My handcuffs were removed and I was ushered into a prison cell. There were no trial, they couldn’t even get a hold of my identity. I refuse to cooperate with them. I am buying the Church’s time to clean the mess before the Bulgarian authority verify my connection with them.
A prison guard give me a pillow, a blanket and a cushion— or at least they were supposed to be. The blanket was the best of all, it’s small but not stinky and stained with black and brown. He shove it to me that made me take a step back. My body is still sore with all the happenings. I haven’t had a proper rest since the arrest— they put me under interrogation in a whole week.
The cell was a sealed room with a thick metal door. Maliit lang ang kwarto, mas maliit sa kwarto namin ni Gregory sa station sa manor. Inikot ko ang tingin sa kabuohan ng silid; dalawang bunk bed, isang mesa— maduming lababo at mula sa kinatatayuan ko ay amoy ko ang dumi na hindi nalinis sa palikuran.
Nang maisara ng gwardya ang pinto sa likuran ko ay nagkatinginan kami ng nag-iisang preso sa loob. I never been in jail before, but with the looks of him I immediately know that I have to be on his good side.
I greeted him in english, he only look at me like a wolf ready to bite. I can fight, but I don’t think I stand a chance with a broken limb and still fresh wounds from gunshots. I walk to the other side of the room in caution. Nakatalikod ako sa kanya habang inaayos ang higaan pero pinakiramdaman ko pa rin ang galaw niya. I can’t trust someone this early here.
I squinted my eyes in anticipation when he cleared his throat. I move with calculation, facing him.
“I’m Elias,” I introduced myself, extending my hand.
He looks at it for a good minute. He didn’t take my hand but greeted me in Russian. It wasn’t hard making it on the good side of my prison mate. He also has a Romanian roots, that was our common denominator. He introduced me with people inside and whether I want it or not, I also got involve in a prison war.
-
I dodge before a punch lands on my face. Hinatak ko ang kwelyo ng sumugod sa akin tsaka siya tinulak sa pader at sinuntok deretso sa mukha.
There’s another riot again today. This became a normal thing now. My plan was to serve my years in peace but it isn’t a choice here— I need to fight to survive. I need to chose sides, makes allies.
Binitiwan ko ang sinusuntok ko nang makita ko mula sa gilid ng mata ang isa na handa akong saksakin, pero bago pa niya ako malapitan ay nasipa ko na siya patapon sa mga kasama niyang handa ring sumugod.
Dumugo na ang kamao ko at may mga natamo na ring tama sa mukha nang tumunog ang alarm na nasundan ng pagpasok ng mga gwardya. Ang ilan ay nagpatuloy sa pakikipag-away, ngunit ang nakararami ay nagtaas na ng kamay. Nakaluhod na ako at ang dalawang kamay ay nasa likuran ng ulo pero nang lapitan ako ng isang gwardya ay hinataw pa niya ako ng baril sa mukha dahilan para kaagad akong mawalan ng malay.
I woke up getting electrified. My body is in pain while the guards torture me. I saw a man in black suit, he started asking me questions about the crossfire— about the syndicate they think I belong to. They torture me in every question I refuse to answer. After that day my life became a living hell. They wake me up with torture. They carve lines allover my body using a Hunter’s knife, they will electrify and drown me. They did everything they could to get answers they think I have.
“Good morning, Elias Vladislav. I am Markus Carpio. Pinadala ako ni Sir Samuel Church para ilabas ka rito.”
Napatingin ako sa kamay niyang nakalahad sa harap ko. Sa higit isang taon ko sa loob ng kulongan ay ngayon lang ako nagkaroon ng bisita. I refuse to call for help in worry that the Church’s will going to get involve or worst the authority will raise a case against them. Ilang beses akong tinanong sa connection ko kay Sir Samuel dahil sa nakilala ang labi ng mga tauhan niya pero kahit na halos malagotan ako ng hininga ay tinanggi ko na kilala ko siya.
“I will help you transfer to Romania.”
Help. I heard that before.
“You probably don’t trust me—
“I don’t trust you.” This could be a scheme for me to finally voice out.
“I understand.”
Sinenyasan niya ang gwardya na nasa likuran niya. May salamin sa pagitan namin at kailangan pa ng telepono upang makapag-usap kaya umikot pa ang gwardya para maibigay sa akin ang pinaabot ng bisita ko. May pagdududa kong tinignan ang keypad cellphone.
“Dial 1.”
May pag-alinlangan man ay sinunod ko siya. Isang ring pa lang ay nasagot na ang tawag.
“Elias.”
“Papa?”
“Makinig ka sa sasabihin ni Markus. Tauhan siya ni Sir Samuel,” salita ni Papa na parang nakaabang na talaga siya sa tawag.
“Pa, kumusta si Señorita? Anong lagay niya?” Sa mga araw na nilagi ko rito ay wala akong inisip kundi ang kalagayan ni Señorita, hindi ako makatulog sa gabi sa alaala ng mga mata niyang nagmamakaawa na huwag ko siyang iwan.
“Tapos na, Elias. Isipin mo nalang ang sarili mo.”
“Anong tapos na, Pa? Napakasimple ng tanong ko. Kumusta ang lagay niya?”
Sa mga napagdaanan ko rito sa loob ay ngayon ko lang naramdaman na para akong sasabog sa tindi ng emosyon at paghihirap. Kaonting inspirasyon lang naman para magpatuloy sa laban ang hinihingi ko.
“Mag-usap nalang ulit tayo sa pag-uwi mo, Elias.”
Natapon ko ang cellphone nang mamatay ang tawag.
Buo kong iniwan si Señorita. Wala siyang sugat o tama ng bala. Kahit hanggang sa hukay ay hindi ko mapapatawad ang sarili kung may nangyaring masama sa kanya.
Mabilis ang naging proseso ng paglipat ko mula Bulgaria patungo sa Romania. Tatlong araw lang mula nang dalawin ako ni Markus. Ilang linggo lang ang pananatili ko sa kulongan sa Romania at tuluyan na akong nakalabas.
Mismong si Sir Samuel kasama si Gregory ang sumundo sa akin sa labas ng kulongan. Malamig ang pakikitungo niya sa akin nang magkaharap kami. Marami na kaagad na masamang bagay ang inasahan ko na mababalitaan mula sa kanya.
“Sir, humihingi ako ng paumanhin sa hindi pagtupad sa napag-usapan nating dalawa. Sinubukan kong hulihin si Joaquin pero siya mismo ang kumitil ng sarili niyang buhay.”
“Ang mahalaga ay patay na siya,” walang emosyon na tugon niya.
Napalunok ako nang abutan niya ako ng envelope. Nang buksan ko iyon ay binagsakan ako ng langit. He is giving me my passport, a plane ticket and cheque that wouldn’t be spent all even if I have a five lifetime.
“I had you investigated, Elias. I had everyone investigated. Background checked. Down to your ancestors.”
My heart stopped. He now knows.
“I am loyal to you and your family, Sir. I will and never thought of harming your daughter. Kaya kong ibigay maging ang buhay ko para sa kapakanan niya.”
“Alam ko na naging tapat ka kagaya ni Elesio na siyang nagpalaki sa ‘yo, Elias.”
“Then why are you firing me, Sir?”
Tinaya ko ang buhay ko. Naging tikom ang bibig ko tungkol sa kanya habang nasa kulongan pa ako. Napatunayan ko ang sarili. Bakit niya ako tatanggalin sa tungkolin ko?
“I will not going wait for the time that you’ll going to betray me.”
“Sir—
“Malaking halaga ang sinulat ko para sa ‘yo. Sapat na kabayaran na iyan sa lahat ng nagawa mo para kay Isabela at sa pamilya namin.”
Walang kurap kong pinunit ang tseke. “Kahit minsan ay wala akong hininging kapalit mula sa inyo, Sir. Pinili kong gawing tungkolin at responsibilidad si Señorita, hindi niyo pwedeng basta nalang ipagkait sa akin iyon ngayon.”
Taliwas sa alam ni Señorita ay wala akong natatanggap na sahod mula sa ama niya. Nang marinig ko mula sa usapan ni Papa at Sir Samuel ang hirap sa pagbabantay sa kanya ay inalok ko ang serbisyo ko— libre at walang kapalit.
Yes, their family is also generous with ours but I never took even a single penny from them. Kinailangang ko lang tanggapin ang scholarship sa Palm’s para mabantayan siya ng mabuti. Iyon lang ‘yon. Kahit minsan ay hindi ako nasilaw sa pera.
“Ayaw mo akong kalaban, Elias. Tanggapin mo man o hindi ang pera ay ayaw ko ng makita ang pagmumukha mo malapit sa pamilya ko lalo na kay Isabela.”
-
Sapilitan akong pinatapon ni Sir Samuel pabalik sa Pilipinas. Marami siyang mata sa Romania kaya kahit ang bumalik ay hindi ko na magawa pa. Napilitan akong umuwi sa Antique kung saan na nakatira ang mga magulang at pamilya ko.
“Diyos ko, Elias. Inakala namin ay namatay ka na.”
Mahigpit akong niyakap ni Mama Celeste. “Kawawa ka naman, anak tignan mo ang itsura mo. Pinahirapan ka ba nila sa kulongan?”
“Hindi po, Mama,” pagsisinungaling ko. “Maayos lang ako.”
“Anong maayos? Nakulong ka, Elias! Sa lahat ng kasamahan niyo ay ikaw lang ang nakulong.” Galit niyang binalingan si Papa.
“Sinabi ko na sa ‘yo, Elesio na huwag mong idamay si Elias sa trababo mo! Maraming kalaban ang mga pinagsisilbihan mo pero hindi ka nakinig!”
“Mama, walang kasalanan si Papa. Ako po ang may gusto.”
“Tignan mo anong nangyari?” Naghihimutok at sinawalang bahala ni Mama ang mga salita ko. “Hinayaan lang nilang makulong si Elias ng taon! Wala silang ginawa. Pinagbigyan kita sa kagustohan mong matuto si Elias na ipagtanggol ang sarili at humawak ng baril pero hindi ko binigyan ng permiso na itong nalalagay siya sa kapahamakan!”
“Mama, huminahon po kayo,” awat ko. Nilayo ko siya kay Papa na sinasaktan na niya. “Tinanggal na rin naman ako ni Sir Samuel kaya wala ka ng dapat ipag-alala.”
Binalingan nila akong dalawa. Nalusaw ang galit sa mga mata ni Mama at tinanaw ako na parang naaawa siya.
“Huwag mo ng sisihin si Papa, Ma. Masakit sa akin na maalis kaming dalawa sa paninilbihan sa mga Church, pero alam kong mas masakit ito kay Papa.”
Buong buhay ng tatay ko ay inalay niya upang pagsilbihan si Sir Samuel. Kung anong halaga sa akin na panatilihing maayos ang kalagayan ni Señorita ay ganoon din si Papa sa buong pamilya. Mahirap sa aming dalawa ang naging desisyon na ito ni Sir Samuel pero wala kaming magawa kundi tanggapin.
“Papa, pasensya na. Kung sana hindi niyo ako inalagaan ni Mama ay hindi ka idadamay ni Sir Samuel.”
Umiling si Papa. Bakas sa mukha niya ang panghihinayang sa pag-alis niya sa pwesto.
“Mabuti ka, Elias. Naiintindihan ko ang desisyon ni Sir Samuel pero gusto kong malaman mo na walang batayan ang dahilan niya. Iba ka sa kinatatakotan niya. Naniniwala akong hindi ka mananakit ng kapwa lalo na kung si Señorita Isabela.”
BINABASA MO ANG
Deception (CHURCH SIBLINGS 1)
RomanceLies. Vengeance. DECEPTION. After her traumatic experience Atasha Isabela couldn't stand to be around men. She only trust one man with her life- Elias Vladislav. But would she still trust him after she finds out the truth about his identity?