8

633 21 4
                                    

I am dying.
I don’t want to fight anymore.
I could no longer feel my body but there is something inside me that hurts so much, almost feel like I am burning from my insides.
Minulat ko ang mga mata. Mula sa nakakabulag na kadiliman ay nasilaw ako sa liwanag. Kulay berde na kisame. Nasaan ako? Ito na ba ang empyerno?
Naamoy ko ang lansa ng dugo. Ang buong silid ay binalot ng amoy na tila nabubulok.
Sinubukan kong igalaw ang aking binti, sunod ang mga kamay at katawan.
Tinutulak ko ang sarili na bumangon nang bumalik sa akin lahat. Sakit. Pagsisisi.
It is convenient to die immediately and not feel pain anymore but it would be very selfish of me. Mommy needs to hear my apologize. Dad have to know it’s not his fault— hindi siya nagkulang.
I smile faintly when memories of Elias came to me. Napakatigas ng ulo ko. Kung sana nakinig ako sa mga bilin at paalala niya.
“Don’t turn off your location, Señorita. Gawin mo lahat ng gusto mo pero huwag ang patayin ang location mo. Para iyon sa ‘yo, kapag nawala ka magiging madali sa akin na mahanap ka.”
I appreciate Elias now. If only I let him be with me. If only I told him I need him. If only I ask him to stay. This all will never happen to me.
“You don’t have to worry, Señorita. Isang tawag mo lang ay pupuntahan kita.”
“Open your location so I can track you.”
“Magpasaway ka hangga’t gusto mo pero rito lang ako sa tabi mo. I will do my job, and that’s making you safe all the time.”
Tuluyang bumalik sa akin lahat ng mga salita ni Elias. Tama siya. Tama silang lahat. Malaki na ako pero hindi ibig sabihin ay kaya ko na ang sarili ko. I should have listen more and complain less.
“Daddy, hindi ko kailangan ang Elias na ‘yon. Sapat na si Darius. Hinahatid sundo naman ako n’on palagi,” kausap ko kay daddy matapos niyang ipaalam sa akin na bibigyan niya ako ng bantay. Unang araw ng pasokan, akala ko ay magiging masaya pero isang masamang balita pala ang makukuha ko.
Elias is already in college. I am still in highschool. We’re attending the same University and I think it’s already too much. He doesn’t need to be anywhere near me.
“You can’t see Elias wandering around you, Shas. He’ll only be there if you need help. He will rescue you if you’re in trouble,” dad explained the set up.
Pumadyak ako. Kahit anong sabihin niya ayaw ko pa rin sa ideya na may nakamasid sa akin palagi. “Daddy, you promised me that there will be no more bodyguard!”
We had an agreement. I will not gonna have a boyfriend while studying, in exchange there will be no more security details for me when I reach sixteen. And that was years ago. I did my end of bargain, it’s time for him to do his, too.
“Elias is not your bodyguard. He is your company.”
“Stop sugarcoating, daddy!
Umahon siya mula sa swivel chair, umikot siya palapit sa akin. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at tinignan deretso sa mga mata na parang gustong ipaintindi pa lalo sa akin ang sitwasyon.
“Consider Elias a friend, Shas. You will need him.”
“Daddy, I don’t make friends with his kind. And fine—” I take a deep breath. I need to calm down and reason out reasonably. “—what if he’ll fall for me?”
Dad chuckle while shaking his head. “Shas, you’re so beautiful. You’re also smart but Elias won’t fall for you. Hindi niya magugustohan ang kamalditahan mo.”
Napasimangot ako.
“You are underestimating my charm, Dad.”
He ruffled my hair. “I asked him what’s his type. He answered that he wants someone who’s kind, responsible and has humor. Shas, pareho nating alam na kahit isa roon ay wala ka.”
“You’re bullying me, Dad.”
Ginulo niya ulit ang buhok ko sabay tawa ng bahagya. Tinulak ko ang kamay niya tsaka siya sinamaan ng tingin. “Daddy, ang kulit mo!”
“Don’t worry about Elias, Shas,” he is serious now. “I assure you, he won’t put interest in you. You also don’t have to deal with him. Babantayan ka lang niya mula sa malayo.”
I keep an eye on Elias as he drive to the University. I study his movements, including his mannerisms. He doesn’t talk unless asked. He is stiff. It’s like he is with me but at the same time doesn’t exist.
Sa pakikitungo niya sa akin makikita na parang siya pa ang napipilitan na makasama ako sa loob ng sasakyan. Napairap nalang talaga ako.
“Dumaan ka sa convenience store, may bibilhin ako.”
I didn’t get any response but he does what was told. Nagulat pa ako sa kanya nang kakaparada pa nga lang ay nagawa na niyang mapunta sa gawi ko para pagbuksan ako ng pinto. I didn’t even catch him getting down the car.
“Huwag kang lumapit sa akin. Ayaw kong pagkamalan na kakilala ka.”
Unang araw pa lang naiinis na ako sa kanya. Para kasi siyang aso. Isang galaw ko, nakasunod din siya. He mirrors my movement. Nahuli ko na nga siyang binabasa ng dila ang labi dahil ginawa ko rin.
What a creep.
Nakakaasar si Elias pero kalaunan ay nasasanay na rin ako sa kanya. Isa pa ay nakakapunta ako sa kung saan ko gusto, pati nagagawa ko ang mga bagay na hindi ko pwedeng gawin noon gaya ng paglabas sa gabi. Pinapayagan ako ni daddy basta kasama si Elias.
Napatalon ako sa gulat nang biglang lumitaw si Elias sa harap ko. Sanay ako sa presensya niya pero hanggang ngayon nagugulat pa rin ako kapag bigla siyang susulpot.
“What the fuck is wrong with you? Nanggugulat ka ba?” Nananahimik ako rito sa soccer field at nanunuod ng laro, hindi ko makita na kailangan ko siya ngayon.
“Señorita, nakapatay ang location mo,” seryoso at salubong ang kilay niyang salita.
Napataas ang kilay ko. Pinasadahan ko siya ng tingin. He is wearing his drill uniform. He is all sweaty and has smudges of mud on his pants but that doesn’t made him look dirty. If I’ll be honest, he looks attractive and in command.
“Hindi ko pinatay. Kailangan ko lang patayin kanina kasi sinabi ng teacher ko.”
Napatango siya. “Pwede mo na bang buksan ulit?”
I gave him a bored side eye. Nilabas ko ang cellphone, pinakita ko talaga sa kanya paano ko buksan. “Masaya ka na?”
Huminga siya ng malalim at muling tumango. “Opo, Señorita. Masaya na.”
Elias take his duties seriously. Kapag kailangan kahit hindi ko hingin ay palagi siyang dumadating. He saved me countless of times. He is always there for me. Like the one time one asshole tried to harass me.
“Get your hands off her.”
Napalunok ako ng mariin sa dilim na nakikita kong nakapalibot kay Elias. I insult him. I purposely irritate him. But I never seen him this mad.
“Sino ka ba? Nag-uusap kami ni Isabela.”
I wanted to push Anton away, or tell him to run but I am also too scared of Elias’s wrath. Kung tignan niya kasi ang lalaking nakahawak sa braso ko ay para na niya itong sinasaksak ng ilang beses.
Anton is my classmate. He asked me for prom, I said no, and he doesn’t get it. He started harassing me and here we are now.
“Umalis ka rito!” taboy ni Anton kay Elias.
Elias isn’t the type that engage in a word brawl, so I didn’t expect him to say more. But I also didn’t expect him to grab Anton on the collar. Muntik pang humiwalay ang braso ko mula sa katawan ko kung hindi lang ako nabitiwan ni Anton sabay sa pagtulak sa kanya ng malakas ni Elias sa pader.
“Kapag sinabi kong bitiwan mo—” Lalong diniin ni Elias ang braso niyang nakasakal sa dibdib ni Anton. Mahinahon ang mga salita niya pero sa bawat maliit na galaw ay nagpapahiwatig ng mga bagay pa na kaya niyang gawin. “—bitiwan mo. Nagkakaintindihan ba tayo?”
Sunod-sunod ang pagtango ni Anton, namumutla at halatang takot. Patulak siyang binitiwan ni Elias bago ako nito harapin. Ang apoy sa mga mata niya ay natupok, napalitan ng lamig.
“Are you okay, Señorita?”
Napalinga ako sa paligid. Maraming mga mata ang nakatingin sa amin. I got worried what the other students are thinking. Are they assuming I have a relationship with Elias?
I know he meant well. But with the anxiety and pressure from all the pair of eyes on us, I did something unreasonable. I slapped him.
Wala siyang pinakitang reaksyon. Mariin lang siyang napapikit at nang magmulat ay tumango lang na parang tinatanggap ang sampal na bukal sa kalooban. “Uuwi na ba tayo, Señorita o may gagawin ka pa?”
My hand form into a fist. Why isn’t he mad? I slapped him for no apparent reason.
“Ang tanga mo,” sambit ko bago siya lagpasan.
Elias always saves my ass. But everytime he does, I couldn’t explain why but it irritates me. If I tell him I want to get rid of him, he will bluntly tell me he’s only staying because it’s his duty and not because he wants to be around me. Pinapamukha niya sa akin na pasanin lang ako. Pinaparamdam niya sa akin na isa akong malaking responsibilidad at kung hindi lang dahil sa sinabi ni daddy ay hindi siya magtitiis na bantayan ako.
Bumalik ako sa realidad. Huli na para pagsisihan ko ang lahat. Wala na akong magagawa pa. Isang malaking pagkakamali na tinaboy ko si Elias.
Hinahabol ko ang paghinga nang magawa kong makaalis sa higaan. Kung may lakas lang ako ay malamang humiyaw na ako sa sakit mula sa pagbagsak ko sa lapag. Ginagapang ko ang lapag papunta sa pinto, damang dama ko sa aking kahubaran ang lamig mula sa semento. Nawawalan na ako ng pag-asa na makaligtas nang marinig ko ang ingay ng mga sasakyan mula sa labas.
Natatanaw ko na ang pinto nang maramdaman ko muli ang pagpanaw ng aking ulirat. Sinikap ko na manatiling gising. Inisip ko na kailangan kong malagpasan itong lahat. My family deserves better than finding me an already cold body.
Umagos ng tuluyan ang mga luha ko nang hindi ko na kayanin pang gumapang. Wala na. Hanggang dito nalang talaga ako. Nanlumo ako na isiping walang nakakaalam na narito ako sa loob at nakikipaglaban para manatiling gising. Sa muli ay hinayaan ko an dilim na lamunin ako pero bago pa ako tuluyang sakupin nito ay isang malakas na kalabog mula sa silid ang narinig ko na nasundan ng pagbagsak ng pinto. Malabo na ang paningin ko ngunit malinaw sa akin ang pagdating ni Elias.
“E-Elias,” pilit kong sambit sa pangalan niya. Kung mawawala man ako ay hindi na ako manghihinayang pa. Ang huling alaala ng aking mga mata ay hindi ang taong umabuso sa akin kundi ang taong kung hindi ko lang tinulak palayo ay handang protektahan ako.
Hinubad niya ang suot na jacket at binalot sa akin bago niya ako sakopin upang buhatin.
“E-Elias, n-nakita m-mo a-ako.”
Dinungaw niya ako. Naaninag ko ang kislap ng mga mata niya na parang sa wakas ay nakakita siya ng pag-asa. “I’m sorry I took time, Señorita. I’m sorry I am an imbecile.”
Hirap kong inabot ang mukha niya, napapikit siya. “T-thank y-you f-for c-coming, E-Elias.”

Deception (CHURCH SIBLINGS 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon