Tahimik akong kumakain sa cafeteria ng ospital nang mahagip ng mga mata ko si Pixie at Agatha. Naghahabol ako ng duty hours kaya halos nakatira na ako sa ospital, nakita ko na sila ng ilang beses pero ngayon lang nagtagpo ang tingin naming tatlo.
Kagaya palagi ay sinubukan nilang lumapit pero bago pa man mangyari ay naharang na sila ni Elias. Bagsak ang balikat nilang naupo sa malayo.
“Let them sit with me, Elias. Wala naman silang kasalanan. If you don’t trust them enough, you can have them investigated.”
I have Elias but I sometimes crave for a friend. Tabitha is busy with her life, I don’t want to bother her. Pixie and Agatha was good to me. We were friends. Even after the incident they tried reaching out with me. Ang sabi ni Adi ay dumalaw pa sila sa akin sa ospital ngunit hindi lang pinapasok.
Matagal nakipagtagisan ng titig si Elias sa akin bago siya nahinga ng malalim na parang nagpapatalo sa gusto ko. Lumapit siya sa dalawa na halata ang gulat at ilang sa kanya. Natawa ako ng mahina habang pinagmamasdan ang dalawa na panay tango sa mga sinasabi ni Elias. Nakita ko ang saya sa kanila nang si Elias mismo ang kumuha ng tray nila para ilipat sa mesa ko.
“Hey,” bati ko.
Napanguso si Pixie. Nakita ko ang kagustohan niyang lumapit lalo sa akin pero hindi niya lang ginagawa marahil dahil kay Elias kaya ako mismo ang tumayo para yakapin siya.
“I’m alright, Pixie,” I answered the question inside her head.
“Sorry. Kami pa ni Agatha ang nagtulak sa ‘yo sa kanya. Kung alam lang sana namin.”
Bago ko pa man masabi na wala siyang kasalanan ay nahila na ako ni Elias palayo. Pinaghila niya ako ng upuan. Nakita ko ang palitan ng tingin ni Pixie at Agatha, puno ng tanong kung sino ba si Elias sa buhay ko.
Sa simula ay naiilang pa si Pixie at Agatha na kausapin ako lalo at nakikinig si Elias pero kalaunan ay naging komportable na rin sila, umaabot na minsan sa punto na binibiro nila si Elias. Nagpalipat ako sa station nilang dalawa, naaaliw ako sa kanilang dalawa na nakakalimutan ko na minsan na may dinadala ako. Paunti-unti ay nagiging normal at madali ang buhay ko.
“Hanggang bodyguard nalang ba talaga si Elias para sa ‘yo?”
Naningkit ang mga mata ko sa tanong ni Agatha. Walang araw na hindi nila ako kinukulit tungkol kay Elias, na napapaisip ako na baka may gusto sila sa kanya.
“Kaibigan din.” Sabi ni Elias mahalaga ako sa kanya. Tama lang naman na isipin ko na magkaibigan na kami, hindi ba?
“Walang girlfriend? Kasi kung ako girlfriend ni Elias magseselos na ako sa inyong dalawa. 24/7 ba naman na nasa tabi mo. Bagay pa kayong dalawa. Maganda ka, at siya sobrang gwapo.” Napatili pa silang dalawa ni Pixie.
Sinundan ko ang mga mata nila na naka’y Elias. Nakasandal ang lalaki sa pader habang naka-krus ang mga braso sa dibdib at nakapikit ang mga mata. Kung titignan ay tulog siya at walang alam sa nangyayari sa paligid niya, pero kapag gumalaw ako gagalaw rin siya na parang karugtong na siya ng katawan ko.
Ngayon ko napagtanto na wala akong alam tungkol kay Elias. I only know him as a son of my father’s trusted man. I don’t know where he was before he came into my life. Wala akong ideya kung may kapatid ba siya, kung may girlfriend ba.
“Ang gwapo niya talaga,” parang natutunaw na sambit ni Pixie.
Tinukod nilang dalawa ang mga braso sa counter tsaka pinatong ang mukha sa nakakuyom na palad. Kumikislap ang mga mata nilang nakatulala kay Elias at para na silang nilipad ng delusyon.
“Tigilan niyo nga si Elias,” suway ko. “Gawin niyo nalang ang rounds niyo bago pa tayo mapagalitan dito.”
Sabay silang napahugot ng malalim na hininga na tila ba nanghihinayang na hindi na nila pwedeng pagmasdan si Elias. Napailing nalang ako, kahit na ang totoo ay hindi ko rin naman sila masisisi. Malinaw ko ng nakikita ang kinababaliwan ng mga babae kay Elias. He is not like any typical pretty boy. He also has the sex appeal, the ruggedness of a man that can go rough if you beg. Napapaisip nga ako kung alin ba sa katangian niya ang unang nakikita ng mga babae. Is it his killer eyes that can turn from blank to furious in split second, or is it his jaw that ticks everytime he hear an insult. Or maybe it is his height? No. Maybe his arms.
I can’t read other girls mind, but for me Elias is attractive not only because of the things that eyes could see. He is attractive beyond his physical, he has the character; he’s strangely compelling.
Napaubo ako nang biglang magmulat ng mata si Elias at mahuli akong tinitignan siya ng mariin. Nagkagulo ang sistema ko na para akong nahuli sa isang kasalanan. Kahit hindi ko nakikita ang mukha ko alam kong namumula ako sa kahihiyan. Kulang nalang lumundag palabas ang puso ko nang umangat ang gilid ng labi niya at namuo ang maliit na ngisi sa mukha niya. Napailing siya bago umiwas ng tingin. May kung ano siyang binulong sa sarili bago inayos ang pagkakasandal at muling pumikit.
Dinadalaw na ako ng antok habang inaayos ang mga gamot na ibibigay sa mga pasyente. Umatras ang paghikab ko nang may cup na nilapag sa harap ko. Pagtingala ko ay sinalubong ako ng titig ni Elias. “Hot choco. Alam kong hindi ka umiinom ng kape.”
Sabay na napaubo sa tabi ko si Pixie at Agatha. Pasimple kong sinipa ng mahina ang mga paa nila.
“Hindi mo kailangan—
“Tanggapin mo nalang, Señorita. Walang lason ‘yan—" May pigil na ngiti sa labi niya. “—o gayuma.”
Impit na napatili ang dalawa. Naglatulakan pa sila nang tumalikod na si Elias. Ano ba itong ginagawa niya? Trabaho pa rin ba ‘to? Is he even aware the effect of all of this to me? I am in my vulnerability. I am easily attached. Kapag ba nahulog ako kaya niya akong saluhin?
I am weirded out with the way Elias is treating me. He isn’t uptight anymore. Madalas na siyang nakangiti sa akin, kung minsan ay may sasabihin siyang nakakatawa. He also does give me just because drinks. Para siyang ibang tao.
“Huwag kang gagalaw. Dito ka lang.”
Natatawa ako sa itsura niya habang paatras siyang lumalayo sa akin. Kanina pa niya pinipigilan ang ihi niya dahil sa hindi niya ako maiwan.
Inintay ko siyang makalayo bago tumalikod din at tumuloy sa locker room. Nakabukas ang location ko, nasa loob din ako ng University. Walang mangyayaring masama sa akin dito.
Napawi ang ngiti ko nang pagbukas ko sa locker ay sinalubong ako ng ziplock na may lamang tablet pills. I recognize what it is from it’s shape and color. Parang tumakas ang ulirat ko at inalon ako. Nanginig ang kamay kong kinuha ang note na nakadikit sa ziplock.
We’re not done, Sweet Pea. You can hide but you can never run. I will find you and we will have our fun again. Sa ngayon, enjoy mo muna ang regalo ko sa ‘yo. You should also give some to your bodyguard, so he’ll fuck you good like I did.
Bumilis ang pagtibok ng puso ko. Si Joaquin ang nag-iwan nito. Sigurado ako.
Napalinga ako sa takot na baka bigla nalang niya akong hulihin at muling gawan ng kasamaan.
“Señorita!”
Wala sa isip kong sinuksok sa bulsa ng bag ang ziplock. Tumatakbong lumapit si Elias sa gawi ko. Nilukot ko ang note mula kay Joaquin tsaka ko iyon binulsa. Nanginginig ang kamay kong isinara ang locker.
“T-tara n-na?” Napalunok ako ng marahas nang mapagtantong kanina ko pa pala pinipigilan ang paghinga.
Kunot-noo akong kinilatis ni Elias, tila inaaral ang bawat sulok ng mukha ko. Muli akong napalunok matapos basain ang mga labi.
Alam ko na mas mainam na sabihin sa kanya ang tungkol sa sulat at pills pero hindi ko magawang itulak ang sarili na magsalita tungkol doon. Natatakot ako. Paano kung hanapin niya si Joaquin ngayon? Mag-isa lang siya. Paano kung may mga kasama si Joaquin? Hindi ko kayang isipin na mapapahamak siya.
“Namumutla ka,” puna niya. “Okay ka lang ba?”
Nanayo ang lalamunan ko, hindi ko siya kayang sagutin gamit ang mga salita kaya napatango nalang ako. May pagdududa niyang sinundan ang galaw ko pero wala na ring sinabi pa.
Malalim ang iniisip ko habang pauwi na hindi ko magawang makipagkwentohan sa kanya gaya palagi. Hindi ko maalis sa utak ko na maaaring matikman ko muli ang supplement na matagal ding hinanap ng aking sistema. Ang bawal na gamot na halos ikabaliw ko na kung wala lang si Elias.
Nagmamadali akong bumaba sa kotse at walang lingon na pumasok sa bahay. Malaki ang hakbang ko patungo sa hagdan nang hulihin ni Elias ang siko ko. Hinila niya ako pabalik. Sumiklab ang kaba sa loob ko nang makita ang dilim sa mga mata niya.
“I can’t protect you if you keep a secret from me,” he said meaningfully.
“W-Wala akong tinatago, Elias.”
Ngumiti siya ng malamya, puno ng disgusto ang mukha. “Sinungaling,” bintang niya.
Naunahan ako ng pagkasabig sa droga. Natalo ako ng kahinaan ko. “Sumusobra ka na, Elias! Isusumbong kita kay daddy— ano ba!”
Marahas niyang hinablot ang bag ko na halos sumama ang braso ko. Sinubukan kong agawin sa kanya pero wala akong nagawa. Binuksan niya ang bag ko at nagkalkal na parang alam niya kung ano ang hinahanap. Napaupo ako sa hagdan nang ilabas niya ang ziplock na may lamang pills. Nanghina ako na parang tinakasan ng lakas.
“E-Elias p-please—
Napailing siya. “Sinusubukan kong intindihin ka, Atasha.”
Tumakas ng tuluyan ang luha sa mga mata ko nang ilabas niya ang cellphone. Narinig ko ang pagsambit niya sa pangalan ni Gregory at pagbigay niya ng tungkolin na halughogin ang University at kunin ang CCTV footages malapit sa locker area. Tinapunan niya ako ng dismayadong tingin bago tuluyang umalis.
Elias hates me now. Pagod na siya. Wala ng tiwala sa akin. Kapag nahuli na si Joaquin ay iiwan na niya ako.
Walang tao sa bahay. Si Mommy ay paniguradong nasa opisina pa niya. Si Daddy ay nasa meeting na naman siguro kasama ang mga awtoridad para sa paghahanap kay Joaquin at Moira. Nang kuhanan nila ako ng statement at pinalarawan sa akin ang mukha ni Moira ay mas naging tutok si daddy sa imbestigasyon.
Nanghihina akong umakyat sa taas. Dumeretso ako sa banyo nang makaramdam ako ng init. Hinubad ko lahat ng suot ko para tignan ang sarili sa salamin. Sinaulo ko ang bawat bakas ng paghihirap na nakuha ko mula kay Joaquin, hindi ko halos makilala ang katawan ko.
Pinasadahan ko ng haplos ang leeg pababa sa pagkababae ko. Sino pa kayang lalaki ang tatanggapin ang lahat ng pinsala na naiwan sa katawan ko? I close my eyes to reminisce the way Joaquin cut my skin with a knife everytime I disobey him, and burn me after he was satisfied.
Ang dumi ko. Wala na rin akong kwenta pa. It is nearly impossible for me to bare a child. I don’t have anything to offer anymore. I am fucked up. I am mentally unstable. I am not pleasing.
Sinaktan ko ang mga magulang ko. Naging masamang ehemplo ako sa mga kapatid ko. Pahirap ako sa mga kaibigan pati kay Elias.
Maybe it’s better if I die. The world is better off without me.
Binalot ko ang katawan tsaka lumabas ng kwarto. Nasa eskwelahan pa ang mga kapatid ko kaya malaya akong nakapasok sa kwarto ni Abraham. Bago pa man nangyari sa akin ang lahat ay ilang beses ko siyang nakitang gumagamit ng parehong gamot ng kagaya sa binigay sa akin ni Joaquin. Naghalungkat ako sa kwarto niya. Binuksan ko ang bawat kabinet niya hanggang sa makita ko ang hinahanap. Walang pag-aatubuli kong kinuha ang isang kahon para dalhin pabalik sa kwarto.
I’ve read about drug overdose since I’ve been thinking of taking my own life but it only became real now. This will help my family move on. They will clearly see how of a failure I am. They will think I deserve death.
Bumalik ako sa banyo, pinuno ko ng tubig ang loob ng bathtub. Muli akong naghubad para ilubog ang sarili. Walang pag-aalinlangan sa akin na lunokin lahat ng gamot na nasa kamay ko. Wala akong takot na maramdaman na isiping mawawala na ako. Sa wakas ay makakapagpahinga na ang isip ko. Malaya na ako sa lahat ng alaala at sakit na dinulot sa akin ng taong minsan ay pinagkatiwalaan ko.
Tumulo ang mga luha ko nang maalala ang masasayang bagay kasama ang pamilya ko, ang buhay na mayroon ako noong bata pa at walang iniintindi sa mundo. Wala akong pagsisisi sa ginawang ito ngunit sana ay kahit sa huling beses nasabi ko sa pamilya ko na mahal ko sila, sana nayakap ko isa-isa ang mga kapatid ko at nasabihan silang huwag gumaya sa akin.
Hinihila na ako ng antok. Nararamdaman ko na ang pagkalunod. Handa na akong lumisan nang biglang may nag-angat sa akin mula sa pagkakalubog. Napasinghap ako sa biglang pagpasok ng hangin sa loob ko.
“A—ate!” Niyugyog ako ni Adi. “Don’t close your eyes!”
Binalot niya ako ng tuwalya pero nabasa lang iyon nang mahila ko ang sarili palubog muli. Pilit niya akong inaangat kahit na maging siya ay nahihila ko lanh pabalik.
“A—Adi, p—please. L—let m—me d—die. I w—want t—to d—die.”
“No!” The bathroom filled with my begging and his cries. “Ate, please. Huwag ganito. Don’t leave us this way.”
Basang-basa na ang suot niyang uniform. Pilit kong binubuksan ang mga mata pero natatalo ako ng pagbigat ng talukap ko. Nawawala na ako. Gusto kong sakalin ang sarili dahil alam kong magiging bangungot ito sa kapatid ko; ang mawala ako sa mismong bisig niya.
“I’m t—tired, Adi. I’m…” I gasp for air. “S—sorry.”
Naninikip na ang dibdib ko, hindi ko na maramdaman ang sariling katawan. Lumalabo na ng tuluyan ang paningin ko. Ang mga sigaw at hikbi ni Adi ay naging bulong na. Naramdaman ko ang panghihina ng hawak niyang pilit akong inaalis sa tub. Sigurado na akong hanggang dito nalang talaga ako nang may mainit na mga kamay ang sumakop sa akin at walang hirap akong naiangat mula sa tub.
Pilit kong minulat ang mga mata ko. “E-Elias,” bulong ko.
“Hindi ka pwedeng mamatay, Atasha.”
Kung may natitira pa akong lakas ay matatawa ako. Elias came to rescue me— not to anyone but from myself.
BINABASA MO ANG
Deception (CHURCH SIBLINGS 1)
RomanceLies. Vengeance. DECEPTION. After her traumatic experience Atasha Isabela couldn't stand to be around men. She only trust one man with her life- Elias Vladislav. But would she still trust him after she finds out the truth about his identity?