Nanatili kami ni Elias sa apartelle. Siya lang ang nakakalabas at saglit lang iyon para bumili lang ng mga kailangan namin. Nababagot ako dahil kahit ang mag-usap ay hindi namin nagagawa.
He’s busy with his phone, talking with his contact in the tower. Napapairap ako habang nakikinig sa kung sinong kausap niya.
He is strictly uptight. I hate that personality of him. I am being reminded of who he really is every time he’s being that— my hired bodyguard.
But is he still just my bodyguard?
We kissed. Not only once.
Yes, we haven’t talk about it but do we really have to?
He kisses me every time he feels like the want to. Isn’t that already a sign that he climb my wall— that we already cross the line?
Padapa siyang tumalon sa tabi ko matapos ang pakikipag-usap sa telepono. Umatras ako sa pag-aakalang hahalikan na naman niya ako pero sa halip ay inabot niya ang kwentas ko.
“Ang ganda, ah. Magkano ‘to?”
Tinulak ko ang kamay niya palayo. It’s a piaget swan necklace. When I saw it online I immediately fall inlove with it. This is my favorite piece of jewelry.
“May sentimental value ba sa ‘yo ‘yan?” usisa niya lalo.
Sinamaan ko siya ng tingin. Wala siyang oras pag-usapan ang halikan na ginagawa namin pero ang kwentas ko interesado siya masyado.
“It’s worth thirty thousand dollars. Ano sa tingin mo?”
“Bigay o binili mo?”
“Yes, Elias. Binili ko kasi may pera akong pambili. If you gonna say something about my shopping habbit you better keep quiet because first, I’m not asking money from you. Second, I can affort— Elias!”
Napatakip ako sa bibig ko nang halikan niya ako. “Daming sinasabi,” natatawang sabi niya. “Ibenta natin. Kaya mo namang bumili ng mas maganda.”
“Are you nuts?” Napabangon ako, ganoon din siya.
“Wala na tayong pera.”
“Ano?”
I was born swimming with golds and diamonds. Money were never an issue. Tapos sasabihin niyang wala na kaming pera?
“Naubos na lahat ng pera meron ako. Huling pera na ang binayad ko sa apartelle kanina. Bumili rin ako ng damit mo, mga gusto mong pagkain ang mamahal pa.”
“Withdraw then.”
“Señorita, hindi naman pwedeng pumunta ako sa bangko para kumuha lang ng pera. Una, wala akong card. Pangalawa, nasa Bulgaria tayo, lahat ng transaction natin pwedeng ikapahamak nating dalawa.”
“Gumawa ka ng paraan. Sell something else. This is limited edition.”
“Kung may pwede akong ibenta maliban sa kwentas mo, katawan—
“What the fuck, Elias!”
Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Sinabi niya bang katawan?
Is he really willing to sell his body for a money? Is he messing with me?
“Katawan ko nalang—
“Ah!” Hinampas ko siya para patahimikin. Masama ang loob kong hinubad ang kwentas para ibigay sa kanya. "Ibabawas ‘yan sa sahod mo, sasabihin ko kay daddy.”
He playfully gasp.
“Kung sisingilin ko lang ng tama ang sahod ko, sa hirap mong bantayan mayaman na ako.”
“Anong sinabi mo?”
“Wala, sabi ko sige lang, kung saan ka sasaya.”
-
Elias brought me to a diner after he sells my necklace for only four hundred dollars. Four hundred dollars!
Nakakapanghina. Nakakasama ng loob.
“Huwag ka na magsungit. Bibilhan kita ng mas maganda kapag yumaman na ako.”
“It has a swan pendant! I love Swans!”
Kinagat niya ang labi para hindi matawa. Hinawi niya ako padikit sa kanya para mahalikan ako sa ulo. “Oo, bibili tayo ng maraming swan kapag mayaman na ako.”
Tinulak ko siya palayo. Naaasiwa ako sa kanya. Nakakairita siya.
Paupo na ako sa tabi ng bintana nang hilahin niya ako malapit sa counter kung saan tago ang mesa. Lalo akong nainis. Gusto ko sa tabi ng bintana! Nang makipagtalo ako ay tinapon niya lang sa pagmumukha ko ang proper protocol at safety measures.
Masama ang tingin ko sa kanya habang umu-order siya ng pagkain. He get one bacon cheeseburger and a large soda for him, while pancake and pineapple juice for me. Umupo siya sa harap ko at hindi sa tabi, gusto ko na namang punain pero nanahimik nalang ako dahil alam ko na ang sasabihin niya.
Nang dumating ang order namin ay nilapit niya sa kanya ang pagkain ko. Hiniwa niya sa maliliit ang pancake ko. Ginagawa niya akong baldado tapos magtatanong bakit lahat inaasa ko sa kanya?
“Ayan—” tinulak niya ang plato papunta sa akin. “Hindi ka na mabubulonan.”
“Mukha ba akong sanggol?”
“Yes, baby,” walang kaabog-abog na tugon niya, sinimulan ng kainin ang pagkain niya.
“Niloloko mo ba ako?”
Tinulak ko siya sa balikat. Taka niya akong binalingan. Napahawak pa siya sa balikat na akala mo talaga malakas ang ginawa ko.
“Ano na namang nagawa ko?”
“You called me baby,” I hissed.
He chuckled. “You’re assuming.”
“I know what I heard. You said yes baby.”
Binaba niya ang pagkain. Tinignan niya ako na puno ng pagkamangha. “Anong sinabi ko?”
“Y—yes, b—baby.”
“Hmmm. So, what’s wrong with the—” he clear his throat by drinking his soda. “—baby?”
What the hell!
Oo nga naman, Atasha Isabela anong mali? Gosh! Marami!
Why would he call me that? Ano ba kami?
Uminit sa kinauupuan ko, hindi ako mapakali. Napapaypay na sa sarili gamit ang kamay. Lalo akong hindi mapakali dahil sa tingin niyang parang hinahamon akong tanongin sa kanya kung bakit niya ako tatawagin ng ganoon.
“Y—you’re c—crazy.”
Binasa niya ang labi, sabay kagat sa pang-ibaba. Nanunukso siya!
“Nagtanong ka sa akin kung ano ka sanggol kaya sagot ko Oo. Bakit ka namumula?”
Para na akong mapapaso sa pisngi. He lay a trap right on my face and I gladly jumped on it. “S—stop looking at me!”
He tilt his head like a kid being mesmerized by his favorite toy. “Why?”
“You know why!”
Nagmadali akong tumayo para tumakbo papunta sa banyo. Sapo ko ang dibdib nang maisara ko ang pinto.
This is bad! We can’t continue flirting like this while our lives are still on the line. We need to focus on how to survive. I am only distracting him with his plans.
Napatalon ako sa gulat nang paglabas ko sa pinto ay nasa harapan ko na siya. Wala na ang mapaglarong titig niya, seryoso na siya.
“Kailangan na nating umalis.”
Hinuli niya ang palapulsohan ko tsaka niya ako hinila palabas ng fire exit. Nalilito man ay sumunod lang ako.
Namilog ang mga mata ko sa tuwa nang makalabas kami ay naghihintay na sa amin si Simon at Gregory. Sinugod ko ng yakap ang kapatid ko. Nakonsensya ako na isiping hindi siya sumagi sa isip ko nitong mga nakaraang araw. Naging payapa ako habang kasama si Elias.
“Are you okay? Tinamaan ka ba ng bala? Kumain ka na? Saan kayo—
“Ate, okay lang ako,” awat ni Simon.
Hindi pa rin ako kumbinsido. Inikot-ikot ko si Simon para masigurong maayos lang siya.
Pinulupot ni Elias ang braso sa katawan ko para hilahin ako palayo. Binalingan ko siya ng masamang tingin.
“Can’t you see I’m checking my brother?”
“Please, calm down.” Pinatong niya ang likuran ng palad sa noo ko. “Mainit na kaagad ang ulo mo.”
Binigyan niya ako ng oras kay Simon habang sila ni Gregory ay bumuo ng plano.
We’re no longer safe in Bulgaria. Nagkalat na ang mga tauhan ni Darius sa buong siudad. Marami na rin ang nalagas sa tauhan ni daddy at ang ilan ay bumalik na ng Romania para tumulong sa paglilinis sa pinsala na natamo sa tower. Ang plano ay kailangan lang naming tumawid sa border at magpatuloy papuntang Constanta kung nasaan naghihintay sina daddy.
“Señorita, kailangan mo akong bitiwan.”
Sa halip na bitiwan siya para makaupo sa harap katabi ni Gregory na siyang unang magmamaneho ay hinigpitan ko ang hawak sa braso ni Elias. Napahugot siya ng malalim na paghinga nang hilahin ko ang laylayan ng damit niya. Nasa loob na ako ng kotse, sa may likuran habang siya sa labas at inaambang isara ang pinto para sa akin.
“What do you need?”
“Sit beside me.”
Napakurap siya ng ilang beses tila hindi mapaniwalaan ang hiling ko.
“Pagbigyan mo na!” malakas na sabi ni Gregory na nagputol ng naninimbang na titig ni Elias. “Para makauwi na tayo.”
“Ako na sa harap,” si Simon na bumaba na para lumipat.
Umusog ako sa kaninang kinauupuan ni Simon. When Elias is settled, Gregory started driving.
“I feel safer if you’re beside me.”
Hindi siya umimik. Sumandal lang siya sa upuan sabay krus ng mga braso at pikit ng mga mata. Suplado, ah.
Buong byahe ay ang kayabangan ni Gregory ang naging musika sa loob ng sasakyan. Pinapalabas niya na para siyang superhero. I don’t find his stories cool.
“Elias is way, way cooler,” I cut Gregory off. “He exchanged gunshot while driving a car. He’s accurate with firing. He doesn’t miss a shot.”
Tinapunan ko ng sulyap si Elias, nahuli ko ang multo ng ngiti sa labi niya. Gusto niya palang niyayabang, ha.
“Iba naman kasi ‘yan si Elias, Señorita. May kasamang pagmama—
“Bud,” Elias called him out with warning. “Magmaneho ka nalang.”
Gregory focuses on the wheel and never talks again. Nakatulog si Simon. Sobrang tahimik na namin na nakaramdam ako ng pagkabagot. Sinundot ko sa mukha si Elias, nang hindi siya nagmulat ay nilaro ko ang tenga niya. Napabuntong hininga siyang napamulat, tamad niya akong binalingan ng tingin.
“Bored.”
“Anong gagawin ko?”
“Ewan ko!”
“Atasha,” may pagbabanta niyang tawag. “Hindi ako manghuhula. Kung may gusto kang gawin ko, sabihin mo.”
He started lecturing me of being a hard work. Para lang akong bata na nakasunod sa bawat bigkas niya. Napaupo ako ng matino nang sa kalagitnaan ng mga sinasabi niya ay may napagtanto ako.
I can’t be wrong. I know my feelings. I know myself. I don’t know when and how this all started but I am sure. I am on the edge for Elias Vladislav.
“You’re scolding me.”
“Yes, I am. Problem with that?”
I can’t let him have a control over me. It scares me.
Tinalikuran ko siya pero iba yata ang pagkakaintindi niya sa pagtago ko ng takot. Pinulupot niya ang isang braso sa katawan ko, ang mukha niya ay nilubog sa batok ko.
“Alright, I’m sorry for scolding you,” he whispered. “Hindi na. Bati na tayo.”
Nanatili akong walang imik, pinipigilan na sumabog ang natitirang katinuan ko.
“Elias!” napatili ako nang walang kahirap-hirap niya akong naiupo patagilid sa kandungan niya. “Isa! Bitaw!”
Pinatong niya ang baba sa balikat ko, sinisilip ang mukha ko. “Boring, ‘di ba? There. You’re on top of me, this isn’t boring anymore.”
I found his words sensual. So inappropriate knowing that someone is with us.
“B—bastos!”
“Walang bastos dito. We already kiss—
“Shut up!” I stopped him before Simon hears him.
He kiss me on the neck like he it’s a normal thing between us. I push him to let me scoot away. He puckered his lips like he didn’t like being away.
“Isusumbong na kita kay daddy.”
“I’ll deny it.”
“You are a bad person.”
His face darkened. “What if I am?”
I gasped.
It took seconds to collect my thinking.
What does he mean by what if he is?
I have a massive trust issue right now because of all the betrayal that happened. If he’s going to be one of them, he’ll break me into million pieces without even lifting a finger. His betrayal would be the last straw of my sanity.
“Natatakot ka na ba sa akin, Señorita?”
Naglaban ang titig namin. Paulit-ulit kong tinanong ang sarili kung takot ba ako kapag naging masamang tao siya.
Ang sagot? Hindi. Takot ako na baka hindi siya totoo sa akin pero kung ang ibig niyang sabihin sa pagiging masama ay may papatayin siya sa harap ko— inosente o hindi… hindi ako matatakot sa kanya. Pilit kong intindihin ang magiging dahilan niya.
“May balak ka bang saktan o paglaruan ako?”
Lumambot ang mga titig niya. “If I am a monster, I’ll still offer my life protecting you. Even if it means I have to kill myself.”
BINABASA MO ANG
Deception (CHURCH SIBLINGS 1)
RomanceLies. Vengeance. DECEPTION. After her traumatic experience Atasha Isabela couldn't stand to be around men. She only trust one man with her life- Elias Vladislav. But would she still trust him after she finds out the truth about his identity?