29

226 2 1
                                    

Nagising ako sa iyak ni Atasha. Naging maganda ang pag-uusap namin bago matulog kanina. Nangako siya na susubukan niyang bawasan ang galit sa akin kaya nataranta akong marinig ang paghagulhol niya mula sa banyo.

Namutla ako nang makita siyang nakaupo sa lapag, nakataas ang kamay niyang may dugo.

Unang pumasok sa isip ko na baka nakunan siya pero nagising ako sa alalahanin na hindi iyon maaari. Wala pang nangyari sa amin, at wala naman siyang kapasidad na mabuntis kaya kahit pa sabihing ginawa niya iyon kasama ang iba ay napakaimposible ng iniisip ko.

“E—Elias, I’m dying.”

Sa halip na sagutin siya ay kinarga ko siya na parang bagong kasal. Pag-angat ko sa kanya ay doon ko natanto ang dugong buo at itim na nasa inidoro. Kahit ang linisin ang kamay niya ay hindi ko na siya pinagbigyan pa at pagtakbong tinungo ang pinto.

“Warren, ang kotse!” tawag ko malayo pa ang pinto.

Sabay si Warren at Wolf na lumabas mula sa kusina. May bitbit pang mga plato. Nang makita nila ang sitwasyon ay sabay silang napatakbo, si Warren palabas at si Wolf papunta sa akin.

“What happened? Did you hurt her, Elias?” anger boomed on Wolf’s voice.

“The fuck? Kaya ko ba siyang saktan?”

“Then what’s going on?”

“I’m bleeding!” Atasha stated the obvious. “Mamamatay na ako!”

“Hindi ka mamamatay!” sabay naming sigaw ni Wolf.

“Fuck. Masakit ba? Saan?”

Naiiyak siyang napailing. “Just a little, here,” turo niya sa ilalim banda ng tiyan niya.

Nakaabang na ang bukas na pinto ng kotse sa amin. Basta ko nalang siyang pinasok, umakyat na rin ako at halos sabay lang kami ni Wolf na sa unahan naman sumakay.

Kulang nalang paliparin ni Warren ang kotse papunta sa hospital. Panay tanong ako kay Atasha kung saan ang masakit, o kung gaano kasakit pero ang sagot niya ay hindi gaano na mas lalo kong ikinabahala.

She can’t just bleed out and feels nothing unless she’s numbing because of pain shock. I am not religious pero natawag ko na lahat ng santo bago namin marating ang emergency room. Kung hindi lang ako nagpigil ay nagwala na ako nang hindi nila ako payagan na makapasok at samahan ang asawa ko.

“Anong nangyari? Why is she bleeding?”

“Kung alam ko hindi ako mag-aalala,” iritang sagot ko kay Wolf. Kanina pa ako pabalik-balik ng lakad sa labas ng emergency room. Ano pa bang inaantay nila sa loob?

“Is she pregnant?”

Napatigil ako. “No!”

“Are you sure?”

Goddamned it! Wala pang nangyayari sa amin! Did she cheat? Fuck! I trust her. And even if she did… fuck! I hope she didn’t. Kaya kong tanggapin at patawarin siya pero makakapatay na naman ako.

Kulang nalang mapatakbo ako nang lumabas ang doctor at lapitan ako. Parang tambol ang kalabog sa dibdib ko.

“How’s my wife? Anong nangyari sa kanya?”

“She’s still under observation, Mister. I order for abdominal CT Scan because we can’t find what’s wrong on her ultrasound. She’ll also have her blood drawn. Sa ngayon pinagpahinga na muna siya since acute pain lang naman daw ang nararamdam niya.”

Deception (CHURCH SIBLINGS 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon