5

790 23 4
                                    

“Huwag kayong dikit ng dikit sa akin. Kung magaling kayo sa trabaho niyo—” minata ko si Elias. Wala siyang pinapakitang reaksyon sa lahat ng pang-iinsulto ko mula pa kanina. “—hindi niyo kailangang lumapit sa akin na para kayong linta.”

Elias tsked unimpressed. Makapal na talaga ang mukha niya.

One of this days, Elias. I will show you your place. You will bend on your knees before me.

“Senorita, kunyari may kailangan kaming kunin sa tabi niyo. Bawal pa rin lumapit?” sarkastikong tanong ni Gregory. Nahuli ko ang pag-angat ng gilid ng labi ni Elias, nang-aasar pa talaga silang dalawa.

Tagumpay akong inisin siya noong inaya ko siyang samahan akong lumabas noong graduation niya. Wala kaming pinuntahan, pinainit ko lang talaga ang ulo niya. He was supposed to meet with his parents that day, too. But it all didn’t happen because of my scheme.

Ngayon binawian niya ako. He requested for additional bodyguard for me. Dad approved his request like always.

“Gawin niyo kailangan niyong gawin. Basta huwag niyo akong lapitan o pakialaman.” Namewang ako paharap kay Elias. Dinuro ko ang mukha niya, umatras siya bago abutin ang kamay ko at ibaba. Hinila ko mula sa hawak niya ang daliri ko na nakaduro. “Huwag mo nga akong hawakan!”

“Huwag mo akong iduro, Senorita. Kapag dinuro mo ako sa mukha, hahawakan talaga kita.”

“Iduduro kita kung gusto ko.”

“Iduro mo ako, hahawakan kita.”

Nagtikis kami ng tingin. Kahit anong talim ng titig ko walang panama sa bagot niyang titig. “Susunod ako sa sasabihin mo, Senorita. Sabihin mo lang.”

“Say please— aray!”

Naudlot ang pang-asar ni Gregory nang sikuhin siya ni Elias. Inirapan ko silang dalawa. Porket malaki ang tiwala sa kanila ni daddy  kung makaasta akala mo magkaibigan na kaming tatlo. Alalay pa rin naman.

“Anong ginagawa mo?” sita ko nang sumunod sa hakbang ko si Elias.

“Trabaho ko po, Senorita.”

May masamang hangin talagang dala si Elias. Kahit anong gawin niya wala akong makuhang tuwa, lahat inis at sama ng loob. Makita ko pa nga lang ang pagmumukha niya sira na kaagad ang araw ko.

Tumuloy ako sa paglalakad papunta sa basketball court kung saan ang meeting place ng volunteers sa isa na namang medical mission. Naaliw na akong sumama. Kahit hindi na kailangan ay naglalaan ako ng oras. I also encourage dad to fund the program.

Pawisan na ako nang dumating sa court. Nauna si Gregory na kausap na si Pixie at Agatha. Nilingon ko si Elias, napasinghap ako na makitang kahit isang pawis ay wala siya. He remain compose and clean. I couldn’t imagine how I look now; tagaktak sa pawis at magulo ang buhok.

Nag-ayos ako ng sarili bago naghanap ng mauupuan. Kinawayan ako ni Joaquin, tinapik niya ang upuan sa tabi niya bilang pag-aya sa akin.

“Gusto mo?” alok niya sa akin ng canned soda na nabuksan na. “Hindi ko pa naiinuman.”

Tinapunan ko ng tingin si Elias. Malayo ang pagitan namin pero nagawa niyang salubongin ang mga mata ko. Mariin ang titig niya na may halong pagbabanta na huwag akong gumawa ng bagay na salungat sa lahat ng bilin niya.

Tinanggap ko ang soda mula kay Joaquin tsaka ko ininom ng deretso. Naging malinaw sa akin kung paano magtaas baba ang dibdib ni Elias sa pagpipigil na sugurin ako. Nangangati siya marahil na hindi nasunod ang protocol na sila lang naman ni daddy ang nag-imbento.

“Nadagdagan ang bodyguard mo,” puna ni Joaquin. Inalok niya ako ng chips mula sa kinakain niya. Kumuha ako at taas kilay kay Elias na kinain. Muntik na akong mapahalakhak nang bumagsak ang ulo ni Elias na parang nawalan siya ng lakas. Pag-angat ulit ng mukha niya ay inilingan niya ako.

Deception (CHURCH SIBLINGS 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon