry that I didn't answered your phone calls... I was driving."
"Ode sana nagtext ka man lang at ininform mo'ko na on the way ka na, 'di ba?" Maldita kong sumbat kay Yuwen na nasa likod lang ni Mommy.
"Iiwan ko muna kayo, you two should talk." Sabi ni Mommy before she left the conversation.
"Nasaan ang mga gamit mo? Let me load them in the car."
"Ayoko. Hindi na ako lalayas. Dito lang ako. I will not move out—"
Napatigil ako nang hawakan ni Yuwen ang baba ko. He lowered his head and angled it before kissing my lips softly.
I blinked twice. My heart was pounding and I feel like its about to burst.
"Tara na." Kalmadong saad ni Yuwen pagkatapos pagpiyestahan ang mga labi ko.
I glared at him before rolling my eyes. "Kunin ko lang gamit ko."
Tangina naman... ba't ba ang rupok rupok ko pagdating sa strange creature na 'to?!

BINABASA MO ANG
Hello, Ms. Stalker
RomansaAli Cathalina Salvador is a college med student, the heiress of Salvador Group, who can't stop idolizing the icon who was well known for his superb talent in dancing, acting, even in modeling, Giovanni Yuwen Yniguez. Ali even created multiple dump a...