27

185 3 1
                                    

My body is tensed as I stand at the altar of the Minor Basilica of St. Michael The Archangel, Atasha’s church of choice. There are about a thousand of speculators inside the church. I feel anxious and excited. I still couldn’t believe this is all happening.

Wala akong naging tulog, buong gabi ay gumawa kami ng plano ni Wolf para palabasin si Joaquin pero ako pa yata ang pinakaunang dumating sa simbahan.

Napatingin ako sa tabi ko nang tapikin ni Gregory ang likuran ko. Mainit pa rin ang ulo ko sa kanya na lagi siyang gustong kasama ni Atasha pero siya pa rin ang best man ko. Nginisian ako ni Megan sabay turo sa mukha ko. Nang hawakan ko ang pisngi ko ay may nakapa akong basa.

“Wala pa nga,” natatawang tukso ni Gregory. “Kalmahan mo lang. Deny ka pa noon, ha. Iyak ka ngayon.”

“Gago ka. Lumayo-layo ka na sa asawa ko.”

Pigil siyang humagalpak, kailangan pa niyang tumalikod para itago ang katarantadohan niya. Pasalamat talaga siya magkaibigan kami simula pagkabata, kung hindi ay baka nabaril ko na siya noong nakaraan.

“Ayan na, Kuya.” Inalog ni Megan ang braso ko nang muling bumukas ang pinto ng simbahan at tinugtog na ng orchestra ang wedding march na pinili rin ni Atasha.

“Putangina?” bulong ni Gregory. “Wedding gown ‘yan?”

I anticipated that Atasha will pull something for our wedding, so a million worth of wedding gown soaked in blood doesn’t really surprise me.

“Black bouquet. Seryoso ba si Señorita?”

“Kuya, okay lang ba lahat? Do you want me to make a scene para makapag-usap muna kayo?”

Pinabingihan ko ang mga bulong ni Gregory at Megan. Nakatutok lang ang mga mata ko sa mapapangasawa ko na mabagal na naglalakad papunta sa akin.

Wala akong pakialam sa kahit anong suot niya, o kung anong bulaklak ang hawak niya. Ang mahalaga ay naglalakad siya papunta sa akin at matutuloy ang kasal naming dalawa.
Lalong lumalakas ang kalabog ng dibdib ko sa bawat hakbang niya. Pakiramdam ko ay bago siya makarating sa harap ko ay wala na akong buhay. Tinanggap ko ang panyo na inabot ni Gregory sa akin.

Fuck.

I couldn’t believe this is really happening.

Atasha Isabela might be a lady from hell, but she’s a dream. She is my dream. She is beyond her ethereal beauty. She’s at her worst now but I am willing to stay by her side waiting for her to be at her best— and if she stays at her worst I’ll still be beside her. We will burn the world together. I will love her forever, even if I die and live again, I will still choose to be with her.

Sa gitna ng paglalakad niya ay sinamahan na siya ng kanyang mga magulang. May hindi sila pagkakaintindihan ni Sir Samuel pero tila sa pagkakataon na ito ay kinalimutan nilang dalawa iyon.

Nanginig ang buong sistema ko nang sa wakas ay nasa harap ko na siya, hindi nakaligtas sa mga mata ko ang bagong gupit niya. She chopped almost all her hair expecting me to find her ugly, but jokes on her—it emphasize her emerald eyes that caught me every time, and her soft pink cheeks that made her look more like an angel. She can wear the heaviest make up she can have but still she’s the most gorgeous bride and hell, before the day ends she’ll be my wife.

Sa unang pagkakataon ay inabot ako ni Sir Samuel para bigyan ng yakap. “Make my daughter the happiest girl in the world. Don’t ever lie to her again.”

“Thank you for your blessing, Sir.”

Sunod na yumakap sa akin si Mrs. Church. Siya pa mismo ang pumunas ng luha ko nang bumitiw siya. “Pahabain mo ang pasensya kay Isabela, Elias. She will eventually realize you are a good man.”

Deception (CHURCH SIBLINGS 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon