Galit ako.
Nagtatampo.
I was feeling rebellious when dad was so protective of me. But when Elias fly to Romania, and no one was assigned to look after me— I became rebellious.
Ngayon lang ako hinayaan na magkaroon ng laya at hindi ko inasahan na sasama ang loob ko. Elias promised I will always be his responsibility. But where is he now? Nakasunod siya sa bawat sabihin ni daddy. Nasabi na niya noon na hindi naman niya gusto talagang bantayan ako, na dahil lang kay daddy kaya ginagawa niya pa rin pero iba pa rin pala talaga sa pakiramdam kung may patunay na sa mga nabitiwan niyang mga salita.
“Dinner!” magiliw na salita ni Joaquin mula sa gilid ko. I started dating him with the expectation that dad will change his mind and make Elias stay because of it.
“Thank you.” Kinuha ko ang lunch box mula sa kanya. “Sabi ko naman sa ‘yo hindi na kailangan.”
“You look fresh. Nakailang afam ka sa Palawan?”
“I’m always fresh.”
Kakauwi ko lang kahapon mula sa bakasyon namin ni Tabitha sa Palawan. We didn’t party there, we just hang around the villa and rest.
Hinawi niya ang buhok ko papunta sa likuran. Sinundan ng mga mata niya ang galaw ng labi ko. Kinagat ko ang labi ko para tuksohin siya lalo.
“Don’t tease me like that, Isabela.” Yumuko siya para amuyin ang gilid ng leeg ko. “Natatakam ako.”
Tinapik ko ang lunch box sa counter. “Sa luto mo lang ako natatakam.”
Natatawa siyang umayos ng tayo. “Alright, then. Gagalingan ko pa lalo sa pagluluto baka sakaling magayuma ka at sa akin ka na matakam.”
Hinalikan niya ako sa gilid ng labi. Sanay na ako sa halik sa pisngi pero nagulat pa rin ako. Ilang buwan na kaming lumalabas pero maliban sa halik sa pisngi at hawak sa kamay ay wala ng nangyayari. Tinawanan niya ang panlalaki ng mga mata ko.
Huling taon ko na sa University, umikot ang buhay ko sa hospital duty, review at gimik kasama si Joaquin. He isn’t working in the University anymore but that doesn’t save me from dirty rumors. Even my University friends are spreading malicious gossip about me so I stop being friends with them. May Pixie at Agatha naman ako kung pagod na ako sa night life kasama si Joaquin.
“Inumaga ka na naman, Isabela,” sita ni mommy sa akin kakapasok ko pa nga lang sa pinto. “Bakit hindi mo pinapasok ang naghatid sa ‘yo?”
“Mom, I came from a party. Do you expect me to come home before midnight?”
Dad gave me the freedom I asked but mom is a sucker. Palagi kaming ganito kapag ginagabi ako ng uwi. Aabangan niya ako para pagalitan.
“Ipapatawag ko pabalik si Elias. Kung ayaw mong tumigil sa kakagimik ay dapat may bantay ka.”
“Mommy naman!” Hearing the name Elias frustrates me.
“He wants nothing to do with me. Kaya makapal ang mukha ng lalaki na ‘yon kasi akala niya importante siya. Ano ba ang hindi mo maintindihan na kaya ko ang sarili ko. Hindi ko kailangan ang Elias na ‘yon, hindi ko kailangan ng kahit sino.”
“You need Elias.” May pandidiri niya akong sinuyod ng tingin. Nakasuot sa akin ang jacket ni Joaquin dahil sa nagsuka ako at nadumihan ang damit ko. Magulo rin ang buhok ko at kahit hindi nahuhulas ay alam kong hindi na maganda ang kapit ng make-up ko.
“I don’t fucking need him!”
“Lower your voice, Isabela. Tignan mo nga ang sarili mo.” Hinawakan niya ang mukha ko para patingalain. “Look at your lips, namamaga. What did you do?”
BINABASA MO ANG
Deception (CHURCH SIBLINGS 1)
RomanceLies. Vengeance. DECEPTION. After her traumatic experience Atasha Isabela couldn't stand to be around men. She only trust one man with her life- Elias Vladislav. But would she still trust him after she finds out the truth about his identity?