"Hi! My name is Celine ako yung tumawag sa'yo. Buti naman dumating ka ngayong libing niya. Halika dito tayo maupo kayo."
"Pasensiya na kung hindi kami nakapunta nitong nakaraang araw. Nga pala mga kaibigan ko si Toni at si Bhea."
"Kumusta kayo?"
"Mabuti naman nakikiramay kami."
"Nasaan nga pala ang mga magulang at kapatid ni Fyron."
"Ayun ang daddy nila si Tito Arjay nasa wheelchair. Kanina lang namin siya inilabas ng hospital. Pagkasaksi niya kasi kay Fyron sa pagpapakamatay nito inatake siya sa puso. Yung katabi niya naman ang mama niya si Tita Gagay. May sakit ang mama niya. Nagkaron ng nervous breakdown. Minsan basta na lang magwawala yan. Si Fyron lang ang nakakapagpakalma sa kanya. Hindi nga namin alam paano na ngayon. At yung naka-all white naman ang kuya Ricky niya. Super close silang magkapatid. Siya ang nag-aalaga ng buong pamilyang ito Kat. At handa niyang ipaglaban hanggang kamatayan ang sinumang aapi o sasaling sa sa pamilya niya. Hindi pa nga namin nakakausap yan simula nong magbigti si Fyron. Laging galit. Galit na galit. Hindi ko pa din nakikita na lumuluha siya. Kabaligtaran ni Fyron. Showy magmahal. Sobrang bait ni Fyron Kat. Siya lang ang laging nagpapasaya sa pamilya nila. Mahal na mahal nila ang batang yan. Napakamatulungin din kasi. Hindi lang sa kanila maging sa halos lahat ata ng kapwa tao niya. Minsan nga biniro namin na gusto ata maging pari. :) Mabait sa mga bata sa kalye. Kulang na nga lang magpatayo ng foundation. Sa totoo lang. Lahat kami nasaktan noong halos tatlong taon na naging malungkutin siya. Pero ni minsan di sinabi sa min ang dahilan. Halos ginastusan din ng kuya niya ang pagpadoktor sa kanya. Tapos ayan nagulat na lang kami masaya na siya. Kaya ang pinakamasaya noon si Kuya Ricky niya. Sobrang mahal na mahal niya ang bunso niyang kapatid at lahat gagawin niya para dito. Pero ngayon simula noong isang linggo na umuwi siya walang ginawa kundi magkulong ng kwarto. Iyak ng iyak. Akala pa nga namin aatakihin na sa puso. Bigla kasi kumirot ang dibdib niya. Pero okay lang daw siya. Hindi ko alam kung paano ipipinta ang mukha ni Kuya Ricky. Galit na galit siya sa pagkakaganon ng iniingatan niyang kapatid. Lalo na noong matagpuan namin na...nakabitin na siya sa kisame ng kwarto niya :'(....
....pasensiya ka na ha naiiyak na naman ako. Bestfriend ko kasi si Fyron Kat. Mahal na mahal ko ang pinsan kong yun. At handa ko din gawin ang lahat para sa kanya. Napakabuti niyang tao hindi dapat mga katulad niya ang nawawala. Mga demonyo dito sa mundo sila dapat!......sorry....excuse me." Pinahid niya ang luha at lumapit sa coffin ni Fyron. Naroon sa harap noon si Kuya Ricky nila. Paglapit ni Celine ay inakbayan siya ng kuya Ricky nila at hinimas ang likuran at pinapakalma.Nagkatinginan lang silang tatlo. Nakaramdam ng kaunting guilt. Nakaramdam nga kaya. Nag stay sila don hanggang mailibing ng maayos si Fyron. Masyadong madamdamin na ang tagpo sa lugar na iyon kaya nagpaalam na silang tatlo.
****************
"Wow sis! Level up kana!" Habang nasa daan ay biro ni Bhea.
"Bakit naman?" Tanong ni Toni.
"Imagine, may nagpapakamatay na sa pag-ibig mo! Ito na yung level ng Kathleen Araneta ang taas ganito o, ganito!" Pangungulit pa din ni Bhea.
"Kilabutan naman kayo sa mga pinagsasabi ninyo. Kagagaling lang natin sa libing ni Fyron. Sana naman kahit konting konsensiya sumalo kayo nong naghagis ang Diyos!" Si Manong Peter
"E di wow mang Peter ikaw na ang natabunan ng maraming konsensiya. Bakit nalungkot din naman kami ah." Si Bhea
"Oo nga lumuha pa nga ako at si Kat. Nacaptured mo ba yon sa video kanina sa libing?" Natatawang tanong ni Toni.
"Oo naman cameraman nga ako di ba Kat?"
Ngiti lang ang sagot ni Kat at nailing sa pagtatalo ng tatlo. Nakita ito ni Mang Peter. Ibang klaseng mga bata parang anak ng demonyo!
Lahat sila napataas ang kilay sa pabulong-bulong ni Mang Peter.
"Pwede ba Tandang Peter, bilisan mo na ng makauwi na tayo. Pagod na kami noh!"
"Tama at gutom pa, hindi ka namin makakain kasi maasim ka!"
Si Bhea..."Hahahaa oo, may asim kasi sila ni Poleng!" Tirada naman ni Toni.
"Bwahhahhahhahah!"
*************
Pag-uwi nila sa bahay. Parang excited na excited magbabaan ang mga ito.
"Galingan mo mag-edit Kat ha. Magaling ka dyan I know." Si Bhea.
"Oo naman! Expert ako dyan!"
"Naku baka may ma-cut na scene sa akin ha. Yung pag iyak ko sa libing. Naku yun lang ata baka mawala pa."
"Sira! Meron kapa, dami mo ngang selfie na pang asar don!" Natatawang si Kat.
"Hoy ako din ha. Yung eksena ko, umayos kayo!" Si toni.
"Hay naku easyhan niyo lang. Magaling ako okay?!"
"Hahahaha may remembrance na tayo ng isang lalaking nagpakamatay dahil sa mabangis at malupit na Kathleen Araneta!"
"Ikaw nah! Ang galing-galing mo hahahahah sana may magmahal din sa akin hanggang kamatayan!" Si Toni na may hand gesture pa.
"Hahahaha di ka na magkakasyota, hign level din ang pamimintas mo. Kahit si Aga Muhlach di nakaligtas sa pamimintas mo! Hindi na nga namin alam ano pa ba ang gwapo sayo!"
"Eh pangit sila sa paningin ko eh!"
"E di meow! Hahahaha!"
"Wag na nga kayong maingay okay. Para makapag-concentrate ako dito! Hmp magsikain na nga lang kayo sa baba para di kayo istorbo ang iingay niyo! Baba!"
"Tara na baka magwala ang dragon! Hahahah!"
*************
Mag-isa na lamang siya sa kwartong iyon ng makarinig siya ng isang tinig.Sobra na talaga ang sama ng ugali mo Kathleen!
"Sino ka?" Gulat nitong tanong.
Hindi ka pa nadala sa warning na ibinigay ko noon sayo! Napakatigas ng puso mo na umaabot na sa pagkawasak ng mga tao sa paligid mo.
"Sino ka? Magpakita ka! Wag mo kong takutin!" Matapang nitong hamon.
"Madami ka ng pinaglaruan! Marami ka ng nasira ang buhay! Marami na ang nagkasakit ng pagkabaliw sayo at ngayon humantong na sa pagpapakamatay ng isang mabuting nilalang!
Biglang lumitaw ang fairy na nagpakita sa kanya noon.
"Ikaw? Hindi ka naman totoo eh! Panaginip lang kita!"
"Igagawad ko sayo ang nararapat na parusa na di mo malilimutan habang ikaw ay nabubuhay!"
"Hindi ka totoo! Magigising din ako! Gising Kathleen hindi siya totoo!"
"Tanggapin mo ang parusang ito!" Ikinumpas ng fairy ang kanyang wand. At tulad noong naramdaman niya na may naramdaman siyang kapangyarihan na pumasok sa kania. At naglaho na ito.
"No! Gising Kathleen! Gising!" Pilit niyang gising sa sarili.
"Hoy lukaret! Gising ka naman ah! Anong gising Kathleen, gising Kathleen ka dyan!" Si Bhea na natatawa hawak ang tray ng merienda na pinagawa kay Poleng.
"Hahaha Kathleen lukaret ka na yata eh. Gutom lang yan! Kain na! Hahahaah!"
"Siguro nga!" Bwisit na fairy yun hmmm totoo kaya siya?
***************
(C)2015 | TheDamnPrincess |undauntedheartkim
BINABASA MO ANG
The Damn Princess (Completed) Sequel to The Suitors
FantasyBeautiful. Sexy. Intelligent. Rich. That's Kathleen Araneta. Impakta sa lupa. Matapobre. Prinsesa Dimonyita. Siya din si Kathleen Araneta. Marami na siyang lalaking pinaglaruan, sinaktan, niloko at may nagpakamatay pa. Pero lahat ng iyon ay pinagtaw...