20

212 3 1
                                    

Atasha Isabela


I acted unbothered for a week but I couldn’t keep it now. I am bothered! I am annoyed!

Seeing Elias after my many years of staying inside a mental facility gives me so much emotion. Marami akong tanong para sa kanya. Why didn’t he come back? How can he manage being okay without checking on me? Lahat ba ng pangako at sinabi niya walang laman?


“Gregory!”

I signaled Gregory to come closer. Tinuro niya ang sarili na parang ayaw pang maniwala na siya ang tinatawag ko. “Ako, Señorita?”


“Sino pa ba? May ibang Gregory pa ba rito?”

Inikot ko ang tingin sa pool area. Marami pa rin kaming tauhan pero maliban kay Gregory ay wala ng pakalat-kalat pa. I can live with men around me, I can say I was over my trauma from them, but I still asked dad that I don’t want seeing our men roaming around where I am.


“Bakit, Señorita?”


Tinuro ko ang lounger katabi ng kinauupuan ko. “Tell me what’s up with Elias? Bakit biglang yumaman ‘yon? Is he serving that not so beautiful woman or is it his girlfriend?”


I see no shock on his face as I mention his friend. Napairap ako. Elias probably mentioned me to Gregory days ago. Ano kayang pinag-usapan nila tungkol sa akin?


“Ah, wala akong alam, Señorita. Bakit hindi mo nalang itanong kay Elias?”


“Nakikita mo ba siya rito? I’ll ask him if he’s here but he’s not because he left me!”

Napangiwi siya. “Señorita naman, sa akin mo naman nilalabas ang galit mo, eh. Si Elias nalang kausapin mo.”

Umahon ako mula sa lounger, hindi siya naupo kaya ako ang lumapit sa kanya. Pinaningkitan ko siya ng mga mata. “Magulang ko ang nagpapasahod sa ‘yo, Gregory. Kay Elias pa rin ang katapatan mo? You should also resign if that’s the case. Sumunod ka sa walang isang salita na ‘yon.”


Napakamot siya sa likuran ng ulo niya. “Señorita, kausapin mo na nga lang si Elias.”

“I can’t talk to him because he’s not here!”

I was about to slap his face when someone caught my hand from behind. “I’m here. You can talk to me.”

I don’t have to face him to confirm who it is. He still smells the same, talks the same— feels the same.

“Bitaw!”

Sa halip na pakinggan ako ay hinila niya ako paharap sa kanya. Sinalubong ako ng naniningkit niyang mga mata. “Ang aga-aga nagpapakita ka na ng ugali mo. Huminahon ka nga,” may hinahon sa boses niya sa kabila ng pananaway.

Tinulak ko siya palayo. Nagawa pa niyang tumawa ng maiwasan niya ang sampal ko. Uminit ang pisngi ko sa inis sa kanya.


“What are you doing here, huh? Umalis ka na hindi ba?”

“Sinong nagsabi na umalis ako?”


“Bakit, hindi ba? Huh? When I came home you’re not here!” I slap him again and this time he gladly received it. “You didn’t even visit me in Scotland! Kahit isang beses hindi!”


Uminit ang mga mata ko. Bago pa ako traydurin ng luha ay tumakbo ako papasok ng bahay. Nagkulong ako sa kwarto at umiyak buong araw.


I already said it that his betrayal is the last straw of my sanity, and not fulfilling his promise is a betrayal of trust and words. Natakot ako na baka namatay siya sa Bulagria, walang balita sa kanya ng ilang buwan. When I was in Scotland, I always dreamed of him. Sa tuwing may bisita o nakakatanggap ako ng tawag umaasa ako na siya iyon pero wala. Iniwan niya akong mag-isa sa kabila ng mga pangako niya.


Deception (CHURCH SIBLINGS 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon