Atasha Isabela
It’s happening again. Nasa kapahamakan na naman ako. Elias is still on the line, he keeps on talking while I find my way up to my floor. Paulit-ulit siya sa sinasabing huwag akong lalabas o magbubukas ng pinto para sa kahit kanino.
“Nasaan ka na?”
“Elevator, Elias. Two floors away.”
“Fuck! Bakit ang bagal niyan?”
Kung sa ibang pagkakataon lang ay natukso ko na siya na mas taranta pa siya sa akin pero ngayon ay hindi oras para magbiro. He is serious with his words. Kung anuman ang nangyayari ay paniguradong masama para umakto siya ng ganito.
“Care to tell me what’s up, Elias? Pinag-aalala mo ako sa bagay na hindi ko alam kung ano.”
Dinig ko ang malalim niyang paghinga. Kanina ko pa nakukuha na nagdadalawang isip siya sa mga sinasabi niya.
“Señorita, si Joaquin—
Isang pangalan lang at naintindihan ko na lahat. “Paano—” hindi ko mabuo ang mga salita.
I escaped death twice. I thought I am safe here in Bucharest. I am not scared to die, but I don’t want to die in Joaquin’s hands. Mas mainam pa na ako nalang mismo ang kumuha ng buhay ko.
Kung makuha ulit ako ni Joaquin ay paniguradong pahihirapan niya ako. He’ll ruin me more than death won’t be the worst end.
Nanghina ang mga tuhod ko, bumigat ang paghinga at nanlalabo ang paningin. Bumukas ang elevator, halos hindi ako makahakbang palabas.
“E—Elias, ayaw kong m—makuha niya ulit.”
“Hindi ka niya makukuha ulit, Señorita. Nandito ako.”
Binilang ko ang bawat hakbang patungo sa pinto. Isa nalang at kailangan ko nalang intayin si Elias pero—
“Elias, the emergency alarm,” I whispered in horror.
Umalingawngaw ang tunog ng evacuation sign sabay sa emergency alarm. Nasa linya si Elias pero alam namin pareho na sarili ko lang ang meron ako ngayon.
“E—Elias, anong gagawin ko?”
“Go somewhere safe.”
“Where?!” I yelled in panic and frustration.
Where exactly will I be safe? Nandito na nga ako sa Bucharest, sa loob mismo ng tower namin. Everyone here are suppose to give their life for my safety. But where is everyone? Where is my safety?
“Señorita, use the restricted exit. You have to evacuate alone. Get a car and drive somewhere outside the city, book a room in a motel and throw all your belongings. I need you to trust me that I will find you.”
“E—Elias, I’m s—scared.”
“Ako rin, Señorita pero may tiwala ako sa ‘yo. May tiwala ka rin ba sa akin?”
“Yes.”
I trust him more than I trust myself.
“Mag-ingat ka,” bilin niya. “Hahanapin kita. Kahit saan ka pa, mahahanap kita. Darating ako at wala ng makakapanakit pa sa ‘yo.”
Kinurot ang puso ko, bago pa ako maluha ay pinalis ko na ang nagbabadya. Kailangan kong maging malakas. Kailangan kong malagpasan lahat ng ito ng mag-isa.
There’s restricted exit that only a family member can access but I know dad also gave Elias his own pass. I pull out the panel and scan my handprint, it also needed my retina scan. The last is I speak my personal code. The metal wall opens and immediately shut after I enter. Bumukas lahat ng ilaw, nabingi ako sa katahimikan dahil maging ang mga yapak ko ay walang ginawang ingay.
I am already exhausted when I exited into a garage few blocks away from the tower. I thought that will be it, and I only need to drive and let Elias find me.
“Simon!”
No, this can’t be real. My brother is supposed to be in London. Bakit nandito siya? At bakit may nakatutok ang baril ng tauhan namin sa kanya.
“Darius, what are you doing?” Dad trusts him. He can’t betray us. This is all a dream.
“Sumama ka nalang sa amin ng matiwasay, Señorita.”
“No!” Napaatras ako. I can still stick with Elias’s plan. But how about my brother? “Pinagkatiwalaan kayo ni daddy! Bakit niyo ginagawa ‘to? Darius, we treated you like family!”
“I’m sorry, Señorita.”
Walang nagawa kahit anong sigaw at pagpupumiglas ko. I negotiate. They can kill me, ruin me— they can do everything they want with me in exchange of letting my brother go. But they already planned everything and my cries won’t change a thing.
-
Nawalan ako ng malay at nang magising ay sinalubong ako ng kadiliman. Sumiklab ang galit at kaba sa loob ko nang maramdaman ang malamig na kadena na nakagapos sa mga kamay at paa ko.
“Ate,” tinig ni Simon mula sa tabi ko.
Kinapa ko siya hanggang sa makulong sa mga palad ko ang mukha niya. “Si, what happened? How did they access the restricted exit?”
“I’m sorry, ate. I’m sorry. I thought—” he shake his head. “—dad trusts Darius. I did, too.”
“You should have stayed in London!”
“I’m s—sorry.”
I am not mad with him, I am frustrated that he is also in this situation. I already know the fear of being abducted, the feeling that you have no idea what is coming. And I don’t want that for Simon. Or to any of my brothers.
“K—kailangan lang nila ng pera, Ate. Makakalabas tayo rito,” pagpapatibay niya ng loob ko nang magsimula akong humikbi.
Napabitiw ako sa kanya. “I’m sorry, Simon. I’m sorry.”
Pilit niya akong kinukulong sa yakap sa kabila ng nakagapos niyang mga kamay. Bakit nangyayari na naman ito sa akin? Elias said it’s Joaquin, but why did Darius abducted us? I don’t understand.
Napahiwalay si Simon sa akin nang bumukas ang pinto at lamunin ng liwanag mula sa labas ang kwarto. Pilit kong tinutulak si Simon pero nagagawa niya akong itago sa likuran niya bilang protekta sa dalawang tauhan ni daddy na bumaliktad na.
Napuno ng sigaw namin ni Simon ang buong silid nang padarag akong hatakin ng isa habang tinutulak naman ng isa si Simon padapa sa lapag.
“Don’t hurt my brother! Pagbabayaran niyo ‘to! Bitiwan mo siya!”
Kusa akong tumigil sa pagwawala nang mahatak ako ng tuluyan palabas. Mag-aaksaya lang ako ng lakas. Nagpatianod na lang ako kung saan dalhin. Pabalibag niya akong itunalak sa lapag nang marating namin ang malaking silid kung saan may maraming tao na naghihintay.
Kinurap ko ng ilang beses ang mga mata para makita ng malinaw ang mga tao sa harap ko. Nang maproseso ko ang pagkakakilanlan nila ay muntik na akong maiyak sa sakit at takot ngunit pinigil ko ang sarili, hindi ko ibibigay sa kanila ang kasiyahan na makita akong lugmok.
“You’re a fucking traitor, Darius!”
Darius has a blank expression on his face. Tumalikod siya at nagsindi ng sigarilyo. Hindi ko lubos maintindihan kung bakit nakakaya niyang makipagsabwatan sa mga taong sumira sa akin; kay Joaquin at sa nanay nito. Lahat ng tauhan nila ay dating mga tauhan din ni daddy, mga tao na pinagkatiwalaan namin ng buhay at kaligtasan.
“Pera ba? Kailangan niyo ba ng pera? Ibibigay namin kahit magkano, pakawalan niyo lang kami ni Simon.”
Umahon si Moira mula sa pagkaka-upo. Nang makalapit siya sa akin ay marahas niyang hinawakan ang mukha ko para itulak patingala sa kanya. Bumangon ang alaala sa akin kung paano nila ako ni Joaquin saktan noon kapag hindi ko ginagawa ang mga gusto nila. Nakikita ko ang sarili na sumisigaw ng pagmamakaawa.
“Blame your parents, Isabela.”
“You’re a criminal! You’re disgusting!”
She laugh mockingly. “Your father is the real villain, Isabela. He’s disgusting.”
“Liar!”
“He killed Joaquin’s father.”
“No!”
She’s lying. She’s playing with my mind.
“Pinatay niya, Isabela!” tumaas ang boses niya, naramdaman ko ang galit niya. “Para kanino? Para sa nanay mong haliparot! Nilandi niya ang tatay ni Joaquin at nagkaroon sila ng relasyon at hindi iyon natanggap ng tatay mo kaya sinunog niya ng buhay ang tatay ni Joaquin.”
Kilala ko ang mga magulang ko. May kakayahan si daddy na pumatay pero hindi ako naniniwalang nagkaroon ng relasyon si mommy sa iba habang sila. Sinisiraan lang ni Moira ang mga magulang ko.
“I don’t believe you! If I know you are the whore!”
“Yes, Isabela. I am the whore!” she didn’t deny. “Your father’s whore! And when he’s done using me he wanted me to die. Pinapatay niya rin ako!”
Nahahapo niya akong tinulak bago siya lumapit kay Darius. Hinaplos niya ito sa balikat habang sa akin ang mga mata. “Pero hindi siya nagtagumpay. Darius saved my life.”
“Pinagkatiwalaan ka ni daddy, Darius! Pinagkatiwalaan ka naming lahat!”
Kung totoo nga na pinapatay silang lahat ni daddy ay naniniwala ako na may dahilan. They were a threat. Yes, they were!
Lumapit muli sa akin si Moira, hinila niya ang buhok ko na halos matanggap maging ang anit ko. Pinigil ko na maiyak o magmakaawa. Sasaktan niya pa rin naman ako kahit ilang balde pa ng luha ang ibigay ko.
Sinampal niya ako, binugbog at sinipa. She assaulted me like she hated me all her life. My body went numb that all I could do is curl my knees up and hug it. I thought of Elias— of his promise, and I held unto that. He will find me and save me.
I lost track of time. I only keep track the times they pull me out of the room to batter me. I don’t cry for my own pain, I only weep for my brother.
“Kapit ka lang, okay? Makakaalis din tayo rito.”
Nakaunan si Simon sa mga binti ko. Pagod siyang ngumiti. Kinalas na ang tali naming dalawa pero wala kaming lakas para tumakas dahil sa mga sugat na natamo namin mula sa walang humpay na pananakit sa amin.
“Kapag nakalabas tayo—” mariin siyang pumikit, ininda ang tama niya sa dibdib. “—gusto kong unahin mo ang sarili mo kapag may pagkakataon, Ate.”
Pumatak ang luha ko deretso sa pisngi niya. Tahimik akong umiiyak habang pinagmamasdan siyang pumikit at makatulog.
Niyakap ko ang katawan ni Simon nang may pumasok sa silid nang sumunod na araw. Kahapon ay wala silang kinuha sa amin at sa hula ko ngayon ay si Simon na naman ang sasaktan nila. Gumilid ang dalawang tauhan para papasukin si Darius na nakasunod sa kanila. Nagbaga ang mga mata ko para sa kanya. Naiintindihan ko ang paghihiganti na gustong gawin ni Joaquin at Moira, pero siya? Ano pa ang hindi naibigay sa kanya ni Daddy?
“Iwan niyo muna kami,” utos niya sa dalawang tauhan.
Niyugyog ko si Simon para gisingin na kaagad din namang bumangon para maupo gaya ko. Sinundan namin pareho ang paglapag ni Darius ng food tray sa harap namin.
“Kumain muna kayong dalawa.”
“Why are you doing this, Darius?” Simon took the initiative to ask. “Pinakain ka ni daddy. Binigyan ng magandang buhay. Bakit ka nakikipagsabwatan sa kanila?”
Darius was with our family even before we were born. His ancestors served the Church clan in generations. Money shouldn’t be enough for him to betray us.
“Naging tapat ako sa pamilya niyo.” I know. I was a witness of it. Sila ni Eliseo, ang ama ni Elias ang pinakamatagal at pinakatapat na tauhan ng pamilya ngunit ngayon ito na nga at bumaliktad siya.
“Ako ang kasama niya nang patayin niya ang tatay ni Joaquin,” pagpapatunay niya sa kwento ni Moira. “Ako ang naglinis ng lahat ng duming iniwan niya. Isang beses lang akong humingi sa kanya ng pabor, hindi niya ako pinayagan na umalis dahil gusto niyang tapusin ko ang trabaho kay Moira. Namatay ang asawa ko sa panganganak habang wala ako sa tabi niya. Namatayan ako ng asawa’t anak.”
Nagsisimula akong makaramdam ng awa para sa kanya, para sa kanilang tatlo. Pero tama pa ba na kami ang parusahan nila sa bagay na wala kaming kinalaman?
“Wala iyon sa akin lahat. I can have another wife if I want but do you know what made me betray your father?”
Nagkatinginan kami ni Simon, bumaba ang tingin niya sa foodtray kung saan ang tinidor. Pareho kami ng iniisip. Habang nawawala sa sarili si Darius ay ito na ang pagkakataon namin upang makatakas.
“He chose Eliseo as his left hand. Ako ang palaging nasa tabi niya, mula sa mga ninuno ko ay nagsilbi sa pamilya niyo. Ano ang nakuha ko pabalik? Isa pa ring utusan?”
“Eliseo is better than you!” I trigger him more. “Maybe daddy saw him as trustworthy unlike you. You are a pity!”
Napaatras ako nang sugurin niya pero bago pa man niya ako masaktan ay inabot ni Simon ang tinidor at walang kurap na sinaksak siya sa balikat. Nagulat si Darius sa nangyari at kinuha iyon namin ni Simon bilang pagkakataon para makuha ang baril niya tsaka hinampas sa ulo niya hanggang sa mahimatay ito.
Simon was trained for hand to hand combat, I also was. It was a necessary class to take growing up to take care of ourselves in unexpected trouble. But our body is already weak to fight the number of goons. We made it out of their safe house but we are already running out of bullets.
“Habolin niyo!”
Tuloy kami sa pagtakbo ni Simon papasok sa kakahoyan. Nauuna ako habang siya ay nakikipagpalitan pa ng putok ng baril. Madilim at masukal ang daan, ilang beses na akong nadapa at bumangon. Nagpatuloy ako sa pagtakbo sa kabila ng bala na lumilipad sa gawi ko.
Halos malagutan na ako ng paghinga bago ako makalabas ng kakahoyan. Nahintakotan ako nang eksakto sa pag-apak ko sa main road ay siya ring pag-ilaw ng dalawang sasakyan sa harap ko. Napaatras ako sa pag-aakalang mga tauhan ni Darius ang lulan n’on pero bago pa man ako muling makatakbo ay sabay na bumukas ang pinto ng mga sasakyan at lumabas sina Elias at Gregory.
Nanghihina kong hinatak ang sarili palapit sa kanila. Malaki ang bawat hakbang ni Elias sa pagsalubong sa akin. Nasalo niya ako bago pa man ako matumba sa panghihina.
“N—Nahanap mo ako.”
Nadungaw ko ang galit sa mga mata niya. Malinaw na nababasa ko sa isip niya na wala siyang ititira sa mga taong may gawa sa bawat pasa na nakikita niya sa mukha ko.
“Gregory, ilayo mo si Señorita rito.”
Sumulpot sa tabi namin si Gregory, binalak ako nitong kunin pero niyakap ko ng mahigpit ang braso ni Elias. I don’t trust anyone but him. Kahit pa si Gregory o sinong pagkakatiwalaan niya sa akin. Sa kanya lang ako sasama.
“Señorita, kailangan kong tapusin lahat ng ‘to ngayon.”
Umiling ako. “Ako ang tungkolin at responsibilidad mo, Elias. N—nagtiwala at naghintay ako. Sa ‘yo lang ako sasama.”
BINABASA MO ANG
Deception (CHURCH SIBLINGS 1)
RomanceLies. Vengeance. DECEPTION. After her traumatic experience Atasha Isabela couldn't stand to be around men. She only trust one man with her life- Elias Vladislav. But would she still trust him after she finds out the truth about his identity?