ELIAS
I am a failure. I am not good with what I do. I don’t deserve the trust that I get from Sir Samuel.
Tama si Atasha sa lahat ng sinabi niya sa akin noon. Palpak ako, hindi ko siya kayang protektahan. Lahat ng pang-iinsulto na nakuha ko sa kanya noon ay sinasampal ako ngayon.
Muntik ng mawala sa akin si Atasha. Nalingat lang ako. Nakampante na maayos siya dahil nasa bahay lang naman siya. Ilang beses kong inumpog ang ulo sa pader, kung pwede ko nga lang barilin ang sarili ay nagawa ko na.
I should haven’t left her alone. I already know she’s unstable. Sana hinayaan ko na si Gregory at ang ibang tauhan na bumalik sa University. Sana nanatili ako sa tabi niya kahit na sigawan niya ako at itaboy.
Ano na lang ang nangyari kung hindi dumating si Adiel? Mauuna pa yata akong mabaliw sa pamilya niya kapag namatay siya sa ganoong paraan.
“I’m sorry, Sir. It was my fault.”
Kung papalayasin ako ni Sir Samuel ay maiintindihan ko. Pinagkatiwala niya sa akin si Atasha pero dalawang beses ko na siyang binigo.
“Kanino galing ang mga pills na ‘yon, Elias?”
Iling lang ang tanging tugon ko. Wala akong ideya sa kung paano pa nagkaroon ng ganoon si Atasha samantalang kinuha ko na sa kanya ang binigay ni Joaquin. O baka may mga nauna pa?
Nandilim ang paningin ko. Kung mahuli ko lang ang Joaquin na ‘yon ay sisiguradohin ko na pagsisisihan niya na nilapatan niya kahit ang dulo ng buhok ni Atasha, hihiling siya ng awa at hindi ko iyon ibibigay.
Nagsalin ng alak sa kopita si Sir Samuel. Lalo akong napayuko, handa ng tanggapin ang galit niya.
“Pinili ni Isabela ang madaling daan para matapos ang lahat.” Inisang inom niya ang laman ng kopita at muling nagsalin ng alak. “Ipapadala ko na siya sa Romania. Mas mababantayan siya roon.”
Nanikip ang dibdib ko. Para niya na ring sinasabing palpak talaga ako at nagkamali siyang pagkatiwalaan ako.
“May hihilingin ako sa ‘yo, Elias.”
Napatayo ako ng tuwid. Kahit ano pang utos niya ay gagawin ko, ngayon ay tama na at walang lugar para pumalpak.
“Ano po ‘yon, Sir.”
“Hanapin mo ang Joaquin na ‘yon, patayin mo siya at dalhin sa akin ang ulo niya.”
Panibagong responsibilidad. Nang atasan niya ako sa pagbantay kay Señorita ay pinangako konsa sarili ko na gagawin ko ng tama at walang lugar ang pagkakamali, hindi ako naging matagumpay. Ngunit ngayon, hindi ko na sasayangin ang tiwala niya.
-
Alerto at handa ang lahat ng tauhan sa mansyon sa araw na nakatakdang umalis si Señorita. Ayaw kong isipin niya na kaya ako hindi sasama sa pag-alis niya ay dahil nagsasawa na ako kaya kumuha ako ng pagkakataon na makausap siya kahit saglit.
“Señorita, pasensya.” Napakamot ako sa batok ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng hiya na makaharap siya.
Umangat ang tingin niya sa akin. Ngumiti man ay kitang-kita pa rin ang lungkot at pagod sa kanya. Kung pwede ko lang kunin lahat ng bigat sa loob niya ay walang kurap kong gagawin.
Ilang araw lang siyang nanatili sa ospital ngunit halata ang pagbagsak ng katawan niya. Lalo siyang pumayat na dahilan para lumalim ang mga mata niya. Ang dating matatalim na titig niya ay napalitan ng lungkot. Bumaba ang tingin ko sa mga labi niya. Dati ay mapupula at nang-iimbita na halikan pero ngayon ay para bang napagkaitan siya ng tubig.
“Hindi ka sasama?” naninimbang niyang tanong. Kinukurot ang puso ko sa boses niyang walang lakas, mas gugustohin kong bulyawan nalang niya.
“Hindi pa ako pwedeng sumama. Pero huwag kang mag-alala kapag pwede na ay hindi ako mag-aaksaya ng oras at lilipad na kaagad para masamahan ka.”
Tumango siya at muling ngumiti. Kung sana nababasa ko ang iniisip niya ay ibibigay ko lahat ng hinihiling niya kahit pa maubos ako o kapalit man ang buhay ko.
“Hahanapin mo ba siya?” Hindi niya kailangang magbanggit ng pangalan, pareho naming kilala ang tinutukoy niya.
“Oo, Señorita. Kaya huwag kang mag-alala. You’re safe in Romania, hindi mo na kailangang matakot pa. Buburahin ko siya sa mundo para kahit kailan ay hindi na siya makakalapit muli sa ‘yo.”
Napaiwas siya ng tingin dahilan para mapaisip ako.
Minahal ba talaga niya si Joaquin? Kung oo, mahal pa rin ba niya ito sa kabila ng nagawa nito? Masakit ba sa kanya na malamang kailangan nitong mawala para mabuhay siya na malaya sa takot? Masakit ba para sa kanya na hindi na sila pwedeng magsama?
“Señorita, kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya sa ‘yo,” pagpapaintindi ko. “Sinira niya ang buhay mo. Kung naging tunay siya sa nararamdaman sa ‘yo ay hindi niya makakayang lapatan ka ng kamay.”
Umangat ang tingin niya sa akin. Umahon siya sa pagkakaupo, kahit ganoon ay kinailangan ko pa ring yumuko upang magpantay ang tingin namin. Humakbang siya para mas lumalit sa akin. Kahit na gusto kong umatras ay nanatili ako sa kinatatayuan, inaantay lang na gawin niya ang gusto.
“I don’t care how you do it, Elias. But I want you to torture him.” Her eyes turn bloodshot with fire of anger playing on it. “Make him beg and scream. Durugin mo siya gaya ng ginawa niya sa akin. Iganti mo ako, Elias.”
She is full of rage not only for Joaquin, but also with herself. She hates herself as much as she hates the one who ruined her. She’s easy to read. She wants the asshole gone, but she also wishes to die.
“Asahan—
Napatigil ako nang bigla niya sakupin sa mga palad niya ang mukha ko. Napalunok ako nang hilahin niya ako pababa at halikan ng mariin sa gilid ng mga labi. “Sundan mo ako sa Romania. Kailangan kita roon, maghihintay ako,” mahinang salita niya bago umatras palayo.
Hindi ko maipaliwanag ang bigat ng nararamdaman ko habang sinusundan ng tingin ang kotse na magdadala kay Señorita sa airport. Napabuntong hininga ako nang tuluyan na itong nakalabas ng gate.
“Iiyak ka, Bud? Gusto mo ng panyo?” tukso ni Gregory na nasa tabi ko at nakatingin din sa lumalabas na mga sasakyan.
“Gago.”
Humagalpak siya ng tawa nang iwanan ko siya sa bukana ng garahe. Ayaw niyang bitiwan ang kahibangan ng utak niya. Panay akusa siya na may gusto ako kay Atasha. Ako pa talaga ang inisipan niya ng ganoon? Patayin niya nalang ako kapag nangyari nga.
I will never put interest on Señorita Atasha Isabela. Maganda siya, oo. Pero hindi ang kagaya niya ang gugustohin ko. Masyado siyang sobra para sa akin. Sobra sa kamalditahan at sama ng ugali. Papahirapan niya lang ako at dudurogin ng pinong-pino.
I want my woman to be kind-hearted, sweet and like a baby who enjoys getting treated like a Princess. Gusto ko rin ng malambing, doon pa lang ay tagilid na si Señorita. Siya ang tipo ng tao na palapit ka pa lang ay nakasimangot na siya. She doesn’t appreciate act of services. Masyado niyang pinapatunayan na kaya niya ang sarili niya.
-
Wala kaming sinayang na oras matapos masiguro na nakarating ng maayos si Señorita sa Romania. Kaagad kaming gumalaw ni Gregory para mag-imbestiga kung saan mahahanap si Joaquin.
Nakipag-ugnayan na si Sir Samuel sa militar pero ibang hustisya ang hanap ko. They seek for legal justice while I seek for fair justice. Ipaparanas ko sa Joaquin na iyon lahat ng paghihirap ni Señorita na hihilingin nalang din niya na patayin nalang siya.
I instruct Gregory to do profiling. Joaquin is living like a professional criminal. No friends or family. We searched for his elementary and high school classmates but unfortunately it seems like he was homeschooled. He has no early education record. Lahat ng kaklase niya sa kolehiyo at medical school ay pare-pareho ng sinasabi; tahimik siya at misteryoso. Walang nakakaalam ng buhay niya sa labas ng Unibersidad.
“Serial rapist pa yata ang gago,” ipinaglagay ni Gregory nang wala talaga kaming mahanap na personal na impormasyon tungkol kay Joaquin.
“Tatapusin ko siya. Tutal ay para namang wala siya sa mundo ay tutohanin ko na lang.”
Napalintak siya. “Putanginang pag-ibig talaga. Kayang pumatay.”
Tinulak ko ang ulo niya. “Tigilan mo nga ‘yan bago ka pa marinig ni Sir Samuel. Trabaho natin ‘to, alangan naman hulihin lang natin at pakawalan.”
Mapanukso niya akong tinapunan ng tingin. “Oo nga at trabaho natin ‘to pero wala akong gigil ng kagaya sa ‘yo. Personal ang atake mo, eh. Handang mamatay at pumatay. Tipong hindi mo iiwasan ang bala para mapatay mo lang siya.”
Kesa patulan siya ay binuksan ko ang laptop ko para muling aralin ang CCTV malapit sa dating apartment ni Joaquin, hindi manlang nahagip ng camera ang kotse ng gago kahit minsan. Alam na alam niya kung saan dadaan.
“Swerte ni Señorita, bihag na bihag ka sa kanya.”
“Isa pa talaga,” banta ko na. “Sabing wala akong gusto sa kanya o pagmamahal. Ginagawa ko lang ang trabaho ko.”
Napasilip siya sa laptop. “Papanindigan mo talaga, Bud? Hindi ka talaga nabihag?”
Sinamaan ko siya ng tingin sa paraan ng ngisi niya na halatang walang magandang gagawin. May pinindot siya sa laptop dahilan para masara ang pinapanuod ko at bumalik sa homepage. Bumalandra sa mukha namin ang display picture ko.
“Hindi ka nabihag, eh, ano ‘to?” turo niya sa bulto ni Señorita na nahagip sa picture.
“Maganda ang sunset diyan, kasalanan ko bang tumayo siya diyan? It’s just her silhouette.”
“Silhouette muna kasi todo tanggi ka pa, kapag nakaamin ka na mukha na niya ang nandiyan. Tataya talaga ako.”
“Tumaya ka hanggang sa mamuti mga mata mo.”
Si Gregory ang inatasan ko na magtanong-tanong sa mga nakasalamuha ni Joaquin. Siya naman ang magaling makipagdaldalan, nababagay lang sa kanya ang misyon. Habang ako naman ay nakababad sa social media para hanapin kung may bakas ba ni Joaquin. Sinubukan ko na gumamit ng photo finder pero parang nakatira sa kweba ang kriminal na ‘yon. Napailing akong isipin na pareho kaming nakampante ni Señorita. Nagtiwala ako sa husga niya, samantalang siya na babad palagi sa social media ay hindi manlang naitanong sa boyfriend niya kung bakit kahit isang social media account ay wala ito.
I expected that she would love getting flexed. Pero mukhang hindi ganoon. Nang magsawa ako sa paghahanap kay Joaquin ay binisita ko naman ang profile ni Señorita. Napataas ang kilay ko sa nakalagay sa bio niya.
You can’t afford me.
Can’t afford, huh? Magkano ba? Lahat naman napag-iiponan.
Tsk. Pero bakit ba niya nilalagyan ng presyo ang sarili? Hindi ba niya alam na ang kagaya niya ay walang katumbas na pera o materyal na bagay?
Nakailang buga ako ng hangin sa nakikita ko sa profile niya. She’s inactive for almost a year now. Wala siyang bagong upload. Halos kalahati ng nasa feed niya ay naka-bikini siya. Sa dami ng mga damit na pinapamili niya ay parang mas gusto niyang maghubad nalang. Ano ba ang gusto niyang patunayan? Sino ba ang pinapakitaan niya ng katawan?
Teka nga. Ano bang pakialam ko?
Naalis ang atensyon ko sa pagtingin sa profile ni Señorita nang tumawag si Gregory. Nagmadali akong puntahan siya nang ibalita niyang nahanap niya ang supplier ni Joaquin sa droga. Pinuntahan namin ang drug den nito, inabutan naming may pot session. Nagtakbohan ang mga nandoon marahil sa pag-aakala na awtoridad kami. Mabuti nalang at nahuli namin ang sadya sa lugar.
“Kailangan ko lang ng impormasyon,” kalmado pa ako kahit na nauubosan na ako ng pasensya. “Ibigay mo sa akin para wala ng gulo.”
“Wala— putangina!” napahiyaw siya sa sakit nang walang pag-atubiling hampasin siya ni Gregory ng plastic na upuan sa mukha.
“Alam mo, boss—” hinawakan siya ni Gregory sa buhok para hilahin patingala. “Masakit na ‘yang ginawa ko pero huwag mong hintayin na ang kasama ko ang manakit sa ‘yo. Babalatan ka niyan ng buhay. Kaya kung ako sa ‘yo, kumanta ka na habang gusto pa naming makinig.”
Napatingin ito sa akin, marahil iniisip kung gagawin ko ba talaga ang sinabi ni Gregory. “Wala—
Natigilan siya nang humugot ako ng malalim na paghinga para ipaalam sa kanya na wala na akong natitirang pasensya. Hilot ang sintido ay lumapit ako sa kanila. Binitiwan siya ni Gregory nang hawakan ko siya sa balikat at diniin sa upuan.
“Pwede kitang barilin sa ulo at hanapin nalang ulit ang demonyong ‘yon pero hindi naman masaya ang ganoon. Pahirapan kaya muna kita?”
Nilahad ko ang palad kay Gregory na kaagad akong inabutan ng basag na bote ng beer.
Napahiyaw sa sakit ang drug dealer nang saksakin ko siya sa balikat gamit ang bote. “Saan ko makikita si Joaquin?” Ginalaw ko ang bote, hiniwa siya pababa sa braso. “Sa susunod na ulitin ko ang tanong ko dudukotin ko ang mata mo at ipapakain sa ‘yo.”
“S—sasabihin ko na!” sigaw niya.
Napangisi ako. Madali naman palang kausap. Hinugot ko ang bote na nakatarak pa rin sa laman niya bago ko nilingon si Gregory. Tinanguan ko siya, senyales na ipagpatuloy niya ang pakikipag-usap sa drug dealer.
Nauna akong lumabas papunta sa sasakyan. Pagpasok ko sa sasakyan ay nilinis ko kaagad ang dugo na tumalsik sa kamay ko. Natawa ako sa sarili. Tignan mo nga naman ang mga bagay na kaya kong gawin para kay Señorita, kahit sarili ko ay maniwala.
BINABASA MO ANG
Deception (CHURCH SIBLINGS 1)
RomanceLies. Vengeance. DECEPTION. After her traumatic experience Atasha Isabela couldn't stand to be around men. She only trust one man with her life- Elias Vladislav. But would she still trust him after she finds out the truth about his identity?