Part14: Experience With Tres Malditas

290 47 1
                                    

"So where are we going?" Tanong ni Patrick.

"I wanna go in a museum sana."

"Ah so mahilig ka palang mag-view ng mga artifacts, painting or statues like that."

Hindi sumagot si Kathleen kaya sinulyapan siya ni Patrick sa rearview mirror. Napasulyap na din tuloy si Kat doon at napaka-cold na tumango.

"So maybe you wanna try Louvre?"

"Not there."

"Why not? It's one of the most famous museum here located at Louvre Palace. Actually mas maganda mag tour doon by night 'coz you'll gonna see how spectacular and seem mysterious the place when you got to see the louvre palace and the pyramid glass entrance lit up."

"I was there before. Kung wala kang alam na ibang museum, ibalik mo na lang ako sa hotel."

"Bakit ba ang taray mo? Sayang ang ganda mo Ms. Araneta. Gusto mo bang malaman ang sikreto ng kagwapuhan ng nasa harapan mo?"

Napaangat na naman ni Patrick ang kilay niya.

Kapal! Kaya ko pa bang makasama to sa maghapon! Frozen na ko bago makabalik ng hotel sa yabang ng pulis na to!

"So....may alam ka pa bang museum other than that?!"

"Oo naman. Musee d'Orsay."

"Nice?"

"Ya! It is known for housing the world's premier collection of impressionist paintings. Located lang to sa former railway station. At ang grand museum na to may thousands of art works and objects. Makikita mo lahat ng amazing art works by many famous artists such as Monet, Van Gogh, Cezane, Degas, Pissarro, Renoir and Jean-Francois Millet....."

"Okay fine fine fine. Punta na tayo don."

"Art lover ka pala? Tsk!"

"Parang dismayado ka yata mamang pulis."

"Wala lang. Ikaw art lover?!" Pabulong na sabi niya sa pangalawang sinabi niya.

"May problema ka ba don?"

"Oh sorry! We're heading there." Nakangiti nitong sabi na kinindatan pa si Kat using the rearview mirror na nginusuan lamang siya.

Tahimik na ang paglalakbay nilang iyon hanggang marating ang Musee d'Orsay."

"We're here! Let's go!" Yaya ni Patrick.

Nauna itong bumaba ng sasakyan at pinagbuksan ng pinto si Kathleen. At naglakad na patungo sa loob ng museum.

************

"Ayusin mo naman yung pag-take mo ng picture sa kin, tingnan mo ang taba ko naman tingnan dito eh." Reklamo ni Bhea kay Toni.

"Eh magagawa ko mataba talaga kahit saang anggulo! Hmp! Magpose ka na nga ulit don! Paano ba kasi?" Inis naman na sabi ni Toni sa kaartehan ng kasama.

"Medyo angat mo yung cam tapos pababa ang kuha mo sa kin, para mukang payat pa ko lalo."

"Okay fine!"

The Damn Princess (Completed) Sequel to The SuitorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon