14

550 21 13
                                    

Nasa sasakyan na kami nang maalala ko si Simon. Nagmamakaawa ako kay Elias na balikan namin ang kapatid ko pero buo na rin sa isip niya na unahin ako.
“Si Gregory na ang bahala sa kanya. Kailangan muna kitang ilayo rito.”
“Tulongan natin si Gregory, Elias.”
Naririnig pa rin namin ang putok ng baril, ngayon ay wala ng tigil na parang may dalawang grupong nagkakabarilan.
“I promised Simon, Elias. Please balikan natin sila.”
Napasulyap siya sa akin. Sa halip na pakinggan ako ay mas binilisan niya ang pagpapatakbo palayo ng sasakyan. “May pangako rin ako sa ‘yo. May mga tauhan ng katulong si Gregory roon. Kaya na nila.”
Napakapit ako sa braso niya. “Elias—
“Ikaw ang tungkolin at responsibilidad ko, Señorita hindi kita ibabalik doon kahit magmakaawa ka pa. Magalit ka na, ilalayo pa rin kita.”
Tinawagan niya si Gregory habang hawak ang kamay ko na ngayon ko lang napagtanto na nanginginig.
“Kasama mo na si Simon?”
“Oo. Kailangan lang namin mag-iba ng daan para iligaw ang nakasunod sa amin.”
Napayuko ako nang may marinig na malakas na pagsabog mula sa linya ni Gregory. “Gregory, si Simon? How’s he?”
“He’s okay, Señorita. May su—
Napakapit ako ng mahigpit sa seatbelt nang mamatay ang tawag ni Gregory sabay sa lalong pagbilis ng pagmamaneho ni Elias. Napatili ako nang may lumipad na bala at natamaan ang side mirror sa tabi ko.
“Get down!” Elias commanded with authority.
He put his one hand behind my head, pinning me down protectively. The car filled with his swears and curses. He rolled down the window beside him and exchange bullets with the goons that are tailing us.
“Do you trust me?”
“Do you still have to ask me that?”
He smirked. “Reload the bullets.”
I made myself useful. Kinuha ko ang bag na tinuro niya sa backseat. Binuksan ko iyon para kumuha ng baril tsaka inabot sa kanya. Nilagyan ko ng bagong bala ang baril na ginamit niya kanina pa tsaka muling binalik sa kanya nang maubos na naman ang bala ng binigay kong una.
Malakas akong tinawag ni Elias nang mahulog ako sa kinauupuan ko matapos bunggoin ng sadya ang likuran ng sasakyan namin. Nagsikalat ang bala sa lapag. Napamura ng malutong si Elias nang hindi ko na magawa ng tama ang utos niya.
Tinaas niya ang bintana sa tabi niya, nang abutin niya ako ay doon ko nakita ang tama ng bala sa braso niya. Nanlamig ang kalamnan ko lalo nang mapaghinuha ko na maraming tama ng bala ang sinasakyan namin.
We will die.
“Señorita!” Bumalik ako sa katinuan nang yugyogin niya ako. “Tingin sa akin.”
“M—mamatay na tayo.”
“Akala ko ba may tiwala ka sa akin?”
Gusto ko siyang murahin. Paano pa siya nakakangiti sa sitwasyon namin? Paano pa niya ako natitignan na parang walang problema basta nasa tabi niya ako?
“Mamatay na nga— Elias!”
Napatili ako sa biglang pag-apak niya sa preno. Hinila niya ako para yakapin bago pa tumalsik mula sa malakas na pagbangga ng nakasunod sa amin sa likuran ng sasakyan. Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Kinalas niya ang suot na seatbelt matapos sipain ang pinto sa likuran ko. Yakap pa rin ako ay tumalon siya palabas ng sasakyan.
Wala siyang oras para indahin ang pagtama ng katawan niya sa semento, kaagad siyang tumayo. Binitbit niya ako sa katawan, inilayo bago sumabog ng sabay ang dalawang sasakyan.
“We need to get going.” Binaba niya ako para damputin ang bagpack na nauna niyang itapon palabas ng kotse kanina. “Kailangan nating makalayo rito.”
“You’re bleeding.”
“Wala lang ‘yan.”
Paika-ika akong naglakad habang hawak ni Elias ang kamay ko. I don’t understand why I feel so week right now. Noong mga nakaraang araw naman kahit na binubugbog ako ay kaya ko pang tumayo.
Napabuntong hininga si Elias. Bumaba siya tsaka tinapik ang likuran niya. “Sakay.”
Napangiti ako sabay sampa sa likuran niya. Hinalikan ko siya sa pisngi at lalong hinigpitan ang kapit sa leeg niya. He tsked while rolling his eyes before kissing me on the cheeks, too. “Kapag nawala ka pa, itatali na talaga kita.”
Natawa ako ng kaonti. “I like that idea.”
Nakatulog ako sa kabila ng kwentohan namin habang tinatahak ang madilim na daan. Nagising ako na nasa loob na ng kwarto at nakahiga sa malambot na kama. Napaupo ako nang makita ko si Elias sa sofa na ginagamot ang mga sarili.
Malalim siyang napahinga at bumagsak ang ulo sa sandalan ng sofa nang makuha niya ang bala na tumama sa gilid ng tiyan niya.
Napaayos siya ng tayo nang bumaba ako sa higaan. Namumungay ang mga mata niyang sinundan ako sa paglapit sa kanya.
“Tinamaan ka.”
Pasimple niyang sinipa palayo ang palanggana sa lapag kung saan niya tinapon ang bala na nakuha sa katawan. “Daplis lang.”
Kinuha ko ang gamot na nasa kabilang gilid niya tsaka tinuloy ang paggamot sa kanya. Masuyo siyang nakatingin sa akin at walang pinapakita na nasasaktan habang tinatahi ko ang sugat niya. Nang matapos kong takpan ng gauze ang sugat ay pinasadahan ko ng daliri ang bawat ukit ng kanyang katawan.
“Paano mo ako nahanap?”
Hinawakan niya ang kamay ko para pigilin bago dumako sa dibdib niya. Nagtikis ang tingin naming dalawa. Marami kaagad akong napansin sa mukha niya. He grew his beard, his complexion is darker than it already is. He looks more… ruthless.
I cup his face to fondle. I kneel on the sofa to lean closer to him. I put my lips against his, just feeling the most tender part of his body.
I was about to pull away when he cup the back of my head urging me to move my lips. I shut my eyes close, going with his every move.
“I’m sorry it took me days to save you,” he mumble between kisses. “Thankfully you have a very unique feature, I easily caught you.”
He is a gentle kisser. He is making me feel like it is my first time.
Bumaba ang kamay niya papunta sa likuran ko. Hinila niya ako para maupo paharap sa kandungan niya. Marahan niyang kinagat ang labi ko. Napaawang ang mga labi ko para kumuha ng hangin, kinuha niya iyong pagkakataon para itulak ang dila sa loob ko.
Napatingala ako nang bumaba ang labi niya sa leeg ko. Habol ko na ang paghinga nang muling umakyat ang halik niya hanggang sa patakan niya rin ang mga pasa sa mukha ko.
“Inisa-isa ko lahat ng CCTV sa Bucharest,” paliwanag niya. “Nahirapan nalang ako nang lumabas na kayo ng Romania.”
I couldn’t imagine the hour and hours he spent in front of the computer checking for footages and searching for clues. Kaya pala nangingitim ang ilalim ng mga mata niya.
“Nasaan na tayo?” pag-iba ko ng usapan. “Hindi pa ba tayo uuwi?”
Maingat niyang sinusuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri. Mariin niyang hinalikan muli ang labi ko bago sumagot. “We’re in Bulgaria. Nasa apartelle.”
“Kailan tayo uuwi?”
Napanguso ako sa pagkailang mula sa titig niyang hindi nilulubayan ang labi ko. Pinatakan niya ng mumunting halik ang labi ko na parang hindi siya makuntento.
“Elias, kailan tayo uuwi?”
Tinulak ko na ang mukha niya palayo dahil kung hindi ay mukhang wala na siyang gustong gawin kundi halikan ako buong magdamag.
Napabuntong hininga siya nang mapasandal sa sofa. I read something on his eyes— relief and longingness. If only he can read me too, then he will know he was the reason why I fought to live despite of all the torture.
“Hindi pa tayo pwedeng umuwi. Compromise na ang security sa tower. Magiging mas ligtas tayo kapag nasa malayo. Maghintay lang tayo ng tawag mula sa pinagkakatiwalaan ko.”
“How about Simon?”
“Sa huling usap namin ay maayos na siya. Nagamot na ang mga sugat niya.”
“And Gregory? Hindi naman siya nabaril?”
Nanalim ang titig niya. “Gusto mo bang nabaril siya?”
Napakunot ang noo ko. “Syempre hindi. How can he keep my brother safe if he’s injured?”
Inirapan niya ako. “Concern ka lang sa kanya.”
“What?” Natawa ako nang iiwas niya ang mukha niya nang subukan ko siyang hawakan. “Bakit para kang galit? Nagtanong lang ako tungkol sa kanya.”
“Wala ka namang magagawa kung nabaril siya. Matanda na siya kaya na niya sarili niya.”
“Kasama niya kapatid ko. He needs to be healthy.”
Tinulak niya ako paalis sa kandungan niya. “Matulog ka ulit,” pagsusungit niya.
Nagseselos ba ‘to?
Niyakap ko ang braso niya. “Tulog tayo. Look, oh—” tinuro ko ang sugat niya sa braso at tiyan. “Need mo rin ng pahinga. Dapat healthy ka rin kasi ako kasama mo.”
He stare at me blankly before he shake his head like he couldn’t believe what’s happening.
“Please?”
He tsked. “Lipat ka na sa higaan, hindi na kita kakargahin.”
Ngumisi ako. Hinalikan ko siya sa pisngi bago umahon mula sa sofa. Nang makatayo ako ay hinila niya ako pabalik sa tabi niya. Patili akong tumawa nang itulak niya ako sa sofa at paibabawan para paulanan ng maliliit na halik sa mukha at leeg.

Deception (CHURCH SIBLINGS 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon