16

575 17 4
                                    

“Elias.”
Napapikit ako ng mariin, sa tuwing tinatawag niya ang pangalan ko ay saglit akong nawawala sa sarili.
Pagkamulat ko ay inabot ko ang mukha niya para punasan ang luha na libreng umaagos.
Ilang beses ko siyang nahuli na mariing tinitignan ang sarili sa salamin na parang kinamumuhian niya ang nakikita.
She is insecure. And a tad of affection is a luxury for her.
She hates her scars but God knows it doesn’t make her less. She has the beauty that beyond what is carved on her skin. She has the worth that more than the things that ruined her, no one could ever take it even if they destroy every bit of her.
Masama ang ugali niya. Sakit siya sa ulo. Pero higit siya sa lahat ng iyon.
Inabot ko ang bewang niya para muli siyang ilapit sa akin. Hinaplos ko ang mukha niya.
“Masaktan muna ako bago ikaw.”
“Elias, hindi ako nakikipagbiruan.”
“Me neither.”
Lalong bumuhos ang luha niya. Nagiging iyakin na talaga siya, taliwas kung sino ba talaga siya.
“I dedicate my life to you, Señorita. Uunahin kita sa lahat ng bagay, oras at pagkakataon.”
I can’t offer anything to her right now aside from promises, service and loyalty. I only hope that if I can offer more she’s still willing to accept all it.
“Kayo na ni Señorita?” ito na naman si Gregory sa mga pang-usisa niya.
Tumigil muna kami nang may madaanang convenience store. Naiihi na si Señorita, nagugutom na rin si Simon pati kailangan na rin ng gasolina ng sasakyan.
“Wala akong gusto sa kanya.”
Tinignan niya ako na parang natatangahan na siya sa akin. Totoo naman. Wala naman talaga akong gusto kay Señorita. Kasi iba… hindi pagkagusto.
“Hindi gusto pero ang dami mong pangako sa kanya? Para saan mga ‘yon? Ulol ka na ba? Baka mauna ka pang ibaon ni Sir Samuel bago mahuli si Joaquin at Darius?”
“Totoo naman. Uunahin ko talaga siya. Trabaho at responsibilidad ‘yan.”
“Sa ‘yo trabaho, paano naman sa kanya? Kilala natin ‘yan si Señorita, may tama ‘yan sa utak. Tingin mo nagkaroon lang ng himala at parang ayaw ng mapalayo sa ‘yo?”
Sinuntok niya ako sa braso. “Ayaw ko pang mamatay ka, Bud. Kung hindi mo kayang panindigan huwag kang magpakita ng motibo.”
Napasandal ako sa sasakyan. Napatingin ako sa convenience store. Mula sa salamin ay nakikita ko si Señorita na nakapila sa counter.
Naalala ko ang mga halik na pinagsaluhan namin. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang lambot ng labi niya, ang tamis ng mga ‘yon. Sinungaling ako kung sasabihin kong wala lang ‘yon lahat sa akin. Pero ang tanong sa kanya ba anong ibig sabihin ng mga ‘yon?
Nakokonsensya nga ako na parang pinagsasamantalahan ko ang kahinaan niya. Kailangan niya ng masasandalan at ako ang narito. Kaya naisip ko baka pinapatulan niya ang mga halik ko kasi naghahanap siya ng kalinga.
“Bakit ba hindi mo pa maamin na may tama ka na sa kanya?”
Napatuwid ako ng tayo nang may napansin akong kakaiba. Wala akong oras na intindihin pa ang tanong niya. May pumasok na dalawang lalaki sa convenience store, parehong nakasuot ng itim na jacket, nakasuot ng sumbrero para takpan ang mga mukha.
“Paandarin mo ang kotse,” utos ko kay Gregory tsaka naglakas patungo sa convenience store.
Hawak ko ang baril at nakababa lang sa gilid ko habang papasok sa tindahan. Nakadalawang hakbang pa lang ako nang may malakas na pagsabog sa gasolinahan. Napamura ako nang maisip si Gregory pero hindi ko matulak ang sarili na lingonin at siguraduhin na maayos siya. Naka’y Señorita na ang utak ko.
“Elias!” Bakas ang takot sa boses ni Señorita sa pagtawag sa akin.
Nasilip ko ang paghuli ni Joaquin kay Señorita mula sa likuran, ang kasama niya ay tinutukan ng baril si Simon.
“Pakawalan mo si Atasha!” sigaw ko habang nakatago sa estante ng pagkain. “Hahayaan kitang makaalis ng buhay rito kapag pinakawalan mo siya.”
Humalakhak ang demonyo. “Sinabi ko naman sa ‘yo na ikaw ang taya, Elias! Nasa akin ang desisyon kung paano ang takbo ng laro natin!”
Pinigil ko ang sarili na biglang lumabas matapos marinig muli ang sigaw ni Señorita na parang nasasaktan. Ipapahamak ko siya kapag nagpatalo ako sa emosyon.
“Alam mo ba kung gaano kasarap ang babaeng ito, Elias? Natikman mo na rin ba siya?”
Gumapang ako palipat sa estante malapit sa kanila.
“Sarap na sarap siya habang ginagalaw ko at lulong sa droga, Elias!” humalakhak siya. “Alam mo bang sa tuwing nawawala ang tama ng droga sa kanya ay tinatawag ka niya para iligtas siya? Gusto mo bang makita ang video? Gusto mo bang marinig ang pagmamakaawa at iyak niya? Gusto mo bang makita kung paano siya paulit-ulit na nabigo dahil hindi ka dumadating at nakakaraos na ako?”
“Nakakaawa ka, Joaquin!” tuya ko. Gusto niyang makipaglaro sa utak ko, ibabalik ko lang sa kanya ang laro niya.
“Kailangan mo pa talaga ng droga? Bakit? Wala kasing papatol sa kabaliwan mo!”
“Kahit anong sabihin mo, ako pa rin ang nakauna sa kanya! Pinagsawaan ko siya! Wala ng natira sa ‘yo!”
“Manang-mana ka talaga sa tatay mo!” tira ko sa sensitibong bagay na alam ko tungkol sa kanya. “You’re delusional! Kahit kailan hindi naging sa ‘yo si Atasha! Ninakawan mo siya! Magkaiba ‘yon! Kung hindi mo pipilitin, hindi ka papatulan. Mas hihilingin ng isang babae ang mamatay kesa magpahawak sa ‘yo!”
“Putangina mo!”
Sunod-sunod ang malulutong na mura niya sa akin. Pinaulanan niya ng bala ang kaninang pinagtataguan ko. Huminga ako ng malalim tsaka lumabas sa kinaroroonan. Nagulat ang kasamahan ni Joaquin nang sumulpot ako sa tabi niya. Walang kurap kong pinaputokan ang ulo niya na kaagad niyang ikinamatay.
Ang sumunod na nangyari ay hindi ko na napigilan pa. Nakawala si Señorita kay Joaquin, binaril siya nito pero sa halip na siya ang matamaan ay pumagitna si Simon dahilan para ito ang sumalo ng bala sa dibdib.
Binaril ko rin si Joaquin, nakatakbo siya at sa balikat lang tumama ang bala. Nakita ko kung paano parang kahoy na natumba si Simon na sinubukang saluhin ni Señorita. Sa liit niya ay pareho silang natumba sa lapag. Napaluhod ako sa tabi nila. Diniinan ko ang ng kamay ang dibdib ni Simon na may tama.
“S—Si—” tinulak ni Señorita ang sarili na maupo at ipaunan sa binti niya ang kapatid. “N—no. Don’t leave us. Simon, please!”
Sa akin tumingin si Simon, nilalabanan ang pagpikit. “S—save m—my a—ate, E—Elias. P—palayain mo s—siya sa t—takot niya.”
“No, no! Simon!”
Napaubo ng dugo si Simon. Hinila ko ang kamay ni Señorita at ipinalit sa kamay ko na nasa dibdib ng kapatid. “Call 112.” Nilagay ko ang cellphone sa tabi niya.
“W—Where are you going? Don’t l—leave me! You promised!”
Hinalikan ko siya sa noo. “Tatapusin ko na, Señorita.” Ngayong gabi ko na tatapusin ang larong ito.
Nakikipagpalitan ng bala si Gregory laban kina Darius at ilang tauhan nito nang makalabas ako. May ilang nasa hanay namin ang naririto na rin. Nakita ko ang pagtakas ni Joaquin gamit ang sasakyan.
“Gregory, unahin mo si Señorita!” bilin ko sa kaibigan bago ako umakyat sa sasakyan para sundan si Joaquin.
Sabay sa pag-apak ko sa gas ang pagtakbo ni Gregory papunta sa convenience store. Mabilis akong dumeretso sa gawi nina Darius, binangga ko siya kasama ang mga kasamahan niya, hindi pa ako nakontento na nakaladkad siya, inatrasan ko pa muli bago sumunod na kay Joaquin.
Inabot ko ang baril mula sa likuran tsaka nakipagpalitan ng putok kay Joaquin. Kung mapapatay niya ako ngayon ay sisiguradohin ko na magkasama kami sa hukay.
May mga pulis na dumating habang tuloy pa rin kami sa paghahabolan. Tinatawagan kaming huminto pero pareho kaming bingi. Binabangga ko siya mula sa likuran na sinasalubong niya ng biglang preno dahilan para dalawa kaming napupurohan.
Natigil naming dalawa ang sasakyan bago pa man kami lumipad sa bangin. Tuloy ang palitan namin ng bala habang bumaba sa kanya-kanyang sasakyan. Kinain ng apoy ang unahan ng kotse ko na nakabangga pa rin sa likuran ng kanya.
Paatras siya malapit sa bangin habang ako sinusugod siya. Natamaan niya ako sa balikat pero sa halip na indahin ay mas lumapit ako sa kanya.
“Babae lang ‘yon, Elias. Pag-aawayan pa talaga natin?”
Nasa gilid na siya ng bangin, naubosan na ng bala. Pinaputokan ko siya sa magkabilang binti dahilang para mapaluhod siya. I won’t give him the easy out. I will torture him the way he did with Señorita Atasha.
“Hindi siya basta babae lang.”
Hirap siyang makatayo pero nagawa niya. Humalakhak pa siya habang tinitignan ako ng mapanghamon. “Kaya mo ba akong patayin, Elias?”
Sa halip na sagotin siya ay binaril ko siya muli pero bago pa man siya tamaan ng bala ay nagpatihulog siya sa bangin. Nanlamig ang buong katawan ko. Tinakbo ko ang bangin upang silipin. Napasigaw ako sa galit nang halos hindi ko makita ang baba sa taas ng bangin.
He took his own life. He chose death.
I am drown in anguish. I am losing my sanity. Señorita only asked for one thing— vengeance, but I fail her again.
Dumating ang mga pulis. Pinadapa nila ako at nang hindi ko nagawa ay ginamitan nila ako ng dahas. Sa kabila ng sakit na pinapataw nila ay nakatulala pa rin ako sa bangin.
I left Señorita alone with her brother who’s bathing on his own blood. I left her to seek for the revenge she’s asking for. But what did I give her? Nothing.

Deception (CHURCH SIBLINGS 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon