19

173 4 1
                                    

Napaangat ang mga mata ko mula sa papeles na inaaral nang bumukas ang pinto ng opisina. Humakbang papasok si Wolf— ang dating kasama ko sa kulungan sa Bulgaria. Tinulungan ko siyang makalabas at makawala sa illegal na samahan na kinabibilangan niya.


I founded SWAN organization almost two years ago— a private military group behind a legal security agency. I am careful with recruiting agents. Wolf has a military background, and despite his dark past of getting involve in an international crime syndicate, I gave him a chance. And he earned my trust, every single of it.
“Negative, Elias.”


I nodded my head. “It’s fine. Just continue with the search.”


“Alright.”


Isa pa sa bakit ko kinuha si Wolf ay hindi lang dahil saulo niya ang pasikot-sikot sa Bulgaria, kundi dahil sinusuportahan niya ng walang tanong ang kabaliwan ko sa paghahanap kay Joaquin. I don’t care if he’s dead or alive— I will either serve his freshly cut head or moldy skull to Sir Samuel. Nothing in between.


“Tumawag si Gregory,” balita niya gamit ang matigas niyang tagalog. Natuto na rin siya.


“Anong kailangan niya?”


Nanatili kaming magkaibigan ni Gregory, hindi nga lang kami nagkikita lalo at naninilbihan pa rin siya sa mga Church.


“Umuwi na raw ang Señorita mo.”


Naputol ang ballpen na ginagamit kong panulat. Napatikhim ako bago ko tinignan si Wolf na nakangisi na, hindi pa sila kailanman nagkikita ni Gregory pero sa dalas nilang mag-usap sa telepono ay nahawa na siya sa kalokohan ng isang ‘yon.


“Maayos na raw. Maldita na ulit at—” binitin niya ang salita para akong inuuhaw hanggang sa magmakaawa na sabihin na niya lahat. “—sobrang ganda.”


“Sinabi niya talagang sobrang ganda?”


Gago ‘yon, ah. Nakalimutan niya yata na kaya kong pasabugin ang ulo niya? Niyayabang niya ba na siya na ang bagong head security sa manor? Mas magaling pa rin naman ako sa kanya.


“Sabi niya lang maganda, ako ang nagsabi ng sobrang ganda.”
Napakunot ang noo ko, hindi ko maalalang pinakita ko sa kanya ang itsura ni Señorita.


“Nakita mo? Saan?”


Nag-unat siya ng braso niyang puno ng tattoo. “Hinatid ko si Miss Rosalie sa spa, nagkataon na nandoon din si Señorita mo.”


“Paano mo nakilala?” may pagdududa kong tanong.


“Maganda, eh.” Tinaas niya ang profiler gadget. Tinaliman ko siya ng tingin. High technology ang gamit namin sa organization pero ilang beses ko ng sinabi sa mga myembro na huwag gagamitin sa sariling pakinabang.


“Oh, huwag kang magalit diyan. Kung hindi ko ginawa edi hindi natin alam kung saan siya ngayon.”


Tama nga naman. Pero pinagkainteresan niya pa rin!


“Mag-uusap tayo pagbalik ko.”


Umahon ako mula sa upuan. Dinampot ko ang susi ng rover tsaka na umalis. Narinig ko pa ang halakhak ni Wolf pero wala na akong panahon para pansinin.


Naalala ko ang usapan namin ni Sir Samuel pero kagaya niya kamatayan lang ang makakapagpigil sa akin na lapitan na ang anak niya. Nang tanggapin ko sa sarili ko na nahulog na ako, nang magsimula akong mangulila, sigurado na akong kaya kong ialay lahat makasama lang ulit si Atasha, kahit na bilang alipin niya pa.
Pagdating ko sa spa ay nakita ko kaagad si Atasha na nakatayo sa tapat ng parking area. She’s busy with her phone. Alam ng langit kung gaano ako nagpigil na huwag tumalon mula sa sasakyan para yakapin siya. Nahuli ko ang pag-alerto niya nang pumarada ako sa mismong harap ng kinatatayuan niya. Binulsa niya ang cellphone at sinundan ang pagbukas ng pinto.


Deception (CHURCH SIBLINGS 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon