25

197 5 1
                                    

Elias’s betrayal will always be the last straw of my sanity. I love him. I truly do. Kung sinabi niyang hindi niya ako mahal, hindi ko ipipilit ang sarili ko, mamahalin ko siya ng tahimik at sa malayo. Kung may katotohanan sa mga sinabi ni Rosalie ay hindi ko makuha ang dahilan na kailangan niyang magsinungaling pa. Saan sa loob niya nahanap na dapat niyang sabihin sa akin na mahal niya ako kung hindi naman?


“Miss Isabela, are you sure you’re alright?”

Nakatulala akong napatango kay Warren. Nanghihina ang mga tuhod ko na kinailangan pa niya akong alalayan sa pagpasok sa loob ng kotse.

“Uuwi na ba tayo, Miss?”

Umiling ako. Nasa bahay si Elias, hindi ko siya kayang makita muna. Alam kong mas mainam na pag-usapan namin ito pero hindi ko pa kaya. Natatakot ako na hindi nagsisinungaling ang Rosalie na ‘yon, natatakot ako na baka masaktan ko siya kapag nakapagsalita ako ng hindi maganda.

“Saan tayo, Miss?”

“A—anywhere. Huwag lang sa bahay.”

“Should I inform Elias, Miss?”

Inabot ko ang braso niya. Nagmamakaawa akong napatingin sa mga mata niya. Matagal pa bago siya napatango na parang naiintindihan niya ang takot ko. “How about Gregory, Miss?”

“Y—yes, please. P—pakisabi huwag niyang sabihin kahit kanino.”


Tumango siya at sinara na ang pinto ng kotse. Ilang minuto bago siya pumunta na sa harap at sinabihan ang driver na umalis na.
I don’t have any idea where they’re taking me but we’re heading outside the city. Nakarating kami sa isang beach house at sa pagpasok ko pa lang ay naghihintay na ang nag-aalalang si Gregory.

“Señorita, may problema ba? Ayaw mo raw malaman ni Elias kung nasaan ka?”

“Mag-usap tayo.” Marahas akong lumunok. Ayaw kong maiyak sa harap nilang lahat. “Tayo lang.”

Naiwan kaming dalawa sa sala. Binigyan niya ako ng tubig tsaka siya naupo sa isahan ding sofa sa harap ko. Ilang oras ang naging byahe, madilim na sa labas pero hanggang ngayon ay hindi kumakalma ang loob ko.

“Señorita, sa tingin ko ay mas mainam na tawagan natin si Elias. Kung ano man ang hindi niyo pagkakaintindihan ay kayo dapat ang nag-uusap, hindi rin ligtas para sa ‘yo na nasa malayo tayo at walang alam sila sa manor sa kinaroroonan natin.”

“I have a question, Gregory and I want you to be honest. I will remind you na pamilya ko ang nagpapasahod sa ‘yo at hindi si Elias.”

Napabuntong hininga siya. “Señorita, kung personal na bagay ‘yan mas makakabuti na si Elias ang kausapin mo.”

“What is his relationship with Rosalie?” I disregarded his unwillingness to cooperate. “Ikakasal ba talaga sila?”

Namilog ang mga mata niya tanda ng pagkabigla o baka takot na nabisto ang kaibigan. Lalong dumami ang tanong sa utak ko. Napaisip ako kung ano ba talaga ang nangyayari, na baka bulag ako sa katotohanan samantalang lahat sa paligid ko ay dilat. Naalala ko ang mga salita ni Apollo, may alam din ito pero hindi ko alam kung konektado rin sa ngayong mga alam ko.

“Gregory, please.” He won’t flip if I continue threatening him. Kay Elias ang loyalty niya, kaya niya ring lumipat sa SWAN kung papaalisin ko siya sa trabaho.

“You’ve been with my family for many years. Oo, naging masama ako sa ‘yo pero gusto ko lang malaman ang totoo. I am so tired, Gregory. Maawa ka naman sa akin.”

Deception (CHURCH SIBLINGS 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon