24

199 4 2
                                    

Napaangat ang mukha ko mula sa binabasa, sinalubong ako ng ngiti ni Elias. Yumuko siya para halikan ako sa noo. “Magpahinga ka rin.”


Napanguso ako. It’s one of the days he’s wearing a formal suit. Napatingin ako sa oras, it’s almost midnight at kakauwi niya lang. Walang sinasabi si Daddy sa pagtulog ni Elias sa kwarto ko pero alam kong may alam na ‘to, hindi rin naman namin tinatago.


“Maligo ka muna. Isang chapter nalang ako.”

Hinila niya ako patayo. Inamoy-amoy niya ang leeg ko habang hinahalikan. “Pareho nating alam na kapag hinayaan kita, ang isang chapter magiging isang buong libro.”

Pinatong ko ang isang kamay sa balikat niya, ang isa ay tinutulak siya sa dibdib palayo. Alam ko na rin kasi itong ginagawa niya. We will end up making out, at wala akong matatapos. He’s supportive but a big distraction with my review. I’ll take NMAT in a month, kailangan kong maghabol ng lessons.

“Buong araw ka sa labas, maligo ka muna.”

Umayos siya ng tayo, nakapulupot pa rin sa katawan ko ang braso niya. “Make out after?”

Napairap ako pero tumango rin.

There are times that I fell less in our relationship. There’s many attempts of making love with each other but I couldn’t last ten seconds without flinching. Lalaki siya at may pangangailangan, kahit sabihin pa niyang hindi naman iyon ang habol niya sa akin ay nasasaktan pa rin ako. I couldn’t give him a child, we can’t build a family. The least I can offer is my body pero hanggang halik lang ang kaya ko. Sa tuwing hahawakan niya ako sa kaselanan ko ay nanginginig ako.

Inaantok na ako sa inaaral ko ay hindi pa rin siya lumalabas mula sa banyo. I don’t hear the shower. I am aware he isn’t clumsy enough to have an accident inside the bathroom but it’s worth to check. Kinatok ko siya pero walang tugon, tinulak ko na pabukas ang pinto. Napakunot ang noo ko nang hindi ko siya makita sa shower, pumasok ako ng tuluyan at napabuntong hininga nalang nang makita siya sa loob ng bathtub.

He is sleeping so soundly while his naked body is soaked in a bubble bath. Umupo ako sa gilid ng tub tsaka inabot ang buhok niya para suklay-suklayin. Umungol siya ng mahina sa ginawa ko. Bumaba ako para mahalikan siya sa pisngi.

“You’ve been doing a lot, baby,” I whispered. “I love you.”

I turned on the faucet and reach for the loofah. I started scrubbing his chest. Pataas na ang kamay ko sa leeg niya nang magmulat siya. Namumungay ang mga mata niya habang pinagmamasdan ang kamay ko.

“Señorita, you don’t have to.”

“I don’t have to but I want to.” Tinapik ko ang balikat niya tsaka ako lumipat sa bandang likuran niya. “Let me scrub your back.”
Inangat ko ang night gown at umakyat sa mismong tub. Pinagparte ko ang hita para maging komportable siya sa gitna. Nababasa ang paa maging ang ibang parte ng hita ko pero hindi ko iyon alintana. Pinagtuunan ko ng pansin ang mga nakikita kong peklat sa likuran niya. Kung pwede ko lang burahin isa-isa ay gagawin ko na.


“Pwede nating ipatanggal ‘to,” tukoy ko sa mga bakas ng paghihirap niya sa kulungan.

“It’s the reminder of my mistakes,” he hummed.

Umunan siya sa isang binti ko habang nilalaro ang tuhod ko. Binabasa niya ng tubig at hinihilod gamit ang palad.

“The more we have to take it off. Tapos na iyon lahat. Kung pwede nga lang na tigilan mo na ang paghahanap kay Joaquin at hayaan nalang ang mga tauhan ni daddy roon ay mas mainam.”


Deception (CHURCH SIBLINGS 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon