Tinuro ng drug dealer ang club kung saan nila binabagsak ang mga droga na para kay Joaquin. Nabahiran ng dugo ang kamay ni Gregory nang siya mismo ang pumatay sa drug dealer. It was necessary to end the drug dealer’s life, we can’t leave a witness. We can’t afford a mistake on this mission.
Naglilinis kaming dalawa ng baril bilang paghahanda sa gagawin mamayang gabi nang pumasok sa station si Sir Samuel. Sabay kaming napatigil ni Gregory. Umisang linya kami habang nakatayo ng tuwid.
“Gregory, lumabas ka muna,” utos ni Sir Samuel. “May pag-uusapan lang muna kami ni Elias.”
Nagtatanong na tinignan ako ni Gregory, inilingan ko siya bilang sagot na wala rin akong alam sa pakay ni Sir Samuel.
Nakasunod ang tingin ko sa paggala ng mga mata ni Sir Samuel sa common area ng station. Wala kaming kasama ni Gregory ngayon dito maliban sa iilan na nasa outpost para magbantay ng manor. Halos lahat ng tauhan ay sumama sa Romania, sa susunod na araw pa sila babalik dito.
“May balita na ba?”
“Meron na, Sir. Nahanap na namin ang bagsakan ng droga ni Joaquin. Umaasa kami ni Gregory na matyempohan siya roon. Mamayang gabi kami lalakad na dalawa.”
Napahinga siya ng malalim na parang nawalan ng malaking pasanin. Umupo siya tsaka niya ako minuwestra na maupo rin ako. Kung tignan niya ako ay parang naninimbang siya kung sasabihin na niya o hindi ang tunay na sadya.
“May sasabihin ako sa ‘yo, Elias.” Pinatong niya ang isang binti sa isa pa, nanatiling blangko ang mga mata niya. “My wife does not know about this. Kaya bago ko sabihin sa ‘yo ang sekreto ay may isa muna akong sasabihin.”
Namutawi ang katahimikan sa pagitan namin. Tuloy siya sa pagmasid sa akin na parang hinahanap niya ang rason na huwag nalang ibahagi sa akin ang dapat sasabihin niya.
“Ang ama mo ang pinakapinagkakatiwalaan ko sa lahat ng mga tauhan ko. Kaya nga malaki rin ang tiwala ko sa ‘yo. You might be thinking that you failed protecting Isabela, it isn’t true. You did well, Elias that’s why I still trust you.”
Nahigit ko ang paghinga. Kabado kung saan papunta ang usapan naming ito. Napapaisip nga ako na baka nakarating na sa kanya ang mga akusasyon sa akin ni Gregory at gustohin nalang niyang paalisin ako kesa magpatuloy sa misyon na hanapin si Joaquin.
“Mapagkakatiwalaan ba talaga kita, Elias?”
Mabilis akong tumango. “Oo, Sir. Handa akong patunayan sa iyo ang katapatan ko. Marami kayong nagawa para sa pamilya namin, magsisilbi ho ako sa pamilya ninyo hanggang kailangan niyo ang serbisyo ko.”
Napalingon siya sa likuran niya bago muli akong tapunan ng tingin. Naglalaro ang mga daliri niya sa kanyang tuhod. “Bago maipanganak si Isabela may mga sumubok na sirain ang pamilya namin,” panimula niya. Ang mga titig niya ay hindi ako tinantanan, inaabangan kahit ang kaonting pagkakamali.
“Pinatay ko silang lahat.” Wala akong alam sa kung ano bang klaseng tao noon si Sir Samuel ngunit sa pagkakakilala ko sa kanya ay hindi nakakagulat ang rebelasyon niya. He is the type of person who can bend his own rules for his wife and children. Killing someone for his family is a no sweat decision for him.
“If I can turn back the time, I will still do the same. I will still cut the bastard’s tongue and burn him alive. May pinagsisihan ako sa mga nangyari, alam mo kung ano ‘yon?”
Nanunukat ang titig niya, hindi ako ang kalaban niya pero para bang lalapain niya ako kapag namali ako ng sagot.
“Nagsisi ako na hindi ko pinatay ang anak ng taong gustong kunin sa akin ang asawa at anak ko. Pinagsisisihan ko rin na hindi ako mismo ang pumatay kay Moira, ang kasabwat niya sa paninira ng pagsasama naming mag-asawa.”
Ang sabi niya ay walang alam ang asawa niya sa nagawa niya, panigurado ay kahit mga anak niya ay ganoon din. More than twenty years later everything hit him back. Anong sakit kaya para sa kanya na ang nag-iisa niyang anak na babae ang binalikan ng kamalian niya?
“The monster was also a doctor,” he continued. “Malaki ang tiwala sa kanya ng asawa ko dahil sa propesyon niya pero ginamit niya iyon para linlangin kami at paikutin. He was obsessed with my wife. He abducted her while she’s pregnant with Isabela. Binalak niyang kunin sa akin ang mag-ina ko.”
Umigting ang panga niya, ganoon din ang akin. Hindi ko lubos akalain na may taong kayang gumawa ng ganoon ka walang pusong bagay. Hindi ba dapat kung totoo ang pagmamahal ay kasiyahan nito ang hinihiling at hindi makasarili ang mga desisyon?
“Nang gabing sunugin ko siya ng buhay ay binigyan ko ng pagkakataon ang asawa at anak niya na tumakbo para magbagong buhay. That was a clear mistake. Dapat pala ay pinatay ko na rin pati sila. Because that kid, he grew up as Joaquin Desederio, the person who inflicted so much pain to my Isabela.”
“Sino si Moira? Is he his mother?”
To understand him I need to hear every detail. I need to be aware with what I am being up to.
“She is my ex-girlfriend. She swear to me that she’ll ruin me if I will not going to choose her. Nalaman ko ang sabwatan nilang dalawa, nalaman ko rin na binalak niyang patayin si Isabela habang pinagbubuntis pa lamang ito ni Anika kaya pinapatay ko siya sa mga tauhan ko pero kampon nga siguro talaga siya ng demonyo dahil nagawa niyang takasan ang kamatayan.”
Marami pa akong tanong sa isip ko pero naisip ko na hindi na mahalaga pa. Narinig ko na ang mga dapat kong marinig.
Isa lang ang pinag-aalala ko. Kung marinig ba ni Señorita ang kwento ng tatay niya ay maiintindihan niya rin ito o ikakagalit niyang malaman na siya ang sumalo sa mga maling desisyon ng ama?
Binigyan ako ni Sir Samuel ng pagkakataon na tanggihan ang misyon pero buo na ang desisyon ko. Wala ng susunod na maghihiganti, wala ng babalik para manakit. Tatapusin ko ang lahat ng ito, at kapag nagawa ko na ang misyon ay matatahimik na rin ako, malaya na sa pag-aalala kay Señorita Atasha.
“Anong pinag-usapan niyo ni Sir Samuel?” usisa ni Gregory. Nasa byahe na kami papunta sa club.
“Wala ka na roon.”
Napasimangot siya. “Clue.”
Gregory is like a brother to me. Lahat ng tinatago ko ay alam niya, ngunit nangako ako kay Sir Samuel na babaunin ko sa hukay ang mga sekreto niya at iyon nga ang gagawin ko kaya naman mas pinipi kong huwag umimik.
“Family secret ba?”
“Oo, kaya tumahimik ka na at huwag magtanong,” wala sa isip na sagot ko.
“Family secret tapos kasali ka? Ano ‘yon? Naka-arranged marriage na kayo ni Señorita?” panunukso niya.
“Fuck you.”
Humagalpak siya ng tawa. “Lagot ako kay Señorita niyan.”
“Napakagago mo.”
Sinuntok niya ako sa balikat. “Father in-law approved. Kapag naging boss na kita huwag mo naman akong pahirapan, ayaw kong bantayan si Señorita. Nananakit.”
Napakawalang kwenta niyang kausap. Sa halip na pansinin pa siya ay nilayo ko ang tingin papunta sa labas ng bintana. Inalala ko ang napag-usapan namin ni Sir Samuel, hinahabol ako at ayaw katahimikin. Tapat niyang sinabi na sa halip na makonsensya sa nagawa ay nagsisi pa siyang hindi niya napatay lahat.
Ganoon ba kapag nagmahal na? Wala ng saysay ang buhay ng iba kapag napunta sa alanganin ang buhay ng minamahal?
Nagmahal na rin naman ako pero hindi naman ganito. Gumagana pa rin ang utak at konsensya ko nang mga panahon na ‘yon. Ibig bang sabihin n’on kulang ang naging pagmamahal ko? O sadyang magkaibang tao lang kami ni Sir Samuel?
Sinalubong kami ni Gregory ng ingay pagpasok ng club. Nagtanguan lang kami at naghiwalay na para magmanman. Kilala kami pareho ni Joaquin kaya kailangan namin ng dobleng ingat. Isang maling galaw lang namin ay maaari naming ikapahamak.
Umakyat ako sa ikalawang palapag habang si Gregory ay inisa-isa ang bawat VIP room. Nakahilig lang ako sa railing, kinikilala lahat ng tao na labas-pasok pati ang mga sumasayaw. Naalisto ako nang lumapit si Gregory.
“Narinig ko nasa private office raw,” bulong niya.
Inaral na namin ang blueprint ng club bago pa man kami tumungo rito kaya hindi naging mahirap na hanapin kung saan ang tinutukoy niya. Nasa pinakadulo ng pasilyo sa ikalawang palapag ang opisina, maraming mga bantay papunta roon kaya kinailangan naming dumaan sa kisame mula sa palikuran.
Walang bantay sa labas ng opisina, kaduda-duda iyon para sa akin pero sinawalang bahala ko na. Sinenyasan ko si Gregory na magpaiwan sa labas ng opisina. Nakataas ang hawak kong handgun nang abutin ko ang doorknob. May ingat ko iyong tinulak para buksan ang pinto.
Sinalubong ako ng ungol mula sa dalawang nagtatalik. Nakatalikod ang lalaki sa akin habang nasa ilalim niya ang babae. Lulong sila sa ginagawa na hindi nila napansin ang paglapit ko. Tinutukan ko ng baril sa likuran ng ulo ang lalaki dahilan para matigil ito sa paggalaw.
Napamulat ang babae at nang makita ako ay napasigaw sabay tulak sa lalaki paalis sa taas niya. Nagulat ako nang makitang maling tao ang nasa harap ko. Napaharap na sa akin ang lalaki habang nakaluhod sa higaan at nakataas ang dalawang kamay, ang babae ay nagsumiksik sa uluhan ng higaan.
“S—sino ka? Anong kasalanan ko?” namumutlang tanong ng lalaki.
Diniin ko ang baril sa noo niya. “Si Joaquin nasaan?”
Napaawang ang labi niya, naghahanap ng maisasagot.
“Hindi ako magdadalawang isip na patayin ka,” pananakot ko. “Where the hell is Joaquin?”
“Hindi ko alam!” singhal niya pabalik sa kabila ng takot sa mga mata niya. “May nag-utos lang sa akin na pumasok dito. Wala akong alam!”
Fuck!
He knew we were coming.
Walang lingon akong lumabas sa opisina. Sinalubong ako ng pagtataka ni Gregory.
“He set us up,” I muttered in urgency.
There’s no time for him to react. May malakas na pagsabog mula sa baba ang nakapagpagising sa aming dalawa. Joaquin is ready for us. Nagkagulo ang mga tao, nagsitakbuhan. We were supposed to help but we are here for a different reason and we should stick on that.
We run to the fire exit. I expected the worst. I expect for a crossfire but none.
Joaquin didn’t want a battle. This is diversion. I can feel it. He has other plan. He outsmarted me. Fuck!
Nagmaneho si Gregory na para bang may hinahabol kaming dalawa. Tumunog ang cellphone sa bulsa ko, wala pag-alinlangan ko iyong sinagot.
Unregistered number.
“You’re not part of the game but you wanted in?”
Joaquin. I recognize his voice. I am more than sure he is the one speaking on the other line.
“Magkita tayo. Let’s end this now.”
Humigpit ang hawak ko sa cellphone nang tawanan niya ako. Kung maaari ko lang siyang madukot mula sa tawag ay makikita niya ang hinahanap.
“Ikaw ang taya, Elias. Sa akin ang desisyon kung magpapakita ba ako o hindi.”
“Duwag!”
“You need more than your bravery to catch me, Brother.”
“Fuck you! I will end you!”
He laugh evilly. “Reserve your anger, Elias. May regalo ako sa ‘yo.”
Nawala siya sa linya. Napatingin ako kay Gregory na kanina pa ginilid ang kotse at nakatutok na sa laptop. Umiling siya bilang pahiwatig na hindi niya nakuha ang location ni Joaquin.
Napalukso ako sa kinauupuan nang may dumating na mensahe mula sa numero ni Joaquin. Nang buksan ko iyon ay parang nalaglag ang puso ko papunta sa tiyan, para akong naubosan ng hangin sa katawan.
Joaquin sent a three seconds video. It’s inside Church residential tower, Señorita is walking in the lobby. May tao siya sa loob.
Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kaba na parang anumang oras ay mapipigtas ang natitirang katinuan ko. Kamuntik pang malaglag ang cellphone ko sa diin ng paglalagay ng numero ni Señorita para tawagan. Muling nagmaneho si Gregory pabalik sa mansion. Napamura ako nang hindi sinasagot ni Señorita ang tawag. Lalo akong nataranta nang malamang nakaalis na rin sina Sir Samuel pauwing Romania. Wala na akong tiwala sa mga tauhan na nasa Bucharest, maaring hindi lang isa ang traidor. Kapag nakarating ang buong pamilya roon ay maaari silang mapahamak lahat.
“Fuck!”
Kulang nalang itapon ko ang cellphone nang hindi pa rin sumasagot si Señorita. Tinignan ko ang lokasyon niya at nasa loob pa rin siya ng tower ngunit hindi ako mapanatag.
“Bud, anong nangyayari?”
Bago pa ako makapagpaliwanag ay may sumagot na sa kabilang linya. Natigilan ako sa paroo’t parito.
“Elias—
“Are you okay? Kanina pa ako tumatawag. Goddamnit, Atasha! Papatayin mo ba ako?”
“Anong problema?” bakas ang pagkalito at pag-aalala sa boses niya.
Napaupo ako sa isahang sofa. Nakaramdaman ako ng panghihina. Para akong nakipaglaban ng isang buong araw. “Nasaan ka?”
“Sa tower.”
“I know. But where exactly?”
“Sa reception. Someone sent me a parcel. Baka kay Liam—
“Put it down!” Napatayo ulit ako. “Iwan mo ‘yan at umakyat ka sa palapag mo. Lock yourself in. Don’t let anyone enter. Wait for me.”
“Am I in danger?”
I can’t scare her. That would do no good. She’ll only panic. “Just stay with me on the line. Wala ako diyan, pero kapag sumunod ka sa sasabihin ko walang mangyayaring masama. You hear me, Señorita? Now, go to your floor and activate force lockdown.”
“Tell me first, am I in danger?”
I can’t tell the truth but I also can’t lie to her.
“You might be, Señorita. But I promise, I will be there. I will make you safe.”
BINABASA MO ANG
Deception (CHURCH SIBLINGS 1)
RomanceLies. Vengeance. DECEPTION. After her traumatic experience Atasha Isabela couldn't stand to be around men. She only trust one man with her life- Elias Vladislav. But would she still trust him after she finds out the truth about his identity?