Part34: The Damn's New Challenges

221 41 0
                                    

"Bossing!" Tawag ni Loloy sa kanyang totoong boss. Natakasan nito ang kapulisan. May timbre naman kasi ni bossing.

"Good you're here! Anong balita?"

"Eh binalikan namin ng mga bata ang Casagrande. Wala kahit anong bakas ni Kathleen doon."

"Where is that bitch?" Napapaisip ito. "Yung mga kaibigan niya nakakausap na ba?"

"Nasa hospital pa sila, traumatized pa."

"Hindi pa ko tapos sa babaeng 'yon! Hindi bale ako na bahala. Ni isa sa inyo walang nagawa?! Natakasan kayong lahat! Sige na makakaalis ka na."

************************

Umalis na si Loloy at naiwan itong nag-iisa sa living room ng bahay nila. Naisipan niyang umakyat na muna sa kwarto niya. Kaya't naglakad na ito patungong hagdan.

"Kuya!"

"Good to see you!"

"Galing ako sa hospital, binisita 'yung dalawa, pero hindi pa din nakakausap. Ayaw pa magsalita. Naroon din si Michael Araneta at nag-aabang na makausap ang mga kaibigan ni Kathleen."

"Ano ba kasing nangyari at nasira ang planong ito?!"

"Malaki pala talaga ang galit no'ng Wil na 'yun sa babaeng 'yun eh. Minadali ang pagpapahirap kay Kathleen at hindi ka na nahintay!"

"Kung alam ko lang na magkakaganito hindi ko na ipinagkatiwala pa sa lalaking 'yun ang babaeng 'yun! Hawak na natin nawala pa!"

"Huwag kang mag-alala kuya, we'll find her. Mag-isa na lang 'yon don at hindi basta makakaalis."

"Wala bang nakahalata?"

"Malinis tayong lahat kuya. Wala tayong dapat ipag-alala. Ang mga pulis mo pinasalamatan pa at binigyan ng pabuya ng mga magulang ng tatlong demonya. Kahit paano napahirapan pa din natin sila."

"Hindi sapat sa 'kin 'yon alam mo yan! Hindi ganoon kabilis!"

Habang nag-uusap ang dalawa ay muling may dumating.

"Ricky!"

Napalingon silang dalawa kay Patrick.

"What's up Patrick?"

"Naka-schedule sa Saturday ang muling paghahanap kay Kathleen."

Nagtungo sila muli sa living room upang doon makapag-usap ng maayos.

"Sa tingin mo mauunahan natin ang mga tao ni Michael? Paano ang mga tao natin?" Si Ricky.

"Pinagbakasyon ko na silang lahat. Kami na ang bahala at ang mga kasamahan ko. Hindi na pwedeng magpakalat-kalat ang mga inupahan nating tao sa Casagrande."

"Si Wil?" Tanong pa muli ni Ricky.

"Nasa hospital pa din. Gising na. Okay naman ang operasyon niya."

"Huh?! Pano na 'yan kung magsalita 'yon laban sa atin?" Pangambang tanong ni Celine.

"Yes, paano ang tungkol kay Wil, Patrick?"

The Damn Princess (Completed) Sequel to The SuitorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon